Chia's P.O.V
Two weeks past. I'm happy because I'm totally recover from those accident. Thanks to my ate Pinky at Perry dahil inilignas daw nila ako.
Hindi ko na kasi alam ang nangyari ng mawalan ako ng malay.
Excited na akong makita ang dalawa. Hindi man lang nila ako binisita sa hospital, nakakabagot kaya doon.
Tungkol naman sa natamo kung sugat ay maayos naman itong naghilom, wala naring bakat na piklat. Nagpapasalamat talaga ako kay lolo Donny dahil sa gamot niyang inilagay sa sugat ko ay madali lang itong naghilom. Hindi ko matukoy kung anong klasing gamot yon. Hindi rin naman niya kasi sinabi sakin. Napakadamot niya talaga.
Kaya kung wala siyang balak na sabihin sakin, nanakawin ko nalang. Subrang namangha talaga ako don sa bagay na 'yon.
Sumilay ang ngiti sa labi ko ng maalala ko ang mga gagawin ko hihihi. Marami na kasi akong na-miss na mga bagay na dapat kung gawin. Isa na doon ang pagtuturo ko sa section na 'yon.
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako nagtuturo kahit pansamantalang guro ako sa academy ni dad. Ayaw ko lang kasing mag-aksaya ng oras sa kanila kung hindi naman sila ang totoo kung estudyante.
Nalaman ko ring anim lang ang estudyante ko sa section na 'yon at hindi ang mga maiingay na yon, dahil accidenting narinig ko sa isa sa kanila ang nag-uusap sa corridor.
**
"Gusto ko talagang kalbuhin yung babaeng yon"
"Hindi lang naman ikaw ang nagtitimping saktan siya Mara. Halos tayong lahat gusto siyang mapaalis dito kundi lang talaga tayo napag-utosan"
"Kailan ba babalik ang anim na 'yon? Gusto ko nang bumalik sa section natin. Hindi kasi ako makakaganti ng babaeng yon malakas kasi ang kapit ng bruhang iyon sa tatay niya"
"Kumalma kalang okay? Dadating din tayo diyan sa mga plano mo. Ang Joker na ang bahala sa kaniya. Hindi man natin alam kung ano ang binabalak nila sa mag-amang yon...masaya na ako na mawala ang babaeng yon dito"
"Sana nga, mawala na sa landas natin ang babaeng yon"
"Hahahaha I know. Alam mo bang galit rin ang family namin sa mga Albiars?"
"Why?"
"Sabi ni mommy marami daw yang kasalanan samin ang pamilyang yan. Marami daw nagtangkang pumatay sa lalaking yon pero kahit isa sa mga tauhan ng joker walang nakakalapit sa lalaking yon. Hindi namin alam kung may kasabwat pa ba siyang iba."
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga narinig ko noon tungkol sa ama ko. Hindi ko alam kung nagbubulagan lang ba si daddy sa mga nakapaligid niya.
Nong time na 'yon, nagsumbong ako kay lolo. Lahat na narinig ko sinabi ko sa kaniya pero pati siya binabaliwala lang ang mga pinagsasabi ko. Mukhang inaasahan na talaga nila ang mga bagay na 'yon. Sabi niya pa sakin non...
"Apo, wag mo masyadong bigyan ng pansin ang mga yon dahil naiinggit lang ang mga yon sa pamilya natin. Kaya ikaw wag masyadong stress okay? Hindi ko gusto na pati mga maliliit na bagay ay po-problemahin mo, magagalit si lolo niyan. Tandaan mo yan apo."
Kaya gaya ng sabi ni lolo ay sinunod ko. Tama naman kasi siya. Dapat hindi ko na binigyan ng pansin ang mga bagay na 'yon. May tiwala naman ako sa pamilya ko na kapag may problema, agad nilang ma-solusyonan.
____
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko nagmumuni-muni. Alas diyes na ng gabi pero gising na gising pa ang diwa ko.
Gising pa kaya ang dalawa kung pinsan? Ah! Pupuntahan ko kaya?
Nandito na ako sa tapat ng pintuan ni ate Pinky. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako sa pintong ito. Baka kasi may ginagawang importante ayaw pa naman niya may iisturbo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
RandomNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...