"Steven tulungan mo ang kuya" sandali kong itinigil ang paglalaro ng lupa sa bakuran dahil sa sigaw ni kuya Seven. Tinignan ko ang kapatid ko na abala sa pag dedesenyo ng ginagawa naming maliit na daanan para sa mga langgam.
"Psst, Shen pasok na tayo" pag tawag ko sa kapatid ko pero hindi ito lumilingon at nagpanggap na walang narinig. "Shen pasok muna tayo tulungan muna natin si kuya mag handa ng hapunan." Mahinahon ko na pakiusap pero hindi manlang ito natigil sa paglalaro. Ilang minuto ko pa sinubukang kunin ang atensyon niya, marahil sa kaniyang murang edad, wala itong pakielam
Hinayaan ko muna siyang maglaro bago pumasok sa bahay para tumulong. "Steven nasan ang kapatid mo?" Nakita ko si mama na nahihirapan mag palit ng damit ni sein dahil sa hindi matigil na iyak nito. "Ma ayaw ni shen makinig sakin" Sagot ko habang humahakbang papalapit sa kaniya para aliwin sandali ang kapatid ko na hanggang ngayon ay hindi pa nasusuotan ng salawal.
"Hayaan mo na at malamang ay naaaliw sa kaniyang ginagawa" nakangiting sabi ni mama. Ang ngiti ni mama ay napaka sarap tignan. Kahit na nahihirapan siya sa pag bibihis kay sein, walang kasing aliwalas ang mga ngiting ipinapakita niya.
Tumango ako bilang pag tugon bago binuhat ang kapatid ko upang maayos na mailagay ni mama ang salawal ni bunso. Matapos mabihisan ni sein ay nag madali akong tumakbo sa kusina para puntahan si kuya. "Kuya nandito na ako" pambungad ko kay kuya. Inutusan niya akong maglagay ng mga plato sa lamesa at tawagin si shen pagkatapos.
Mabilis ko na kinuha ang mga plato at inilagay sa lamesa. Pagkatapos ay tumakbo ako sa bakuran ngunit wala si shen sa pwesto niya kanina. Nilibot ko ang bakuran pero hindi ko makita si shen.
Maliit lang ang bakuran ng aming bahay. Kaya walang ibang pwedeng puntahan. Lumabas ako ng bakuran para hanapin si shen at sa di kalayuan, natagpuan ko siya sa harap ng tindahan. Tinitignan niya ang isang laruan na paro paro. Humakbang ako palapit sa kaniya, napansin niya kaagad ako kaya lumingon siya at sinalubong ako.
"Kuya gusto ko non" sabay turo sa laruang paro paro. Napangiwi ako dahil alam ko na hindi kami papayagan ni mama at lalo ni papa na bumili ng laruan. Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ang sasabihin sa kapatid para kumbinsihin siyang kalimutan ang laruan at yayain umuwi, imposibleng sumama siya sakin ng hindi ngumangawa. Kakausapin ko na sana siya pero napatigil ako ng magsimulang mag tubig ang mga mata niya.
Napatulala ako sa kaniya. Nakakaawa ang itsura ng kapatid ko. "Kuya gusto ko non" naiiyak niyang sabi. Ngumiti ako at sinabing tumahan siya at kukunin ko ang gusto niya. Tinignan ko kung may ibang tao pa bukod saamin. Noong masigurado ko na walang ibang nakakakita. Mabilis ko na hinablot ang laruan bago itinago sa loob ng damit ko. Hinila ko si shen at nag madaling bumalik.
Napatigil ako ng makita si kuya seven sa di kalayuan. Nakatingin ito saamin. Kinabahan ako bigla sa tingin niya. Nakakatakot si kuya pero mas nakakatakot si papa. Wala akong nagawa kundi ang lumapit kay kuya.
Hinila niya ang paro paro na kinuha ko kanina sa tindahan. Nakita ni shen yung laruan kaya pinilit niya itong abutin mula kay kuya seven pero itinaas niya ito sa ere. Umiyak si shen dahil hindi ibinigay ni kuya pero agad din siyang tumigil dahil sa takot na mapagalitan, kaya nagmadali itong pumasok sa loob ng bahay.
Gagayahin ko na din sana ang ginawa ni shen pero hinarang ni kuya ang mga paa niya. Natigil ako at iniangat ang tingin ko sa kaniya. "Kuya papasok na ako" mahinang sabi ko, pero hindi siya gumalaw. "Bakit mo kinuha?" Maikling tanong niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Alam ko na masama ang magnakaw, pero ginawa ko padin. "Kasi nakaka awa si shen" mahinang sagot ko.
Nagulat ako ng hampasin ni kuya ang ang braso ko. Masakit at masyadong malakas ang pag hampas niya para sa maliit kong braso. Naluha ako dahil sa ginawa niya, pero pinilit ko na pigilan ang mga luha ko. "Masama ang ginawa mo steven, hindi natin kailangan mag nakaw ng kung anong bagay lalo na ang mga bagay na wala namang kwenta" galit niyang sabi habang hawak ang kamay ko.
Hindi ko na napigilan ang luha ko. "Bakit? May pera ba tayo pambili kuya? Bakit masamang mag nakaw kung wala naman nakakakita?" Sigaw ko sa kaniya. Lalo siyang nagalit at pinalo ako sa hita.
Nakita kami ni papa kaya sandaling napatigil si kuya sa pamamalo pero hindi ako natigil sa pag iyak. Binitawan ako ni kuya para kausapin si papa kaya nagmadali akong tumakbo sa loob ng bahay.
Nasalubong ko si mama. Nagulat ito dahil siguro sa itsura ko pero agad din itong nakabawi at lumapit sakin. "Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni mama. "Ma nagnakaw ako" sumbong ko. Inaasahan ko ang paglapat ng kamay niya sa pisngi ko pero isang mahigpit na yakap ang natanggap ko.
Natigil ako sa pag iyak. "Tahan na steven. Mamaya ka na papagalitan ni mama." Tuluyan akong tumahan at kumawala sa yakap ni mama. Pero biglang pumasok si papa kasama si kuya.
Masama ang tingin sakin. Kumabog nanaman ang dibdib ko. Gusto ko na yakapin si mama at magtago sa kanilang dalawa pero nakalapit na si papa bago pa ako makagalaw.
Hinawakan niya ang braso ko, mas mahigpit sa pagkakagawak ni kuya kanina. Napahiyaw ako sa sakit. Nakita ko si kuya na pilit inaalis ang pagkaka hawak ni papa. Pero hindi manlang umusog ng kaunti ang daliri ni papa sa braso ko.
"Sino nag turo sayo mag nakaw?" Sigaw ni papa sakin. Hindi nakatanggap ng sagot si papa kaya mas lalong nag uumigting ang galit niya.
"Ikaw, ikaw siguro ang nagturo sa anak mo ano?" Binitawan niya ako at hinila ang buhok ni mama. Hindi nag sasalita si mama o umiinda man lamang. Natakot ako kaya hinawakan ko ang kamay ni papa pero walang nagawa ang mga kamay ko.
Kinagat ko ng mariin ang kamay ni papa kaya nabitawan niya ang buhok ni mama, tumigil lang siya ng saglit pero hinila ulit niya yung buhok ni mama pero naging mas mahigpit. Nakikita ko na ang sakit na idinudulot nito sa ekspresyon ni mama.
Tumakbo ako sa labas ng bahay at sumigaw para humingi ng tulong. Madaming tao ang na alarma at lunapit sa akin. Hindi ko magawang mag salita, itinuro ko na lamang ang bahay. Laking pasasalamat ko ng mag unahan silang pumunta sa loob ng bahay. Ang ilan ay nanatili sa tabi ko upang alohin ako.
Naabutan namin si papa na hawak ang leeg ni mama habang si kuya ay nasa sahig at nakahawak sa kaniyang tiyan. Bitbit ni shen si sein habang kapwa umiiyak.
Lumapit kaagad ang mga tao kay papa at pinagtulungang tanggalin ang pagkakasakal kay mama. Nag tagumpay sila. Nakahinga ako ng maluwag, naiyak at nanginig sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mga nangyayari.
Kinuha nila si papa habang si mama naman ay tinutulungan ng nga tao. Lumapit ako kay kuya. Niyakap niya ako saglit bago ako inutusan na patahanin ang mga kaptid namin.
Nagawa ko, napatahan ko sila. Pero hindi ako tumatahan. Patuloy ang pag agos ng mga luha. Hindi ko mapigilan. Masyadong masakit at mahirap.
Lumipas ang ilang araw ay bumalik sa dati ang lahat. Nakauwi si papa matapos ang 24 oras. Hindi ko alam kung saan siya dinala at kung paano siya nakauwi. Natakot ako ng makita ko si papa sa pintuan isang araw, pero hindi siya nag salita at dumeretso sa kung saan.
Akala ko dun na natatapos ang lahat at magiging maayos na ulit. Pero mali pala ako. Mas dumalas ang paglabas ni papa at kapag umuuwi siya, nagiging impyerno ang bahay. Nababawasan ang perang ibinibigay niya na kalaunan ay hindi na nakakarating samin. Hindi na nakapag tapos si kuya sa pag aaral. At nag simulang mag hanap ng paraan upang buhayin ang pamilya
Naging malupit si papa, pero isang araw. Biglang nawala ang pangamba namin, isang araw ay hindi na bumalik si papa. Hindi ko alam kung tama ba na matuwa ako pero ito ang sinasabi ng puso ko.
Matapos ang ilang taon ng paghihirap kasama si papa ay muli kaming naging masaya. Nag karoon kami muli ng pag- asa, nag hilom ang mga sugat na ginawa ni papa.
Ngunit hindi ko maintindihan, hindi ko nanaman maintindihan. Bakit kailangan nanaman naming masaktan.
To be continued...
Flash back lang po I2... Nawa'y walang magulugan hehi.
YOU ARE READING
Thief
Mystery / ThrillerI promised to end this world that i have created. I will do my best to finish this story.