Simula

64 3 2
                                    

 
This is a work of fiction. Characters, places, and events are just the author's imagination. Any resemblance that there is an actual person has and the scenes that are not pleasant is not intentionally put by the author.

                          

                         

                              ****

Nasisiyahan ako dahil malapit na kame makaalis nila mama dito sa tinitirhan namin sa Baguio, pano ba naman ako hindi masisiyahan eh ang bahay namin dito ay napakaliit na halos hindi kami magkasya ng walo kong kapatid. Kapag kami ay matutulog na paunahan kaming mag-kakapatid sa nag iisa naming kutson dahil dito ay masarap matulog at sobrang lambot pa, araw araw na namin iyong pinagtatalunan. Hirap lang kame sa buhay dahil ang tatay ko ay nag-tatrabaho sa maynila bilang guard ng amo niya at ang nanay ko ay naglalako ng mga pagkaing pang almusal at tanghalian. Lima ang lalake sa amin at apat naman kaming babae at ako ay pang apat sa aming mag-kakapatid. Ang tatlo kong kuya ay nag-tatrabaho na at kaming anim ay nag aaral pa, ngunit sila kuya naman ay may kaniya kaniya nang pamilya kaya minsan lang sila makapag-bigay kila mama para sa gastusin namin sa araw araw.

Habang nag aayos kame ng gamit para bukas sa paglipat namen ng bahay ang iba kong mga kapatid ay umiiyak dahil ayaw daw nila lumipat at maiiwan daw nila ang kanilang mga kaibigan, ako naman ay okay lang dahi may cellphone naman ako para sila ay tawagan at ichat. Okay na lahat ng gamit ko at ready na 'ko bukas para umalis. Sobrang excited ko dahil first time ko na makakapunta sa Maynila at sabi nila madaming pasyalan at matataas na building ang naroroon.

Habang kami ay bumabiyahe ako muna ay natulog at nagsabi ako kay mama na gisingin na lang ako kapag malapit na kame. Nang nagising ako manghang mangha ako sa mga tanawin na aking nakikita, totoo nga ang mga nasisilayan ko sa facebook at mga sabi sabi nila na madami pala talagang nag tataasan na mga building at magagandang parke. Ang mga nag iiyakan kong kapatid kanina ay tuwang tuwa ngayon dahil sa kanilang mga nakikita at gusto na nilang mamasyal agad.

Nakarating na kame sa aming bagong titirahan at nagulat ako dahil napakalaki neto kumpara sa bahay namin sa Baguio. Ibinaba na namen ang mga dala naming gamit at nilibot namen ang bago naming bahay na napakaganda. Ang bahay namin sa Baguio ay puro plywood at semento lang ang sahig, pero dito ay tiles at pader na ang paligid ng aming bahay, tuwang tuwa kame dahil may dalawang kwarto na at hindi na kame mag sisiksikan ng mga kapatid ko.

"Ma? napalaki netong bahay natin kumpara dati,"tuwang tuwang banggit ko.

"Oo nga nak napakalaki nga neto, hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang ibinigay sa'tin ng boss ng papa mo."

Si papa ay dito nagtatrabaho sa Maynila dahil wala siyang mahanap na trabaho sa Baguio kaya lumuwas siya dito at nagbakasakaling palarin. Binalita niya sa'min na nakahanap na siya ng trabaho at napakabait at napakayaman daw ng kaniyang naging amo. Dahil sa kasipagan at si papa ay mapapagkakatiwalaan kinuha siya ng amo niya para maging body guard neto.

"Oo nga ma eh napakalaki at ganda, pero ma nakita mo na yung amo ni papa?" tanong ko.

Lumingon si mama, "Hindi pa Athenna, makikita din natin iyong amo ni papa mo tutal andito na tayo sa Maynila."

"Opo ma, gusto ko din po na magpasalamat sa kaniya."

The Perfect OneWhere stories live. Discover now