"Mademoiselle. Narito na ho tayo sa Maynila" Wika ng personal butler ko na si Kiro.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng eroplano at nakita ang syudad ng Maynila.
Napakaraming ilaw na nagniningning sa dilim na nagpapaganda ng tanawin mula rito sa itaas
Hindi ko aakalain na ganito kaganda pala ang Maynila dahil buong akala ko ay puro trapiko at puno ng populasyon ang narito, may kagandahan din pala ito.
"Gaano kalayo ang byahe papuntang mansyon oras nang tayo ay makaapak sa Airport?" Tanong ko.
"Tatlo hanggang apat na oras ho Mademoiselle, nakadepende ho sa trapiko na maaabutan natin" Saad niya.
Tumango na lang ako at itinuloy ang pagbabasa ng libro.
Halos matapos ko na itong librong ito kahit kahapon lang ako nagsimula na basahin dahil nagustuhan ko ang istorya.
Labing-isang minuto ko iyon binasa at sa wakas ay natapos na din sakto lang dahil inanunsyo na ng piloto na maglalanding na ang eroplano.
"Hay ang sakit talaga ng tiyan ko" Biglang dumating at tumabi na ang pinsan kong si Valencia sa akin.
Tinignan ko siya at naramdaman ko ang awa dahil mukha siyang nalantang gulay at ang putla niya na.
Pero nawala din agad dahil naalala ko na deserve niya naman ang pinagdaraanan ngayon dahil lamon ng lamon kanina bago kami umalis ng Davao Occidental.
"Tubig ho miss Valencia" Alok ni Kiro na nasa kabilang gilid niya.
Tinanggap iyon ni Valencia at ibinalik sa kaniya ng makalahati ang tubig. Tsaka siya pagod na tumingin sa akin.
"Bakit ka kasi kumain ng maanghang eh alam mo naman na acidic ka ang takaw mo pa, para kang kakatayin kinabukasan eh" Wika ko ng nakakunot ang noo.
"Masarap kasi" Tanging sabi niya.
Inirapan ko na lang ang katigasan ng ulo niya. Kahit kailan talaga.
"Please stay on your seats and put your seatbelts on as we are now landing on Manila. Thank you for choosing Philippine Airlines and behalf of our crew and pilot we thank you for being with us in this flight" Anunsyo ng flight attendant.
Tahimik ko na lang hinintay na mag-land ang eroplano at nang makaalis na dahil bigla ako nakaramdam ng antok at pagod, siguro dahil ito sa pagpuyat ko kagabi.
"Kaunting tiis na lang Valentina Constancia Zamora, makakauwi ka na at makakatae nang malaya" Dinig kong bulong ni Valencia.
Tumingin ako sa mukha niyang nakakunot noo habang hawak ng dalawang kamay niya ang tiyan at paulit-ulit na sinasabi ang linyang iyon.
Natawa na lang ako ng mahina dahil sa kaniya.
Maya-maya ay safe na nakapagland ang eroplano at isa-isa na kaming lumabas.
"Thank you po ma'am!" Bati ng flight attendant.
Sinuklian ko siya ng tipid na ngiti at tumango ng kaunti.
Hila-hila ang baggahe ay lumabas kami airport at hinintay ang limousine namin na dumating.
Oo, limousine dahil mayaman kami.
Habang naghinintay ay umupo muna ako sa luggage ko at kinuha ang isang pocketbook mula sa sling bag ko at nagbasa ng tahimik. I really love reading books, naging hobby ko na siya at kailanman ay hindi ko naisipan na tumigil dito.
"A-aray, Kiro anong oras ba darating yung limousine? Ang sakit na talaga ng tiyan ko" Impit na sabi ni Valencia, halos nakaupo na siya sa sahig dahil hindi niya na kayang tumayo.
YOU ARE READING
1st Love (Love Duology)
RomanceLia is the daughter of one of the great Zamora. She lives her luxury life and spent her whole day shopping and buying clothes. Well.. That's what people mostly think. She's just an ordinary person who's quiet and shy. She follows orders from the eld...