{Chapter 2}
Gabriella Chan ガブリエラ チャン
NAPAHIMAS nalang ako sa balat ko dahil sobrang init dito sa labas. Gosh, hinihintay ko yung order ko na halos 2 weeks nang hindi dumadating. Ilang minuto na akong nakatayo dito. Pinaghintay ako, hindi pwedeng gano'n.
"Myghad bakit naman ang tagal?" Tanong ko sa sarili ko at nagsisimula na akong mairita. Ayoko yung pinag hihintay ako kasi mainipin ako, sobra. Alam na yan ng mga parents ko at lalo na ng Astryds. Pero hays, tatanggapin ko nalang. Baka naman naging abala lang talaga yung Lazada. I accept that, sige na.
"Meido, Ima kasa o kudasai!"(Maid, give me umbrella, now!) Tumingkayad ako sa may gate at sumigaw sa new maid namin na nag tatanggal ng mga damo. Sayang naman yung ginagamit kong lotion kung iitim ako. 12:00 pm pa naman, tanghaling tapat. Tsaka, sayang yung kuryente dahil ilang oras akong nag bababad sa aircon habang nag ne-netflix kung magiging negra lang din ako.
"Miss Gabriella? May inuutos po kayo?" Tanong sa akin nung kasambahay. Napahilamos ako sa sarili kong mukha. Naalala ko na hindi niya pala ako naiintindihan. Well, si dad kasi, hindi na nag bago since nung grade 10 ako. Kapag papagalitan niya ako o uutusan, naka japanese language. Kaya naging ganoon na din ako.
Ako pa din naman 'to, si Gabby Chan. The strong independent woman (just kidding lol) Iyakin nga ako e. I am 19 years old already, ang bilis nasa legal age na agad ako. First year ako sa college. Nung grade 10 ako, I'm only 17, nag debut ako last year, grade 12 ako, at na enjoy ko naman kahit may mga kulang. Mali pala na hindi ko inenjoy ang senior high school kasi mas nakakastress na!
At, makakapagtapos ako ng pag-aaral sa age na 23.
"I said, give me umbrella!" Sigaw ko pa kaya iniwan ng maid yung gawain niya at dali daling pumasok sa loob. Sana naman mahanap niya agad yung payong. Ang dami dami naming payong. Kahit sa kusina, sa living room, kahit nga sa kwarto ko, meron. Hindi ko ba alam kung ninuno namin su Kagura.
"Dōshite sakende iru no?" (Why are you shouting?) Nagitla ako nang sumulpot sa harap ko si dad. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ayan nanaman siya.
"Dad, pwede ba please lang, mag wikang tagalog ka naman. Nasa pilipinas tayo e" Usal ko kaya tinawanan ako ng ama ko. Nag punta naman siya sa tabi ko, nilingon ako at tinanong.
"Nihon ni kaeru yotei wa arimasen ka?" (You have no plans to return to Japan?) Tanong sa akin ni dad. Of course, anong wala? Gusto ko na nga bumalik doon at isasama ko ang mga friends ko. Hindi lang siguro ito ang tamang oras.
"Kung papayag ka, dad. Actually, miss ko na po talaga ang Japan. Lalo na yung mga pinsan ko, si ate Hirona, si brother Amaya, si kuya Dai, si Kazumi basta lahat sila na nasa side ni mom. We have been here for almost three years" Mahabang sagot ko at huminga ng malalim. To be honest, mas masaya ako sa mga pinsan ko sa mother side. Hindi ko kasi close yung mga cousin ko na pamangkin ni dad, like, ewan.
"Watashi wa itsumo anata no shiawase no tame dake ni dōi shimasu, Gabriella" (I always agree just for your happiness, Gabriella) Napangiti ako sa sinabi ni dad. Kahit na minsan ay nagbabangayan kaming mag-ama, daddy's girl talaga ako. Pero kasi, ang hilig manermon.
"Thank you so much, dad. Ay, buti naman dumating na!" Napakalas ako sa yakap ko kay dad nang may motor na tumigil sa aming harapan. Tsaka pa inabot nung maid yung payong kung kailan hindi ko na kailangan. Hayst, syempre tinanggap ko pa din tapos ibabalik ko ulit sa loob. Amazing tricks just for you.
"Keep planning for your dreams, for your self, and for your ambition. I know you can do that" Huling sambit ni dad at tuluyan nang bumalik sa loob ng mansiyon. Nagpasalamat na ako sa delivery boy kahit na ngayon lang ang dating niya. Si dad talaga, may mga pagkakataon na strict, pero hindi nag tatagal.
BINABASA MO ANG
Our Delight Ambition
AdventureAng storyang ito ay patungkol sa magkakaibigan na magkakasamang abuting ang kanilang mga pangarap. Kung mayroon mang pagsubok na dumating sa buhay nila ay sama-sama nilang hinaharap at nilalabanan. Sa gitna ng mga bagay na iyon ay mayroong tanong...