INTRODUCTION

110 1 0
                                    

TORPE : THE SECRET

WRITTEN BY THE PENGUIN DUO

6:30PM Friday

ANAK NG SHARPP !!!! Pag minamalas ka nga naman oh! Yan nalang ang nasabi ko pagkatapos kong maapakan ang tae ng aso naming si Kizmo na sa ngayon ay nakatingin sa akin at animoy nakangiti pa. Busset parang tuwang tuwa ka pa.Pano ba to malalate na ako sa trabaho haaaay T_T.Maikaskas nalang nga sa labas ng bahay kesa hugasan ko pa to sa C.R. "BYE MA ALIS NA PO AKO" sigaw ko sa nanay ko, sabay labas ng gate ng bahay.

Paglabas na paglabas ko sa gate namin e naghanap agad ako ng makakaskasan ng sapatos ko. Naicip ko kasi nakakahiya naman kung sasakay ako ng FX ng may daladalang bomba sa ilalim ng sapatos hehe ^^.

Lingon sa kaliwa 0_o Lingon sa kanan o_0 Likod - Diretso at Boom ! Jackpot !

Nakita ko ang dating garden ng mga Suarez. Katapat namin ang bahay nila pero 3 years nang walang nakatira doon dahil nagmigrate ang buong family nila sa Canada. Naiwan nalang ang bahay sa caretaker habang hindi pa ito nabebenta.

HMMMM. Bahala na ! Tumawid ako para pumunta sa garden at gawin ang aking masamang balak nyahahaha! medyo nawala wala narin naman ung tae sa sapatos dahil kinakaskas ko rin ito sa kalsada habang tumatawid haha ^^.Paglapit ko sa garden madaming damo at meron mga bungkal na lupa na parang may mga bagong tanim. Wala naman nakatira dito kaya imposibleng may nagtanim baka binungkal lang ito ng pusa o aso. Syempre imbis na sa damo ko ikaskas e doon nalang sa lupa na binungkal para mawala ang amoy ^^. Kaskas doon kaskas dito at biglang

HOOOOOOOOOYYYY !!!!!!!!!!!!!!!!!

WHAT THE!! sa gulat ko napatakbo ako kaso paghakbang ko sa damo eh medyo madulas ito dahil medyo basa hindi ko napansin, kaya pag galaw ko ng aking kanang paa dumulas agad ito paharap BLAG !. Next thing i know is nakahiga na ako. Syet ano ba yun ! kamalas ko naman ngayon sakit ng ulo ko. Teka parang ang baho ah. Amoy amoy ako :>3. Ay shet ka ! di pa pala natapos dun ang kamalasan ko. Dahil and binagsakan ng ulo ko ay ang lupa na pinagkaskasan ko ng tae ni Kizmo. GRRRR !

Habang nakahiga ako sa napansin ko na may tumatakbo palabas ng pinto ng mga Suarez papunta sa akin. Medyo hilo hilo pa ako dahil sa pagbagsak ko, pero tanaw ko parin pinto nila kahit nakahiga dahil malapit lang ito sa garden.

HOOOOOOOOOOOOOOOOOOY !!

Nyay narinig ko nanaman yung sumigaw sakin kanina. Yare ako nito. Nagmadali ako sa pagtayo. Kalahati palang ako sa pagtayo ko eh natanaw ko ang isang babaeng sumisigaw at galit. Medyo slow motion ang lahat pero nagulat ako sa mga sumunod kong nakita ng medyo luminaw linaw na ang aking paningin.

Isang babaeng halos kasing edad ko.Nag focus pa ang mata ko at NYAAAYYYY !!! Si K . . I . . T T. Di ko pa nasasabi ang buong pangalan sa utak ko eh napaharurot na ako sa pagtayo at pag takbo. Tumawid ako ng kalsada at napalingon muli sa likod ko.Nasa garden na siya habang nakatakip ang ilong niya siguro dahil sa baho ng tae ni lucky hehehe.=) at sumisigaw siya ng COME BACK GARDEN DESTROYERRRRR !!!!!

Garden Destroyer ?? 0_0. Huh ?? Wala pa ngang halaman dun eh grabe naman ! Wait so yun na nga ang ending ay hindi na niya ako nahabol dahil sa sobrang bilis kong nakatawid at pumasok agad ako sa gate ng bahay namin. Ang panget lang dun ay.

1.Ang babaeng nakita ko ay si Kristel Madrazo siya ang last na babaeng niligawan ko nung High School ng hindi niya alam. Ang gulo noh ! maiintindihan niyo rin. Super Duper Kamehamewave crush ko siya ! AS IN !

2.Nasira ko ang garden nila at kung may nakatanim man dun atleast nalagyan ko ng pataba ahahaha ^^

3.Nakita niya akong tumatakbo na may tae sa buhok. Pero malamang hindi niya ako nakilala dahil likod ko lang nakita niya.

TAE SA BUHOK. . GARDEN DESTROYER . . WHAT A DAY ! Di ko alam kung pano lalabas ulit ng gate dahil baka nagaabang pa si Kristel sa labas. Absent nalang ako ! UWAAAAAH ! Tumawag nalang ako sa opisina at nagsabing hindi ako mkakapasok dahil nag LBM ako T_T. Badtrip naman oh, panagalawang absent ko na to ngayong buwan. Wala naman akong "no choice".. kesa mahuli pa ako ni Kristel sa labas. Makilala pa ako nun.

Ako nga pala si Francis Cruz. 26 yrs old. Maputi,Saktong height at saktong itsura lang.Mahilig sa computers kaya I.T ako sa pinapasukan kong call center sa Boni.Pang gabi ang schedule ko 8PM to 5AM kaya lagi akong puyat hahaha. Hindi ako magaling mag describe kaya in short pogi siguro ako nyahaha ^^.

09:00PM

Makahiga nalang nga at matulog nalang ako! Pag pasok ko ng kwarto hindi pa ako nakatulog. Nag FB , Instagram at kung ano anong laro na sa Ipad ang ginawa ko pero hindi parin dumadalaw si haring antok. Pinatay ko ang ilaw at tinakip sa mata ko ang aking unan at nagbilang ng 100 na tupa nyahaha joke lang 50 na tupa lang haha ^_^ hanggang lumipad ako sa aking panaginip . .

DREAM ~

Sa loob ng classroom . .

Isang boses ng babae . .

Francis ang TORPE MO !!!!

Pero Kristel . . .

< Boses ng mga classmate > TORPE ! TORPE TORPE TORPE !

UWAAAAAAAAAAA ! Nagising ako !

--------------------------------------------------------------

Torpe : The SecretWhere stories live. Discover now