CHAPTER XIV

7.2K 157 15
                                    

"Wala naman akong itinawag sa baba ah" Takang sabi pa ni Aiah ng may biglang kumatok sa kwarto niya, agad naman siyang lumapit sa pinto niya at pinagbuksan ito. Nanlaki naman ang mata niya ng makita niya si Mikha na bagong ligo dahil basa pa ang buhok nito at bihis na bihis. "Natulog ka ba?!" Gulat na tanong ni Aiah, tumango naman si Mikha at tinignan ang relo "Mga dalawang oras din" Sagot nito at tinignan ang buong katawan ni Aiah "Mag ready ka na, may 30 minutes na lang tayo bago mag lunch, hintayin na lang kita sa baba" Sunod-sunod na sabi nito at tinalikuran na si Aiah. Wala naman na nagawa si Aiah at sinunod na lang si Mikha.



"Dito po" Alalay ng isang waiter kay Aiah at Mikha, bago pa man tuluyan makarating sa kanilang upuan ay hinila pa muna ni Aiah si Mikha at magkadikit na kilay na tumingin sa dalaga "Gaya nga ng sabi ko ayoko ng nililibre ako tsaka hindi ako papayag na ikaw gumastos, " Nawawalan na ng pasensya na pangunguna ni Mikha sa dalaga "Okay, but next time, ako naman" Pagkukumbinsi ni Aiah, napangiti naman si Mikha "Nope" Biglang seryosong sagot ni Mikha, napairap na lang naman si Amari sa kaniya "50/50?" Pangungulit pa nito. "Hmm let's see, kung may next time" Nakangiting sagot ni Mikha at inalalayan na rin si Aiah papunta sa upuan nila.



"Thank you" Nakangiting sabi ni Aiah ng alalayan siya ni Mikha na makaupo. Pagkaupo ay nilabas na muna ni Aiah ang camera niya at vinideohan ang buong restaurant kasama na rin si Mikha



"Go Ms. Lim, introduce yourself" Nakangiting sabi ni Aiah kay Mikha habang nakatutok na ang camera niya dito, napailing si Mikha at napangiti. "Okay, okay" Napangiti naman lalo si Aiah ng mapilit ang dalaga, inayos naman muna ni Mikha ang kwelyo ng polo niyang itim pati na rin ang bagsak na bagsak na medyo mahaba ng buhok nito. "Hi, I'm Captain Mikha Lim, Queen's friend" Nakangiting pakilala nito. Hindi naman maiwasan ni Aiah ng napangiti ng makitang nakangiti rin ang dalaga "Actually guys, ayaw niya sa mga camera, may iba kasi siyang paniniwala pero dahil maganda ang Aiah niyo, napapayag ko siya" Natatawang usap pa ni Aiah sa camera niya kaya napapailing na lang si Mikha. "Kaya hindi niyo siya makikita sa ibang vlogger kundi sa akin lang. Akin lang" Proud na proud pa na sabi ni Aiah. "Sayo lang" Nakangiting sabi pa ni Mikha ng saktong itutok sa kaniya ang camera na hawak ni Aiah.



"Mahilig ka ba sa mga ganto? I mean, sa mga paintings? museum?" Tanong ni Aiah kay Mikha habang tinitignan ang ilang art at mga statue. "Actually, hindi, hindi ko alam kung paano makaappreciate sa mga arts" Seryosong sagot ni Mikha habang tinitignan din ang mga display sa museum. "Hmm, sabagay iba't iba ang mga tao"

"Pero magaling na artist ang mommy at daddy mo, ayon lang yata na appreciate ko rito" Bulong pa ni Mikha habang nakangiting tinitignan ang ilang paintings "Huh?" Takang tanong ng dalaga. "Huh? wala" Nagkibit balikat na sagot ni Mikha "Sabi ko, enjoyin na lang natin tong mga paintings at mga statue na to, sayang naman kung hindi natin titignan diba" Palusot pa ni Mikha at nauna ng maglakad kay Aiah.

"Favorite ko to" Parang bata na usap ni Aiah habang ineenjoy ang biniling strawberry taho ni Mikha "Same" Simpleng sagot ni Mikha. Gulat na gulat naman si Mikha sa sagot ng dalaga "Totoo? parehas pala tayo nila Gelo" Tuwang tuwa na sabi ni Aiah, napatigil naman sa pagkain si Mikha at tumingin kay Aiah. "Wait. I vlog natin to" Nasabi na lang ni Aiah habang kinukuha ang camera niya

"So? Captain, how's your day so far?" Nakangiting tanong ni Aiah habang nakatutok ang camera sa binata. Napangiti naman si Mikha sa narinig niya "Captain huh?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mikha. "Mamaya na natin pag usapan yan, so?" Pamimilit pa nito sa tanong niya "So far, so good. Hmm, I mean, kasama kita pati tong strawberry taho. Everything is worth it. Queen" Seryosong sagot nito habang nakatingin sa camera ni Aiah. "Thank you rin kasi may saysay tong day off ko" Natatawang dagdag pa nito. Natameme naman si Aiah sa pagiging straight to the point ni Mikha kaya napaiwas ito ng tingin.

"Thank you? hindi ba dapat ako nagsasabi non?" Natatawang sabi ni Aiah. Kinuha naman ni Mikha ang camera ni Aiah at hinarap sa dalaga. "It's your turn. Queen. Kamusta araw mo rito sa Baguio?" Seryosong tanong ni Mikha habang finofocus ang camera sa mukha ni Aiah. "Hindi ko maexplain e, iba kasi to sa mga travel vlog na ginawa ko, iba siguro kasi may iba na akong kasama bukod kay Sheena. May iba akong kasamang idiscover yung kasaysayan nong lugar pati na rin tayo sa isa't isa. I'm happy. More than happy Captain" Todo ngiting sagot ni Aiah, napatango naman si Mikha

"Ang daldal mo, mag go boating na tayo sa Burnham Park" Natatawang sabi na lang ni Mikha habang nakatutok pa rin ang camera kay Aiah. "Captain niyo panira ng moment" Nasabi na lang ni Aiah tsaka kinuha ang camera niya sa dalaga. Nauna naman na maglakad sa kaniya si Mikha papuntang kotse nito kaya nag vlog pa ito saglit. "Kung hindi lang magandang gwapo tong captain niyo at hindi masayang kasama nako talaga, sinasabi ko sa inyo" Kunwari pang nang gigigil na sabi nito sa camera niya.


"Relax, Queen. Okay?, kasama mo naman ako" Natatawang sabi ni Mikha habang inaalalayan ang dalaga pasakay ng bangka "Parang mas gusto ko na lang sa eroplano, Mikha" Takot na takot na sabi nito mas lalo naman natawa si Mikha kaya sinamaan na ito ng tingin ni Aiah. "Hindi na, hawakan mo na lang kamay ko" Sinunod naman ni Aiah ang sinabi ni Mikha at mahigpit na humawak sa dalaga.


"What a cry baby" Tawang tawa pa rin na sabi ni Mikha habang vinivideohan ang dalaga habang hawak hawak pa rin nito.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon