Untitled Story Part

37 2 0
                                    


Tahimik dito sa kwarto ko.

Walang ibang maririnig kundi ang patak ng ulan at ang mahinang paghikbi ko. Na nalulunod ng Tunog ng pagragasa ng ulan.

Buhay nga naman. Panahon pa sumabay sa nararamdaman ko ngayon.

Nakita ko sya kanina.

As usual hinintay ko ang uwian nila at makalipas ang ilang oras na paghihintay ay  lumabas din sya ng gate ng school namin.

Nagsimula na syang maglakad kasama ang mga tropa nya. Mga ilang metro lang ang nalakad nila,

Naglakad na din ako sa likod nila.

Okay na sana ehh. Nakikita ko yung mukha nya, nakikita ko yung babaeng hinahangaan ko. Naglalakad sa bandang unahan.

Di ba dapat masaya ako?

Di ba dapat nagpapasalamat ako kasi kumpleto yung araw ko?

OO sana..

Kung wala lang babaeng nakayakap sa kanya at akbay niya :'(

Ang tanga ko di ba?

Yung babaeng gustong gusto ko,

May kasamang iba yet i still manage to stare at them.

Tinignan ko yung kasama nya,

Maputi, Kasing tangkad nya, So mga 5'5 yung babaeng kasama nya kasi sya ay 5'6. Maganda. Straight at mahaba ang buhok. Ang kyut nila tignan. Kasi si Cath *yung crush ko po* maganda din sya. Sobrang sexy. Kasali kasi sya sa varsity. Basketball player kasi sya ng team. Maganda din sya kaso boyish. Mapungay yung mata nya. Maikli yung buhok nya na medyo red. Lagi din syang may eyebags kasi babad sa practice.

Ang perfect nila tignan.

Bagay na bagay sila. Sobrang sweet din nila. Nakaakbay si Cath dun sa girl at nakayakap yung girl kay Cath. Panay lambingan at tawanan nila. Nakikita ko sa mata ni Cath na sobrang saya nya. Nakikita ko na mahal nya yung girl.

Grabe gustong gusto ko ng umiyak.

Gusto kong agawin sya dun sa babaeng yun pero anong magagawa ko?

Bukod sa masaya na sya, alam kong hinding hindi nya mapapansin ang isang tulad ko lang.

Oops, May pumatak na dahilan kaya naging mamasa masa yung kamay ko.

*woyy hindi pa po yan luha. syempre pinigil ko muna yung tears.*

Tumingala ako.

Wow Sakto umuulan! Mula sa bahagyang pagpatak ng hamog, naging napakalakas ng ulang yon.

Hindi ako sumilong. Sa halip lihim kong ipinagpasalamat na dumating ang ulan.

Dahil kasabay ng pagpatak ng ulan galing sa kalangitan, ay ang pag agos ng luha mula sa mata ko.

Bakit pa kasi nakilala ko sya?

Bakit ko pa kaylangang mapansin sya?

Dapat kasi binalewala ko na nung umpisa pa lang eh.

Di sana di ko nalang sya minahal.

Di sana di ako umaasa.

Di sana hindi nalng ako nasaktan.

Isa pa?

Bakit sya pa?

Sa dinami dami ng pwede kong magustuhan.

Sa dami ng mga lalaking nagkalat sa paligid.

Sa dami ng lalaki na humihingi ng atensyon ko,

Bakit sya pa yung napansin ko?

Sya na sa una palang alam kong malabo na.

Sya na hindi nga ako matignan.

Sya.
Na katulad ko,
Babae din.
At may MAHAL ng iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Knows No Gender (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon