DUYAN (0ne-shot)

439 25 35
                                    

This is my 2nd 0ne-shot story... The other one is entitled ENGOT Mo Talaga.. (hehe...pa.Plug narin)

Bigla na lang kasi pumasok sa isip ko na gawin 'to nung makakita ako ng 'duyan'. Kaya eto handog ko sa inyo at sana magustuhan niyo.. <3<3

if may mali po sa grammar o words na ginamit ko pls inform me right away...

////

Any similarities with the name and contents of the story are purely coincidential. (ansaveh?!)

ALL RIGHTS RESERVED. 2013

@YUKKI445

Date Started/Finished: January 16, 2013

xxo0oxx

THE GIRL's POV

Bata pa lang ako ay palagi na lang akong mag-isa. Walang mga kaibigan, walang karamay o kausap., walang kasama sa bahay. Kahit pa nga may mga magulang naman ako, palagi naman silang wala. Puro negosyo ang inaatupag nila. Tsk..

Kaya mas minamabuti ko pa na magpunta sa playground malapit sa amin eh.. Doon masaya ako.. Kapag may mga nakikita akong naglalaro natutuwa ako. (although hindi naman ako kasali.. XD)

Tahimik lang ako na nakaupo sa duyan, habang nagmamasid sa paligid. Yan na nakagawian kong gawin.

Hanggang sa isang araw, as usual dun parin sa duyan ako nakatambay.. Nagpapaka.Emo..

Bigla na lang may humawak nung lubid mula sa aking likuran at bumulong siya sa akin.

"Gusto mo itulak ko 'tong duyan?" tanong ng isang batang lalaki sa akin.

"S-sige.." sabi ko. Medyo nahiya pa nga ako eh.. Siya pa lang kasi ang kumausap sa akin, kaya hindi ako sanay.

"sige.. Hawak ka mabuti ah." siya

'ang saya pala kapag idinuduyan ka. Angaan sa pakiramdam. Feeling ko malayang-malaya ako. Feeling ko para akong ibon na lumilipad.' sa isip ko, while closing my eyes. Habang palakas na nang palakas yung hampas ng hangin sa mukha ko.. Eeh?!!

Feeling ko lumilipad ako... Teka?!! 0_0 *opens the eyes*

LUMILIPAD AKO!! OH N0!! Lalanding na ako sa lupa!!

*BOOGSH* (una lumanding ang mukha sa lupa.. Saklap..)

"pweh!..Pweh!.. Aish.! Ba't ako nahulog?!!" may halong pagkairita kong tanong.

"Aba.. malay ko. Tanong mo kaya sa sarili mo. Hahaha" sabay tawang wagas.

"Ah ganun..." *evil smile* tapos kinurot ko siya sa pisngi hanggang mamula. Tapos naghabulan kami, nagharutan, nag.Rolling in the deep, nag.Boxing, nag-eye-to-eye contact.. Naglampungan (di jwk lang.. Mga bata pa kaya kami.. XD) Tas kwentuhan konti.

Nalaman ko pa nga na parehas pala kami na gusto si MICKY MOUSE. Tas pinag-usapan din namin yung about sa ambitions namin, tungkol sa Politika at tungkol sa rambolan dun sa kanto. May chismis pa na siyang ishinare sakin, tungkol dun sa kabit ng asawa ni Aling Xhantal.. Blah.. Blah.. Blah..

Ngayon ko pa lang na.Experience 'to. At alam ko kahit bata pa ako, minahal ko na siya agad. Iyong pagmamahal na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko.

Masayang-masaya ako pag-uwi ko sa bahay. Ansarap niya kasama. Wait?!! Ano nga pala name niya.?" aish.. Itatanong ko na lang bukas.

Pag-uwi ko, sinalubong ako ng isang masamang balita. Aalis na raw kami, lilipat ng ibang tirahan. Tinanong ko sila kung ano ang rason, sagot naman nila, "trip lang namin".. Nakakaewan pero nererespeto ko ang desisyon nila. Kaya bukas magpapaalam na'ko sakanya... Sa batang lalaki na unang nagpatibok ng puso ko.

xxx

KINABUKASAN...

Bumalik ako.. Pero wala siya.

Naghintay ako.. Wala pa rin siya.

Kaya nag-iwan na lang ako ng sulat bilang pamamaalam...

~~

DEAR YOU,

ALIS NA ME., LIPAT BAHAY KASI., TRIP NILA EH. BABYE NA YOU.. MWAHUGS

FROM: ME xoxo

xxx

Ngayon 17 years old na'ko at kahit matagal na eh hindi ko parin makalimutan ang pangyayaring yun sa buhay ko. Kamusta na kaya siya? Nabasa niya kaya yung sulat ko?

Di ko na namalayan nandito pala ako sa isang park... May nakita akong duyan, kaya dun muna ako umupo at nagbalik-tanaw (chos) sa past.

Maaari pa kayang madugtungan ang nakaraan namin?..Haay.. imposible siguro...

"gusto mo itulak ko 'tong duyan?" tanong ng isang lalaking may baritonong boses. Nag.Clap2x ang mga tenga ko. Alam ko siya 'to. Di ako maaaring magkamali.

Pag-angat ko ng ulo ko ay sinalubong niya ako ng ngiti.

*o*

ay! Ang gwapo naman niyan! Nagkamali pala ako ng akala. Kasi yung dati uhugin yun eh.. Tas tulo laway pa yun.. =_=

bigla niya akong niyakap at sinabi...

"I miss you... Thank God!! Di mo lang alam kung gaano kita katagal hinanap and now that i found you.. I just want you to hear this...

"Tulad ng duyan, kahit anong pilit kong itulak palayo ang nararamdaman ko para sa'yo, at ibaon ito sa limot, ako'y bigo, pagka't sa huli ay bumabalik parin ang pag-ibig at pagsinta na nadarama kong ito." siya. Ako tahimik lang. Siya pala yun. Laki pinagbago ah..

"Pero eto ang tatandaan mo, na hindi magtatagal ay titigil din sa pag-ugoy ang duyan." siya ulit.

"so...What do you mean to say??. That you will stop loving me now?! Titigil ka na?" ako.. (drama mode)

"Oo.. Titigil na'ko sa pagtulak papalayo nitong nararamdaman ko... Dahil simula ngayon hahawakan na kita at hinding-hindi na muling pakakawalan pa." siya. Ako naman... Its like.. Ayieee!! Nangingisay na sa sobrang kilig.

Pero babawi ako.

"Eto lang masasabi ko, tulad ng duyan, kahit ako man ay lumayo, di kalauna'y babalik at babalik din ako sa pinanggalingan ko....

~~at yun ay sa piling mo." 0h!. Ha! Anu ka ngayon?! *bleeh*

Tahimik lang siya. Na.shock. Buti nga.

I kissed him on the lips and said..

"Mahal kita."

"Mas mahal kita." he answered.

xxx

Years passed, masayang-masaya at kontento na sila sa buhay.

Ngayon ay sabay nilang inuugoy sa duyan.. Ang batang bunga ng kanilang pagmamahalan.

THE END.

Xxx

comment.Fan.Vote.

DUYAN (0ne-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon