Chapter 30...Third Examination
Alexandra's Point of View
Nasa History subject ako. Salamat naman at nawala na ako sa Science.
Ang kasama ko ngayon ay si Niel at nandito rin si Juliana. Nakatingin ako sa test paper na hawak ko habang nakahalumbaba. Tahimik ang lahat habang nagsasagot hanggang sa bigla nalang nagsalita ang teacher na nagbabantay sa amin. We were all curious about what was happening, and it turned out that she had discovered someone cheating. Isang lalaki.
"The number one rule here is no cheating, and now you are violating it. Alam mo bang kapag nahuling nandaraya sa exam ang kahit na sino ay hindi na pinapayagang magtake ulit at ibabagsak nalang?"
Ouch. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito. Ang inaakala kong mahigpit na pagsusulit ay may mas ihihigpit pa pala.
"I will not allow you to retake the exam since I have a good feeling that you will cheat again. Walang second chance kapag pandaraya na ang usapan. Now leave this room and consider yourself a failure." Utos niya tapos kinuha ang papel ng lalaki and worst, pinunit pa.
Wala itong nagawa kundi ang lumabas nga. Grabe naman. Tumingin ako sa wall clock. Wala pang 9:30. Hanggang 10:30 kami dito mahaba pa ang oras. 200 items muli ang laman ng exam pero katulad noong una, kaunting araw lang ang ibinigay para magreview.
Kumusta na kaya ang iba?
Si Nikki ang magaling dito sa History eh. Sana kasama ko rin siya dito para natulungan niya ako sa review. 'Yung mga nireview ko kasi wala dito. Buti ang ibang mga tanong ay madali lang.
Si Mary ay as usual, nasa kanyang paboritong subject magkasama sila ni Bruise. Si Gus ay nasa Science kasama nina Jace at Louise habang si Nikki at Ryan ang nasa math.
"Ibibigay mo o hindi?"
Napatingin ako sa lalaking nasa unahan ni Niel.
Katabi ko si Niel sa may kanan ko at itong lalaki sa unahan niya ay pinipilit siya sa isang bagay.
"What's going on?" I asked.
"Huwag kang makialam dito killer. Niel, ibigay mo na sa akin ang sagot."
Ahh so pinipilit niya si Niel na ibigay sa kanya ang sagot. And wait, I can't believe na may tumatawag pa rin sa akin na "killer" hanggang ngayon.
"Niel, huwag mong ibibigay. At ikaw naman." Tumingin ako sa lalaki. "Subukan mo pang mangulit at susunod ka sa lalaking napalabas kanina."
Nakita ko ang pagkapikon nito. "Pwede bang huwag kang makielam?"
Tinaas ko ang kamay para tawagin ang teacher na nagbabantay.
"Isusumbong mo ako?" Hindi ko siya pinansin.
Lumapit sa akin ang teacher nang makita niya ako. "Yes? Any problem?"
"This student." I pointed at him. "Sobrang ingay hindi po kami makapagconcentrate ng kaibigan ko."
Hindi ko sadya sinumbong dahil may awa pa rin naman ako kahit papaano.
"No ma'am hindi po iyon totoo." Depensa niya.
"Oh sige. Totoo man o hindi, para siguradong hindi ito mag-iingay, ililipat ko siya sa unahan."
Ngumiti ako at tumango. "Thank you, ma'am."
Syempre wala namang magagawa iyong lalaki kundi ang sumunod dahil talagang mapapalabas siya.
"Salamat."
Tumingin ako kay Niel. "It's okay. Makakapagsagot ka na nang maayos."
After 30 minutes, sabay kaming nagpasang dalawa. Lumabas na kami para puntahan ang iba.
BINABASA MO ANG
Pass or Die?
Mystery / ThrillerAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...