America

47 0 0
                                    

Dalawang taon na ang lumipas simula nung huli ko siya makita. Maluha-luha pa siya noong mga panahong iyon, araw ng pagtatapos naming iyong bilang hayskul. Isa pa ako sa mga niyakap niya nang mahigpit. Dahil sa yakap na yun eh, hindi lang araw ng pagtatapos ang dahilan kung bakit ako masaya, kasi nakatanggap pa ako ng yakap mula sa kanya. Ang saya-saya ko talaga! Tignan niyo, dalawang taon na ang lumipas, hindi pa rin siya nawawala sa puso't isipan ko.

FLASHBACK:

Siya ang dahilan kung bakit ako nag-aaral nang mabuti. Siya ang ika nga, aking inspirasyon. Eto na ako, papasok na sa silid, nang biglang may bumati,

"Magandang Umaga Dai! Kamusta ka na? sabay tayong mag lunch kasama sila Tina! Alam mo na kung saan! UDNT! Sama mo mga kaibigan mo!"

Ayan oh, niyaya akong sumabay sa kanila.

Lunch time na!

"SIge, share share tayo ng ulam ha?"

"Oo naman! Paborito ko nga luto ng nanay mo eh!"

Dahil sa kanya, nagpapabaon ako lagi para matikman niya mga luto ni nanay. Nga pala, alam niyo bang magaling siyang sumayaw? Swerte nga ako kasi lagi ko siyang ka grupo. Ang bilis niyang mag-isip ng dance step! Kaya siya ang nagiging choreo ng klase namin pag may event.

Noong kami'y nasa huling taon na, may nalaman akong masamang balita.

"Nabalitaan mo na ba?"

"Ang alin?"

"Kukunin na daw si Cherie ng mga magulang niya sa America para doon na siya mag-aral ng kolehiyo. batid ko nga"y hindi niya iyon matanggap."

Parang nagunaw na ang aking mundo nang malaman ko iyon. Mawawalan na ko ng ulirat! Kaya agad-agad ko siyang pinuntahan.

"Totoo ba?"

"Oo"

"Eh paano yung pangako natin sa isa't-isa? Hindi ba mag-bestfriends tayo?"

"Hindi naman kita malilimutan eh. Saka malayo pa yun!"

(Hala, paano ba to? Ayokong umalis siya. Hindi ko pa naaamin lahat sa kanya.)

Umuwi ako nang malungkot. Siya lang ang nasa isip ko. Tulala ako buong gabi. Anuman kasi ang gawin ko, hindi ko na siya mapipigilan pa. sukdulan ang lungkot sa aking puso. Ni hindi ko na marinig ang telebisyon, o ang sermon ni nanay. Hangga't sa, lumuluha nap ala ang aking mga mata. Sinukluban na ako ng langit at lupa dahil doon.

Ngayon pa lang, kahit hindi pa siya umaalis, pakiramdam ko, wala na siya. Hindi ko kasi alam kung lalapitan ko pa siya o hindi na. naisip ko, sulitin na lang kaya namin ang mga araw na natitira? Para maparamdam ko man lang sa kanya na mahal ko siya kahit lingid ito sa kanya. Bago ako pumasok, ibinili ko siya ng paborito niyang tsokolate, at ang ni request ko baon ay adobo kasi paborito niya rin yun. "Siguradong magugustuhan niya ito!" sabi ko sa aking sarili. Kaya lang, pagdating ko...

"Daisuke, absent si Cherie. May pinaaayos daw kasi sa embassy."

Anubayan, pati tadhana, pinipigilan kami! Sayang lang tong tsokolate saka andami ng adobo. Siguro tama nga yung sinabi sa akin ng kaibigan ko.

"Wag mo muna siyang pansinin, para masanay na siya pagpunta niya sa America."

Oo nga, para masanay na siya. Sasanayin ko na rin ang sarili ko. Pero, mali pala ako. Kaya binigyan ko siya ng "apology letter".

"Cherie, BYE. Alam mo ba ibig sabihin niyan?

Cherie, I will

B-e

Y-our

E-verything

Love,

Your Secret Admirer".

Este, love letter pala. Ako kunyari yung taga-abot. Pero ako talaga ang nagbigay. Diyan ko lang lahat masasabi nararamdaman ko. Ang saya-saya niya nun! Dahil dun, masaya na rin ako! YES!

KASALUKUYAN:

Second year college na ako. At iisa pa rin ang inspirasyon ko, si Cherie. Siya ang dahilan kung bakit ako laging nakakapasok sa dean's list. Sabi ko sa sarili ko, "Mag-aaral ako nang mabuti. At pagka graduate ko, pupunta rin ako sa ibang bansa."

Nagkaroon ng anunsyo sa aming unibersidad.

"Sampu po sa mga dean's lister ay may pagkakataon na maging iskolar, at maipadala sa bansang gusto nila para magtrabaho. At sila ay sina.."

Nabanggit na ang unang siyam. Nung pang sampu na, nawalan na ako ng pag-asa. Nang..."

"Last but not the least, Daisuke Tadashi!"

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Pag-uwi ko, nag online agad ako sa facebook para tignan kung online siya. Tamang tama!

:- Cherie!

;-oh, bakit?

;-Makakapunta na ako diyan sa America pagka graduate ko!

;-Congrats! Antayin kita dito sa America ha?

:-Sige. J

Doon sa America ay sasabihin ko sa kanya ang lahat. Teka! Nag-PM pa siya!

;-Excited na ako Dai, may sasabihin pala ako sa'yo.

:-Ano yun?

;-Matagal na akong may feelings sa'yo. High school pa lang.

:- J Nga pala, ako yung secret admirer mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AmericaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon