PROLOGUE

123 8 0
                                    


“Hey, you look hot.”



Tumingin ako sa cellphone ko saglit para ngumiti dahil sa sinabi ni Caeh tapos ay ibinaling na ulit ang atensyon ko sa paglalakad. Kausap ko kasi through video call ang tatlong bruhildang nakikisagap ng chismis sa akin.



“Hot talaga, tignan mo pawisan na siya, oh.” Napapunas naman ako sa noo ko nung sinabi iyon ni Riza. Bakit ba kasi sobrang init!?



“Girl, malamang. Summer na, e. Mainit talaga.” Singit ni Lize sa usapan.



“Buti nga ‘yan si Max, nakapag beach na. E, ako!? Wala, ito nalulunod na sa trabaho.” Reklamo ni Caeh habang pumipirma ng mga papeles. Nanggigil pa talaga siya roon sa pinirmahan niya.



Nasa Boracay kasi ako ngayon, kakauwi ko lang galing sa flight pero dumiretso ako agad dito para bisitahin yung isang branch ng cafe namin na itinayo ni Mama rito sa Boracay.



“Max, retuhan mo naman ako. Gusto ko piloto. Nine years na akong single, inggit na inggit na ako sa mga nakikita kong mag jowa rito.” Reklamo ni Lize sa akin.



“Gagang ‘to. Eh diba, mas marami ang gwapo riyan sa Paris? Bakit ayaw mo?” Sagot ni Caeh, nakikinig lang ako dahil naglalakad ako, hindi ko sila matuunan ng atensyon dahil baka madapa ako rito bigla, wala pa namang sasalo sa ‘kin.



“Eh ayoko, e. Dali na, Max. May gwapong piloto ka bang kilala?” Ngumiti pa siya sa screen.



May kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko siyang gusto asarin. Gwapong piloto pala, ha.



“Ah meron, yung Pilot namin kahapon!” Abot langit na ngiti ko, parang nabasa naman bigla ni Caeh ang utak ko at bigla siya tumawa.



“Really ba? Anong Facebook niya?” Excited pa si gaga.



“Mark pangalan noon, Lize. Parang friends nga kayo sa Facebook, e?” Nawala bigla ang ngiti ni Charlize at napalitan iyon ng sama ng loob. Kitang-kita ko pa ang pag kunot ng noo niya kaya mas lalo ako natuwa.



“Ano ka ngayon, Cha? Piloto ka pa ha, hahaha!” Pagtawa ni Riza habang si Caeh ay hindi na ata makahinga sa pagpipigil ng tawa.



“Ito kayo oh.” Asar na sabi ni Lize habang pinapakita ang middle finger niya sa amin.



“Oh screenshot niyo na! May pang blackmail na tayo sa kaniya.” Biglang sabi ni Caeh kaya dali-daling ibinaba ni Charlize ang middle finger niya.



“Idol niyo ‘yan? Namamakyu nga! Ang barumbado mo, hoy. Hindi alam ng fans mo sira ulo ka. Akala nila ang bait-bait mo.” Sabi ni Riza habang ipinapakita ang screenshot niyang naka taas ang middle finger ni Lize.



Natawa nalang ako dahil hindi na sila tumigil sa pag aaway. Mga professional na ‘yan, ha. Tapos parang mga high schoolers parin!



“Hoy mamaya na nga kayo mag away. I-post ko kayong tatlo sa Facebook, e.” Irap ko sa kanila.



“Ah ganon. Sana madapa ka, Maxine. Ima-manifest ko ‘yan.” Asar na sabi ni Riza pero tinawanan ko lang. Doctor ba talaga ‘to?



“Oo na. Sige na aalis na ako, malapit na ako sa cafe.” Tumigil ako saglit para magpaalam na sa kanila. Mag kakape muna ako, kailangan ko na mag chill dahil stress na stress na ako sa buhay.



Nagpaalam na rin naman sila sa isa't-isa dahil may mga gagawin pa ang mga gaga. Tambak ng trabaho, ganoon daw talaga kapag mga single.



Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob ng cafe, naka beach dress kasi ako at sandals, sobrang simple lang dahil gusto kong komportable ako.



Tahimik akong pumasok sa loob, inoobserbahan ang paligid, maraming tao at may sari-sariling mundo ang lahat. Hindi rin alam ng mga tao rito na kami ang may ari ng cafe kaya naman hindi ako napansin nung mga barista. Mas gusto ko iyon, sa Laguna kasi, alam na alam nilang kami ang may ari kaya special treatment ako palagi.



Pumunta na ako sa counter para umorder ng kape ko. Caramel iced coffee, high school palang ay iyon na ang binibili ko.



“Hi, Ma'am. Welcome to K coffee. What can I get started for you today?” Masiglang sabi nung barista sa akin.



“Hello, one caramel iced coffee po.” I simply said habang kinukuha ko ang wallet ko sa bag na dala ko.



“Anong name po, Ma'am?” Pahabol na tanong niya.



“Ah, Chase nalang po, Kuya.” Sabi ko, prinocess na rin naman niya ang order ko kaya naghanap na ako ng uupuan ko. It was a table for two pero mag isa lang ako. Malungkot akong napangiti nung bigla kong maalala ang kasama ko mag kape dati.



Naputol ang pag-iisip ko nung marinig ko ang order ko. “One Caramel iced coffee for Chase!”



Iniwan ko lahat ng gamit ko sa table bago ako tumayo para kuhain ang order ko. Busy ako mag cellphone habang naglalakad dahil nag iingay na naman ang mga gaga sa gc namin, bahagya pa akong natawa nung nag send ng meme si Charlize.



Naka focus ako sa phone ko nung inabot ko yung kape pero nagulat ako nung may isa pang kamay ang kumuha sa kape ko. Bakit niya kinukuha yung kape ko!?



“Ano ba–”



“Sa ‘kin ‘to Ms–”



Napatingin ako roon sa nagsalita dahil pamilyar yung boses.



Bigla akong na-estatwa sa kinatatayuan ko nung makita ko kung sino ‘yon.



Mga ilang segundo kong ipinasok sa isip ko na siya ang nasa harap ko. Nabawi ko rin ang kamay kong hawak niya dahil nakahawak kami parehas sa kape na nakapatong sa counter. Para akong kinuryente sa hawak niya sa akin.



Tumayo ako ng tuwid bago nagsalita. “That's my coffee.” Matigas na sabi ko.



Kinuha niya naman ang kape at binasa ang nakasulat doon. Nakita ko pa kung paano kumunot ang noo niya.



“Sa akin ‘to, e. Ayan oh.” Iniharap niya sa akin ang pangalan na nakasulat sa kape.



‘Chase’



“Oh, Chase, sa akin nga!” Pakikipag talo ko sa kaniya.



“Chase rin ang pangalan noong sa akin.” Malumanay na sabi niya. Wow parang ang cool niya pa, ah!



Parang ilang karayom ang tumusok sa puso ko at hindi ako nakapag salita. So Chase parin ang ginagamit niyang pangalan sa mga kape niya?



Dinilaan niya pa ang pang ibabang labi niya bago sumagot sa akin. “Sige. Sa’yo na, Max.” Hindi ko alam pero nanghina bigla ang tuhod ko at napakapit ako sa counter nung binaggit niya ang pangalan ko. Sa tagal naming hindi nagkita, iba parin ang tama sa akin kapag sinasabi niya ang pangalan ko.



“Uh, excuse me po? Coffee for Ms. Chase po?” Naputol ang tinginan namin nung may magsalitang barista sa gitna namin. Sabay pa kaming napatingin sa kaniya.



“Wag na.” Iyon nalang ang sinabi ko sa kaniya tsaka kinuha ang kape na ini-abot nung barista. “Thank you po.” I said.



Imbis na tumambay doon ay umalis na ako. Hindi ko kayang nandoon siya dahil baka bumigay ako.



Mahigpit kong hinawakan ang kwintas na suot habang palabas sa cafe namin.



Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa ang makikita ko?



Sa dinami-dami ng coffee shop sa Pilipinas, bakit dito ko pa siya nakita?



Parang ang cool niya pa, parang wala lang sa kaniya na nakita niya ako.



Parang wala lang sa kaniya na nagkita kami… ulit.



He seems so unbothered.



Like nothing happened.



Like we never happened.

Running Across Bora (Dunk Series #1)Where stories live. Discover now