Ika-limang Kabanata

133 11 0
                                    


'𝕽𝖎𝖙𝖜𝖆𝖑'


Dumating na ang tamang oras...

Muli ng maghahari ang paibagong kabilugan ng buwan ngayong gabi. Ang araw na pinakahihintay ni halma at haliya, ang diwatang babae na nais niyang pakasalan at makasama habang buhay.

Nag-uumpisang mandilim ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak pahiga muli sa matigas na kawayang kama.

Iyon ang pangyayaring nadatnan ni Perla. Labis ang tibok ng kanyang puso ng mag-umpisang manginig ang kabuuan ng katawan ng kanyang anak.

"Berto! Berto si halma! Diyusko anak!" Sunod-sunod na palahaw ni perla. Walang kaalam-alam na iyon na ang huling beses na makikita nilang gumagalaw ang kanilang bunsong anak.

____

Naimulat na lamang ni halma ang kanyang paningin dahil sa pamilyar na mga haplos na iyon na nararamdaman niya sa kanyang pisngi.

"Aking irog, nakahanda ka na ba para sa ating pag-iisang dibdib?" Kaagad na bumalatay sa labi ni halma ang ngiti ng muli niyang masilayan ang mukha ni haliya. Ang diwatang bumihag sa kanyang puso.

Mariin niyang ikinulong ang magandang mukha nito sa kanyang palad.

"Wala akong ibang hiniling na ibang pakasalan kundi ikaw mahal ko," Malambing na usal niya pabalik sa magandang diwata.

Walang kaalam-alam na buhay niya ang magiging kapalit sa pagpapakasal sa isang makapangyarihang nilalang na kagaya nito.

Kagaya ng nakagawian ay nakahanda na ang magarbong selebrasyon para sa kanilang kasal. Siguradong mapupuno ng mahihiwagang memorya ang kanyang isip ngayon.

Nag-umpisang umawit ang mga ibon at ibang nilalang sa kanilang sabay na paglakad patungo sa gitna ng ritwal na magtatalaga ng kanilang pagiging mag-asawa.

Napakaganda ng dekorasyon sa buong paligid. Kahit saan lumingon si halma ay namumutiktik iyon sa bulaklak, mga kumikinang na alahas at magagandang dekorasyon.

'Tila isang panaginip para sa kanya ang masaksihan ang mga bagay na ito. Higit lalo ay ang makasal sa isang diwatang kagaya ni hilaya.

_____________

Halos hindi na makaya ni berto na igapos sa higaan ang kanilang anak. Nag-uumpisa na ding bumula ng kulay puting likido ang labi nito.

Mas lalong pumutla ang balat at nagkukulay ube na ang palibot ng labi nito at ilalim ng mata.

"Perla?! Perla dalian mo!" Sigaw na tawag niya sa asawa na kasalukuyang kinukuhanan ng maaring ipanggamot pansamantala sa anak.

"Tatawagin ko na ang babaylan berto, ito muna ang ipainom mo sa kanya." Nagmamadaling usal ni perla sa asawa bago ibinigay ang isang botelya na ibinigay noon ng babaylan kung sakaling bigla muling mahimatay ang binata.

Kaagad na tumakbo paalis si perla upang sunduin na ang babaylan.

Nagmamadali namang ipinainom ni berto ang laman ng botelyang iyon sa nagbubulang labi ng anak. Naaawa siya sa nangyayari dito ngunit wala din naman siyang sapat na kaalaman sa mga engkanto at sa mga ganitong bagay na nangyayari.

_________

Napakunot ang noo ni halma ng maramdaman niya ang 'tila biglaang pagkirot ng kanyang puso.

 Ngunit sinawalang bahala niya na lamang iyon at ipinagpatuloy ang pakikinig sa mga sinasabi ng punong diwata na siyang nagbibigay ng basbas sa kanila.

Mahomanay | Completed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon