💫

25 2 0
                                    

"Sobrang curious talaga ako sa babaeng pinagbigyan ni Yoshi ng 2nd button nya before"

"She's so lucky!"

"I bet she's pretty!"

"If one day they meet again, I'll ship them. They are so cute for sure!"

"Akin lang si Yoshi huhuhu"

"Chill guys. Sinabi daw ni Yoshi doon na may binigyan talaga sya pero di na nya maalala kung sino"

"What if magpunta sya sa concert nila?Shocks! It's the end of us!!"

Napabuntong hininga ako matapos kong tapusin ang pinakahuling comment sa viral interview ni Yoshi. Ilang beses kong iniwasan na tignan ang mga comments nito pero paulit-ulit lang na lumalabas sa newsfeed ko kaya binasa ko na rin.

Maraming support comments and syempre mas lamang ang hate. Hindi na rin naman nakakapagtaka yun. Napakasikat ng group nila. Kaya marami ang magrereact sa mga issue na ganito.

Nagkibit balikat nalang ako at isinara na ang laptop ko. Kailangan ko munang magshower.

Nang matapos ako ay agad akong nagtingin ng dress na pwedeng isuot. Napangiti ako ng makita ang sarili sa salamin.

Perfect.

"Aika, over here!" napalingon ako sa mga kaibigan ko at ngumiti. Agad akong lumapit sa kanila at sinalubong ng yakap.

"Goodness, Aika! You're home finally!" tili ni Azumi at Achiko

"I missed you!" sagot ko. Matapos ang yakapan ay naupo na kami.

"How's life in the Philippines?" excited na sambit ni Azumi

"So good. Sobrang ganda." nakangiting sagot ko.

"Aw, kainggit! Di ako pwedeng mag-vacation break dahil tambak ang paper works ko. Sobrang hassle maging architect." Achiko

"Ganito nalang. What about sa christmas? Let's go to Paris!" suggestion ko. Nagkatinginan silang dalawa bago sabay na tumingin sa akin. Nagtaka naman ako sa kanila.

"Anong meron?" tanong ko dahil alam kong may something silang dalawa na di pa nila sinasabi sa akin.

"Actually, Aika. . sa December na yung wedding ko." Azumi

Ah, yun lang naman pala.

"Ha?! Wedding?"

"Oo eh. Nagpropose na kasi si Mahiro sa akin last month." kinikilig na sambit nya.

Napangiti ako sa kanya at hinawakan sya sa kamay.

"Congrats! Nagkatuluyan pala kayo ni Mahiro." tumango sya at hinawakan din ako.

"Okay ka lang?" Achiko

"Ha? Syempre." sagot ko. Tinaas ko ang kamay ko para tawagin ang waiter. Nag-order na muna kami pero matapos nun ay nanatili lamang akong tahimik.

"Aika." nag-angat ako ng tingin sa kanila. Puno ng pag-aalala ang mga mata.

"Inaantay mo pa rin ba si Yoshinori?" Natigilan ako dahil doon at naramdaman ang kirot sa dibdib ko.

"Bakit mo naman nasabi yan?" I fake a laugh pero hindi sila natawa. Seryoso pa rin ang mga itsura nila.

"Wag mo ng i-deny. Nakita ko ang lungkot nung malaman mo na nakatuluyan ni Azumi si Mahiro." Achiko

"Ano namang connect ni Mahiro at Azumi?" sagot ko.

"Magbestfriend si Mahiro at si Yoshinori." Azumi

HIS 1ST LOVE • YOSHINORI Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon