Chapter 22

58 4 0
                                    


(MPA : Yherinah)

Tahimik kami habang papauwi. Nagkakailangan pa kapag may magsasalita. Ewan, hindi ko alam! Nawala ang tapang ng hiya ko. Mukhang na panis ang laway ko roon. As in tahimik lang kami hanggang makarating sa...

Restaurant? Bakit kami nandito? Ang sabi niya uuwi na kami.

"Bakit tayo nasa restaurant?" tanong ko.

"We need to work. Magpapa-appoint ako bukas ng meeting at ikaw na ang bahala umayos non dahil secretary kita. Ayusin mo na rin ang ipepresent mo bukas."

"About what?"

"Sa kanina. Don't worry, gagawa rin ako." wika niya.

"Curious ako." pag-iba ng topic ko. Kanina ko pa gustong itanong 'to kaso nahihiya talaga ako.

"Saan?" wika niya.

Actually 'di pa kami nakakababa ng kotse non. "Why me? Akala ko ba ang gusto mo lang na babae eh yung nakilala mo, 12 years ago."

"Hindi ba pwedeng mag-iba? Saka ano naman ngayon ano naman ngayon?" attitude yan.

"'I would never fall in love with her' pala ah." pang-aasar ko para naman mawala ang awkwardness.

"Tsk! Are you teasing me? Let's go na." At bumaba na siya sa kotse. Kaya bumaba na rin ako.

"Tatawagan na lang kita kapag uuwi na tayo." wika niya.

Tumango ako at pumunta na sa office.

Agad na akong gumawa pero parang nawala ang mga idea ko kanina at napalitan ng mga gumugulong tanong sa isipan ko. Hindi klaro sa akin ang mga nangyari kanina. Prank niya ba 'yon? Arghh! nakakainis naman, bakit ganito!

(MPA: Calix)

Tinatawag ko na si Yherinah. Mukhang busy pa siya dahil 'di niya sinasagot. Pinuntahan ko na lang siya para makasigurado.

Nakita ko siya ron, akala ko gumagawa pa siya pero natutulog siya. Lumapit ako sa kaniya. Ang ganda niya pa rin kahit tulog.

I don't know what happened to me. I don't know why I fall in love with her. She really amazed me. Finally, nagawa ko rin na mag confess sayo. Hindi man ako sure noon sa feelings ko sayo but now, I'm 100% sure! I will do everything just to make you fall in love with me and forgive me.

Hinawi ko ang buhok niya at inilagay sa ilalim ng kaniyang tainga. Hindi man naging maganda ang una nating pagkikita at mga pagtrato ko sa'yo. I'll promise that I'll change it with a good and happy memories.

"Yherinah." tawag ko sa kaniya.

I will make sure na hindi na ako magiging masungit sayo.

Nagulat ako sa biglaang pagmulat niya ng mga mata niya. Kaya napatalikod ako sa kaniya. Kumuha ako ng libro at kunwaring nagbabasa. Argh!

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Uuwi na tayo."

"Ah okay. Bakit naman hindi mo ako ginising agad."

"Huh? Kadarating ko lang din. I saw this book so nagbasa basa muna ako."

Biglang kumunot ang noo niya. Bakit??? Weird ba ako?

"Ah, sure ka ba na mababasa mo 'yan? Tingnan mo oh."

Tumingin ako sa librong hawak ko. Baliktad ang pagkakahawak ko non. Argh! bobo naman. Nagpahuli ka pa Calix!

Ngumiti siya na parang nang aasar pa. "Hays, liligpitin ko lang 'to." wika niya.

Ibinalik ko ang hawak kong libro at umupo sa sofa. Argh nakakainis naman. Nakakahiya ang ginagawa mo, Calix.

My Personal Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon