"Gising na bunso!!".. sigaw ng kuya Mike ko habang niyugyog ang higaan ko."Alas siyete na ng umaga, huy!... Malelate ka sa school"...
Napatayo naman ako bigla ng dahil sa narinig ko. Patay ako nito kila Grey kapag nagkataon. Sabihin ang bagal ko kumilos.
Di bale nandyan naman si lesly para ipagtanggol ako sa boyfriend nya.
Mula pa pagkabata silang dalawa na ang bff ko. Maagang kaming naulila ng mga kapatid ko. Bunso ako sa limang magkakapatid lahat sila puro kuya ko. In short, only girl ako sa magkakapatid. Well spoiled lang naman ako sa mga kuya ko, ikaw ba namang nagiisang babae e.
Si kuya Mike ang panganay namin ang pinaka istrikto sa lahat ng kuya ko, sya na kasi ang tumayong tatay samin ng mamatay ang mama ko nang ipanganak ako, sinundan ni kuya Migs, ang pinaka kasundo ko, pareho kasi kami ng hilig sa music and instrument, sya lang naman ang nagturo sakin magplay ng drums at guitar, tapos pangatlo si kuya Mark, ang kalog sa lahat, babaero sya pero love nya ako talaga ng sobra, pang apat si kuya Max, ang kuya kong kunsintidor sa mga kalokohan ko, sya ang lagi kong kakampi kapag pinapapagalitan ako ni kiya Mike. Silang apat ang kayamanan ko, mahal na mahal ko sila.
Naligo na ako at agad na nagbihis. Naka rip jeans lang ako at black tee and white sneakers. Well ano bang get up ang maisusuot ko e puro lalaki ang mga kapatid ko. Eto na ang outfit of the day ko. Madalas nga akong mapagkamalang tomboy dahil minsan pati ang kilos ng mga kuya ko naadapt ko na rin.
Matapos akong mag ayus para pumasok sa university ay saktong may bumusina sa labas ng bahay namin. "Eve!.. ang tagal mo nandyan na sila grey sa labas." Sigaw ng kuya Mike kong masungit.
" Eto na po ako kuya pababa na!". Sagot ko naman habang nagmamadaling bumaba ako sa hagdan bitbit ang bag ko at patakbong lalabas na sana ako ng pinto ng magsalita ulit ang kuya Mike ko.
" Sa sobrang bagal mo kumilos bunso hindi ka na nakapag almusal, heto ang sandwich kainin mo sa sasakyan". Anito habang inaabot ang almusal ko
" Bunso inumin mo muna itong gatas mo bago ka umalis". Dagdag pa ng kuya migs ko. " Yung drumstick mo wag mo kalimutan may practice kayo ng banda diba?.."
" Naku!,. Oo nga pala... Salamat sa paalala kuya kong gwapo!". Pagpapasalamat ko
" Gwapo daw?!, Siguro may kailangan yan kaya ganyan ang lumalabas sa bibig nya!". Pahiwatig ni kuya Max.
" Naku!.. bunso.. wala akong pera ngayun.. tama na ang pambobola mo sakin" sagot ng kuya Migs ko. Napanguso naman ako, kainis walang dagdag sa allowance ko..
" Hahaha... Sabi na nga ba at may kailangan, kaya nambobola e.." palatak naman tawa ng kuya Mark ko..
" Tumigil ka bunso sapat na yang allowance mo sa loob ng isang linggo matuto kang magbudget".. panenermon naman ni kuya Mike.. " sige na umalis ka na at hinihintay ka na sa labas.. yung sandwich mo ubusin mo ha?"
" Opo!" Sagot ko ng matapos inumin ang gatas na inabot sakin ni kuya Migs.. " Alis na po ako mga kuya". At nagtatakbo na ako palabas...
Nasa loob ng sasakyan si grey at lesly ng lumabas ako. Nang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ay narinig kong sumigaw si kuya Max na nagpalingun sakin. Lumapit ito sakin at pasimpleng inabot ang limang daang piso sa kamay ko.
" Wag kang maingay kay kuya Mike!" Anito na kumindat pa sakin. "Sige na!. Sakay na bago pa makahalata si sungit!" Anito na halos itulak na ako papasok sa sasakyan. Nangiti naman ako sa kuya ko at ng thank you sa kanya.. Hindi talaga ako matitiis ng kuya kong ito!.
" Ready?" Tanong ni grey na nakatingin sakin.
" Let's go!" Sagot ko naman na nakapagpangiti kay lesly.Hindi naman kami nalate sa pagpasok sa klase.. sakto lang naman ang dating namin. Pagka park na pagka park ni grey ng sasakyan ay sabay sabay kaming nagtakbuhan papasok sa university. Kailangan tumakbo kasi para hindi kami mahuli sa klase. Architecture ang kinukuha kong course at nasa first year second semester na ako.
Si grey at lesly naman ay business administration ang kinukuha, at perhong nasa first year second semester na rin. Parehong mayaman kasi ang dalawa. Ang mga magulang nila ay mga CEO in short may mga sarili silang businesses. At pareho silang nag iisang anak kaya naman sila ang magmamana ng mga businesses nila pagdating ng panahon. Ngayun pa nga lang tinetrain na sila ng mga magulang nila sa businesses nila.
Mabuti na lang at hindi ako late. Kaya naman maganda ang umpisa ng araw ko.
Twing lunch time naman ay sabay sabay kaming kumakaing tatlo sa study place ng university. Sila lang pumupwesto dun kapag vacant time namin. May mesa kasi dun at upuan kaya masarap puwesto dun.
Masasabi kong lambingan time na din iyon ng dalawa.
" Nasaan na kaya si craig?" Tanong ko habang palinga linga ako sa paligid. " Loko yun ah!. Ilang araw ko ng hindi nakikita!" Inis na sabi ko na nagpatigil sa lambingan ng dalawa. Kasi naman naiinggit na ako sa magpartner nato samantalang ako hanggang ngayun wala pa yung boyfriend ko.
" Oo nga babe!. Nasaan na nga ba yang boyfriend mo na yan?" Kunot noong nagpalinga linga na rin sa paligid si lesly. At oo 'babe' ang tawagin naming tatlo. Pero syempre silang dalawa iba ang tawagan sa isa't isa.
" Hindi ba kayo nag away?" Tanong sakin ni grey
" Hindi ah!" Na sinabayan ko pa ng iling." Hindi kaya busy sya study?"
" Naku!. Eve, siguraduhin mo lang na busy nga talaga yang gago na yan sa pag aaral!" Dagdag pa ni grey na may pagbabanta.
" Actually hindi ko nga alam kung nasaan e.. nakailang text na rin ako sa kanya". Malungkot na sagot ko. Two years na kaming mag on ni craig matagal din bago nya ako napasagot nung fourth year highschool kami. Ilang beses nya na rin akong niyayang mag alam mo na. Pero syempre hindi ko sinusuko ang bataan ko. Kasal muna no! Bago ang kung ano man. At isa pa nag aaral pa kami kaya dapat lang na hindi iyon ang iniisip namin. " Namimiss ko na honey ko" malungkot kong dagdag.
" Babe!. Baka naman may milagro na kayong ginagawa nyang boyfriend mo ha?. Tandaan mo may usapan tayo. Kailangan graduate at kasal na muna bago pag gawa ng milagro" Paalala sakin ni grey." Ako nga nagpipigil e.., kahit na minsan parang gusto ko na rapin tong my loves ko, dahil nga may usapan tayong tatlo."
" Rapin talaga?" Nangingiting sagot ni lesly. Na nagpatawa naman sakin ng malakas
" Wag ka mag alala babe, safe na safe ang bataan ko no!" Sagot ko kay grey.
" Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo" paniniguro nya sakin.
"Babe... don't forget my rehearsal tayo mamaya ng banda after school." Paalala naman ni lesly. Tumango naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...