After the first set of exam, nag break muna kami. Pero imbis na pumunta sa canteen kagaya ng mga classmate kong nagtakbuhan pa talaga, nanatili na lang ako sa upuan ko.
"Di ka gutom?" Sabay sundot ni Vengiel sa pisngi ko.
Sinamaan ko lang siya ng tingin pero hindi ko na sinundot pabalik. Dahil 'pag pinatulan ko 'to, hindi na niyan ako titigilan. Ganun siya kapapansin.
Umiling ako. "Dito lang ako."
"Ginugutom ako." Sumimangot siya. Inayos niya ang sarili na parang hindi na pupunta sa canteen. Gutom daw pero ayaw naman bumaba.
"E bakit hindi ka pumuntang canteen?"
"Sino na magiging kasama mo dito?" Nagtaas siya ng kilay.
"Venge, hindi na ako kinder na kailangan pa ng bantay."
"Fine. Punta na lang ako sa canteen. May gusto ka?" Sa kabilang pisngi ko naman ang sunod na sinundot.
Ikaw. "Tuna sandwich na lang..."
Akmang kukunin ko ang wallet ko sa bag pero agad niya naman akong pinigilan. Siya pa talaga naglayo sa kamay ko sa bag ko.
"May pera ako."
"May pera rin ako." Kumunot ang noo ko. Siya lang ba may pera dito?
"Ah basta. Ako na bahala." He winked.
Hindi na lang ako nakipagtalo pa. Pera naman niya 'yon. Siya magde-decide kung saan niya igagastos. At isa pa, hindi naman masasayang dahil para naman sa pagkain 'yon. More like, pagkain ko.
Kinuha ko na lang ang phone mula sa bag ko para may pagkaabalahan lang habang hinihintay ang tuna sandwich ko. I visited my favorite shop online for acrylic nails. Tinatamad na kasi akong mag polish ng sariling kuko o bumisita ng nail technician.
Ipapakabit ko na lang kay Venge para magkasilbi siya.
Habang nagi-scroll ako ay may nareceive akong notification galing sa instagram na agad ko namang binuksan. It's from Ryo.
Ryo:
Good luck sa exam! See u sa sem break? Coffee date? 🥺Agad akong nagtipa ng sagot. Akala ko hindi na siya magpaparamdam because he didn't text me the night after we met. And uh... coffee date?
Me:
ty! I'll see if hindi na busy :)Hindi na siya nag-reply pa. Maybe nag start na class niya? I just shrugged it off. Siguro ay nagklase na nga sila.
Hindi pa nga ako nakakapili ng bibilhin ay nakabalik na agad si Venge bitbit ang isang transparent na supot at sa kabilan kamay ay may hawak na dalawang karton ng chuckie.
"What are you doing?" Nakangusong tanong niya habang umuupo sabay lapag sa mga pinamili sa desk niya.
Sinilip niya ang phone ko kaya pinakita ko ito sa kanya. "Bumibili ng kuko."
"Why? You can't polish your own nails?" His forehead creased.
"Kaya mo bang gawin?" Nagawa ko siyang irapan.
"You have different nails every week, Bianca." He pointed out.
Napapansin niya pala. Observant din pala siya kahit papaano.
"So? May pera naman akong pambili." I smirked.
He chuckled. "Right. Shopping is your form of therapy nga pala."
"You finally get it." I stared at him with dripping sarcasm.
His eyes stared back at me with full of amusement. I even saw how he licked his bottom lip while smirking. Damn those lips.