*****
Travelling alone is not bad.
Mataas na ang sikat ng araw nang ako'y makarating sa bayan na aking nais patunguhan. Itong bayan na ito ay malayo sa kapital na bayan ng bansa, ngunit salamat sa aking abilidad ay mabilis akong nakarating dito.
Wala akong kasamang naglakbay, at mas gusto ko iyon. Ayokong parati kong inaalala kung nakakasunod pa ba ang aking kasama o hindi na, kaya naman mas gusto kong mag isa. Mas mabilis ang aking galaw.
Tumingala ako upang pagmasdan ang mataas na entrada patungo sa bayang ito. May mga pader ding nakapalibot dito, ngunit hindi ito kasing taas at kasing luwang katulad ng nasa Wallachia. Maliit lamang ang bayang ito, ang bayan ng Falàina.
Mayrong mga nakabantay na dalawang mandirigma sa pasukan ng bayan, ngunit sa tingin ko ay wala naman silang silbi. They are just there for display, I suppose.
Dire-diretso lamang akong pumasok habang nakatabon ang aking manto sa mukha upang hindi ako makaagaw ng atensyon lalo pa't agaw pansin ang kulay pilak kong buhok.
Unang bumungad sa akin ang maingay at magulong pamilihan. Kaniya kaniya ang sigaw ng mga tao at tila ba nakikipag unahan pa sa pagbili ng mga produkto. Halos mapangiwi ako sa nakita.
Sa gilid ng mga pamilihan ay mayroong isang parang hugis bahay ngunit alam kong hindi ito bahay. It's a tavern. It's where people buy and drink alcohol. I decided to enter the place.
To my shock, ministry knights are gathered there. They were laughing like they don't have responsibilities and happily drinking their alcohols, not minding the chaos outside. Or maybe it's just a normal day for them.
Nagtagis ang aking mga panga.
How can they act like that? Is there something to laugh for?
Nilagpasan ko lamang sila habang nakayuko at dire-diretsong pumunta sa lalaking sa tingin ko ay ang may ari ng lugar na ito. Isa siyang matandang payat at kalbo, habang ang isang mata niya ay nakapikit na.
"Anong sa'yo, binibini?" Nakangiti niyang salubong nang ako'y maupo sa tapat ng mataas na lamesa kung saan bumibili ang mga tao.
"Kung anong mabenta rito." Sambit ko habang nakayuko.
"Hmm, mabenta..." Tila nag iisip niyang sambit. "Nais mo ba ng alak, binibini? Iyon ang mabenta rito,"
Napakagat ako sa aking labi sa narinig. Hindi ako umiinom ng alak, kaya naman ako'y nagdadalawang isip kung bibilhin ko ba ito o hindi, ngunit sa huli ay tumango na lamang din ako.
"Isang... alak ho," mababa ang tinig kong sagot. Lumawak ang ngiti ng lalaki bago agarang inasikaso ang ihahain sa akin.
Habang siya'y abala, ginamit ko ang pagkakataong ito upang ilibot ang aking paningin sa paligid. Batid kong dito madalas na tumambay ang mga mandirigmang ito sapagkat tila ba hindi na alintana ng mga serbidor ang ingay, ngunit halata sa kanilang mukha ang takot at pangamba.
"Ito ang hirap sa mga maliliit na bayan e, parating maingay ang mga pamilihan kapag ganitong araw! Nakakarindi!" Saad ng isang mandirigma.
"Paanong hindi iingay e halos lahat ng mga mamamayan ay naroon!" Sagot ng isa.
"Mga nakakaawang nilalang na tila ba nagmamakaawa sa mga tira tirang pagkain ng mga taga bayan!" Tumawa silang lahat. Madiin na kumuyom ang aking kamao dahil sa narinig.
"Siyang tunay! Palibhasa wala silang makain!"
Akmang tatayo na ako upang sila'y sugurin, ngunit pinigilan ako ng may ari ng lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Alpas
AdventureFrom the vast land of Pretania---where pain, grief, and anger reside---five people ended up finding each other for one reason. ********** In a country where humanity is forced to follow this so called Ministers, Venus vowed to wreak vengeance after...