04

25 1 0
                                    

IRENE'S POV


"Seb, lamon na."


Sumulyap ako kay Rhiel na seryosong nakatingin sa'kin sa tapat ko siya nakaupo hindi na siya nagsalita pa at inatupag na lang ang kinakain. Sa tabi ko naman ay si Sachie na maliit ang ginagawang pagsubo sa shawarma na kinakain habang parang bata na luminga-linga sa paligid. Tipid akong sumulyap sa paligid. Masyadong malawak 'tong cafeteria hall nila, nasulyapan kong may apat na malalaking chandeliers na nakabayubay sa mataas nitong kisame pagkapasok namin kanina. Aakalain mong nasa isang mamahaling restaurant ka ng mga elitista at hindi sa cafeteria.

Doble ang lawak ng lugar at ang bawat white long table ay may tigsa sampung upuan. Halatang lahat ng estudyanteng nag-aaral dito ay may sinasabi sa buhay. Nalula ako sa laki ng eskwelahan nila at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng mga facilities nila nang i-tour kami ng mismong Dean ng Unibersidad. Malakas ako dun dahil matalik silang magkaibigan ng nasira kong ina dahilan kung ba't pinayagan kaming makapag-enroll na tatlo kaht na malapit na ang final exam ng mga estudyante rito.

Ibinalik ko ulit ang tingin sa lalaking ilang lamesa lang ang layo sa'min. Ang liit nga naman talaga ng mundo dito rin pala nag-aaral ang gagong 'to.


Nanlalaki ang mga mata niya kanina nang makita ako at ngayon ay magkasalubong na ang mga kilay. Gusto kong matawa sa reaksiyon niya kanina nang dumapo ang paningin ko sa kaniya habang naglalakad sa aisle kanina akala ko'y mahihimatay na siya sa pamumutla. Tss. Pasimple niyang tinagilid ang ulo nang kausapin ng kaibigan sa tabi niya. Umangat ang gilid ng labi niya na parang may nakakaloko itong sinabi at sabay silang nagtawanang apat.


Kumusta na kaya ang pinakamamahal kong si Cassiopeia. Pati motor ko nadamay sa kagaguhan niya. Magmaneho ba naman daw nang lasing. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkairita nang maalala ang mga nangyari.


Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan makipagkompromiso sa kaniya pwede ko naman siya ilibing na lang ng buhay nang gabing 'yon kaso... mukhang napalakas 'ata yung dasal ng loko, ayun, tinablan ako ng panghihina ng katawan dahil sa aksidente. Umangat ang isang kilay ko habang nakatingin sa kaniya. Sige, tawa ka lang mamaya ka sa'kin. May multo na ng ngiti sa labi ko. Bago mapalingon sa gawi ko ang tatlong kaibigan niya ay nagbaba na ako ng tingin sa aking plato.


Ramdam ko pa rin ang paninitig ng lahat ng estudyante sa amin pati ang mahihinang boses nila sa pagbubulungan. Dinedma ko na lang. Samantalang ang dalawang kasama ko ay tahimik lang na kumakain. Muntik pa akong mapaaway sa cashier kanina sa mahal ng siningil sa'kin. Tangna para sa isang spaghetti at tubig tatlong daan na ang presyo? Nakasimangot ko tulo'y itong nginunguya. Kahit na sobrang sarap nito ay hindi magawang magbunyi nang sikmura ko. Hindi pala ito yung spaghetti na nabibili ko sa isang sikat na fast food akala ko meron sila rito nun, e.


"Oh, schoolmate pala natin si pretty boy, yung naka-isa sa'yo," walang prenong ani Sachie nang magawi na ang tingin sa puwesto ng lalaki. Nang ibalik niya sa'kin ang tingin ay nanunuya siyang ngumisi. "Ang liit talaga ng mundo noh?"


"Parang height mo," pambabara ko.


"Ulol," pag-irap niya at asar na sinipa ang paa ko sa ilalim ng lamesa.


"Who are you referring to, Sachie?" Rhiel asked her lips in thin line while her forehead mildly creased. Sachie puckers her lips to point to the guy.

Untamable Badass QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon