Date: 3/12/15
Penname: kabuglec
1. Introduce/describe yourself…
- My name is Dean de Leon or commonly known as Kabuglec, Lec, Kabu, or Raven in online world, the wackiest among emo writers around. I am a HRM graduating student. Silent reader ako at tamad magvote at comment. Ayos naman daw akong kasama pero tinatamad akong makipagngitian ang makipagkawayan. Tamad din ako makipagchat at magreply sa comments. I’m not even born to become a star. I just enjoy writing.
2. When did you start writing?
- I started when I was 18 years old, wayback 2012.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- It’s for a text clan actually. Jeje days to be exact. I was in highschool. Nag-iisip ako ng pwedeng gawing codename. Tapos habang nasa kaibuturan ako ng pag-iisip, biglang sumara yung pinto. Ang lakas ng pagkabug. Doon ko nakuha ang KABUG at dinugtong ko nalang ang LEC galing sa real name ko. Ang tagal ko ring hindi ginamit ‘yon ah. Narevive nalang noong gumawa akong account sa Wattpad.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- SUMIGAW AKO! Daig ko si Tarzan. “Waaahhh! LIB Ranger na ‘ko! Writer na ‘ko! Woohooo!” Sa Booklat kasi ako minessage ng isang taga-LIB na under evaluation daw ang Almost a Love Story. Isang buwan din akong naghihintay ng feedback. Then, nagulat nalang ako kasi pati wattpad account ko, tiningnan din pala. Doon ko nabasa ang message nila. Ang bilis ng tibok ng puso ko tapos para akong naiihi na natatae na hindi ko malaman. I never really imagined na ang isang underrated writer na katulad ko ay bibigyan ng chance ng LIB.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Mahilig talaga akong magsulat nong high school ako. Tragic love stories din pero hindi pa kami close nila Wattpad at Booklat noon at ayokong may makabasa kaya sinusunog ko lang. Then, I read Sadist Lover trilogy by Aril Dane last October 2012, doon ako nainspire magsulat ng novel. ‘Yon din ang simula ng pagpopost ko ng story online.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Manonood muna ako. Minsan, wala ako sa mood kaya titingin ako sa labas ng bahay tapos mag-iisip ng scenes. Maya-maya, kapag nakaisip ako ng lines, binibigkas ko. Pinakikinggan ko kung magandang pakinggan. Tapos kukunin ko na ang notebook ko tsaka magsusulat.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- So far ang negative comments lang sa story ko, yung ending. Hindi kasi ako sikat kaya yung mga readers ko nahihiya atang magcomment at magvote. I don’t care. Wala naman silang magagawa kasi yun ang gusto kong tragic ending, eh. Hindi naman ng happy ending ay deserving para sa isang kwento. Porke tragic, panget na agad ang story? A big NO! Minsan, kailangan mong ipakitang tragic para ipakita sa mga taong hindi lahat may happy ending. That is one of the realities in life na dapat nilang malaman.Ang story, as long as nag-enjoy ka, nadala ka, at nainspire ka, maganda yan. May kinalaman ba yung sinabi ko sa tanong? HAHA. Heto na nga, natatawa lang kasi ako kapag asar na asar sila sa ending ng flagship story ko which is ALS kasi pakiramdam ko, effective writer ako.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- JOURNALIST, NEWS CASTER, and SCRIPT WRITER. Basta media, go lang ako. Dati, gusto ko pang magkabanda. Feeling ko kasi maganda ang boses ko, pang rakrakan. Eh, hindi pinush ng tadhana.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Yung mga gawa ni Nicholas Sparks. Totoong totoo ang feelings, eh. Nakakainspire.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Aril Dane. Nasabi ko naman na diba? Tapos sila OwwSic, Alyloony, at Beeyotch. Isama ko na rin ang TKB: Ann Syvil, Psychedelic Distress, BadReminice, dalan_DANN, Ava Grace, at IrisAndTheDiamonds. Actually hindi ako palabasa. HAHA
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- KOREANOVELA at its finest! Minsan sa mga kwento rin ng kaibigan. But, never from my own experiences. Ayokong kapag ginagawa, binabasa, at ineedit ko na yung manuscript ko, naaalala ko ang mga kabugukan ko sa buhay.
12. Titles of your published and to be published book…
- Almost a Love Story. May newly approved din, Second Confession.
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Luh! Totoo ba? Sabi kasi sa akin ng Nanay ko, kapag mahilig magbasa ng romance stories, tumatandang dalaga/ binata kasi hinahanap nila yung qualities ng fictional character sa taong mamahalin nila. Pero kung totoo man ‘yan, nasa tao yun kung gusto nilang sirain ang buhay nila o gumawa ng magandang future.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Horror, Mystery, Thrillers. Kailangan kasi ng matinding brainstorming para makagawa ng effective stories under those genres mula sa characterization, storyline, hanggang sa plot twists. Kailangan mapapaikot mo isip ng mga readers. Kapag nakagawa ako ng malinis at magandang story under those genres, I will classify myself as genius.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Write from your heart. Huwag kang magsulat kasi napilit ka lang o kaya gusto mo lang sumikat. Sinasabi ko sayo, sa dami ng wattpad writers ngayon, ang hirap sumikat. Kita mo ako, hindi ako sumisikat. Joke! Seriously speaking, kailangan may K ka. Kailangan gusto mo talaga ang ginagawa mo. Kapag kasi gusto mo ang pagsusulat, mag-eeffort ka. You will imagine scenarios, construct dialogues, research if ever you need certain information, and read more books to learn proper story construction. Minsan nga, kahit hindi maganda ang sentence and paragraph construction basta maganda ang kwento, tinatangkilik ng Wattpad readers. But, good construction is a plus. Makakagawa ka ng magagandang stories na makakaantig sa puso ng readers kapag nagsulat ka galing sa puso kasi totoong feelings ang ininsert mo sa kwento.
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^