ACE JASPER HONTIVEROS
Andito lang ako sa gate 4 dahil may bibilhin lang ako saglit. Buti at tumigil sa gilid yung isang hilux pero di ko alam kung bakit di pa ako tumawid
Nagulat lang ako nang bumaba si Enzo don at nakitang babae pa pala ang nagdadrive non ang astig lang.
"Oy bigtime talaga tong Enzo na to, bagong sasakyan na naman gamit niya pagpasok, walking distance lang naman yung bahay nila" sabi ko nang nasa gate 4 na kami at kumakain lang ng siomai dahil tapos na klase namin.
"Nakita ko kaninang umaga"
"Oo ganiyan talaga yan maarte" segunda pa ni Clein HAHAHA alam naman naming mayaman sila Enzo, may ari sila ng dalawang dormitory tapos sobrang dami pa nilang sasakyan and may mga businesses pa sila sa baba eh
"Gago di sakin yun nakisakay lang ako, si Cali yun Clein. Gago bigtime nakapangbahay lang siya pababa, kennon pa bro ang lakas tas mag-isa pa niya" tangina bat parang naattract ako don di ko pa naman nakikita
umuwi na rin kami after naming kumain dahil madaming pinapagawa at sobrang bilis nilang mag bigay ng mga activities since short term.
________________________
Isa lang klase namin today kaya tumambay lang kami sa gate 4 para antayin na rin si Enzo.
Iba na naman sasakyan ng gago.
"Gago si Calcal yang nakafortuner" baling ni Enzo kay Clein pagkalapit niya samin. Sheeeems siya ulit? Bat ang dami niyang sasakyan? Ang astig lang.
Nakatigil pa rin kasi yung sasakyan dahil medyo traffic kaya di pa siya makasingit.
Tinuro naman agad ni Clein yung sasakyan at sinamaan ng tingin.
Binuksan naman agad ng driver yung bintana.
Kumaway lang yung babaeng driver kay Clein gashong siya lang din yung nakita kong nagdadrive ng hilux last time. Wag lang niya sabihin na kennon ulit siya dadaan magagalit ako just kidding
"Astig naman ng jowa mo Enzo" sabi ko dahil gusto kong malaman kung jowa niya ba yung naghatid ulit sa kaniya. Though alam ko naman na wala siyang jowa ngayon.
__________________________
Tanginaaaa seatmate ko yung crush ko sa isang subject. Nagiging close na kami as in kain sa labas, bonabil, paylite, kyubarb, laxamana, haru at marami pang kainan yung nakainan namin pero bat biglang umiiwas siya after naming magprint nung kailaaaaan.
Feeling niya ba di ko pansin na iniiwasan niya ako, duh yung mga sagot kaya niya sa mga tanong ko yes or no lang.
"Hooooy tara sama tayo sa mga mining, shot daw celebrate!" aya ni Enzo since sila ni Clein ang maraming close sa mga mining
"Tara na gago masaya sila kasama" bulong pa ng mga gago dahil dumating na ang last instructor namin
"G na agad!"
"Ha? gago mamaya kayo lang inaya tas magulat sila ang dami natin"
"Gago mas marami mas masaya" di ko na alam kung sino ang mga nagsasalita basta nakikinig na lang ako
Buti at nadismiss na rin kami agad dahil medyo nag-iingay na ang mga kaklase namin
"Oy sumama ka naman Cali, di ka pa namin nakakasama sa inuman, kahit sumama ka lang" aya ng mga kaibigan ni Cali sa kaniya, sa astig niyang yun di pala siya umiinom.
YOU ARE READING
DISSOLVED (Engineer Series #1)
FanfictionStory of an engineering student from Saint Louis University-Baguio BIBO SEA Calista Denise Fonacier a Mining Engineering student and Ace Jasper Hontiveros a mechanical Engineering Student, they are both from SLU-Baguio. "It's not about the label"