Chapter 04 (Hearth Beat)

43 3 0
                                    

Nathan Schaller on the Multimedia----->

Pogi..

-----

Nathan POV

Sh¡t! Anong ba to? Bakit bumilis agad yung tibok ng puso ko nung hawakan ko yung kamay niya? Tapos yung na out of balance siya. Kaya napahiga kaming dalawa, kaya aksidenteng napa dagan ako sa kanya. Feel ko, sobrang pula na ng mukha duon. At sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Aish.

Bakit ko ba kasi hinawakan yung kamay niya?

T*ngina. Ngayon ko nalang ulit naramdaman to. Simula nung iwan ako ni...ni...... Basta!

"Ohh, bro. San tayo pupunta?" tanong ni Jacob Nandito kami sa parking lot. Hindi na ako pumasok, baka bumilis na naman yung tibok ng puso. Aish! Ano ba tong sinasabi ko!

"Oy, san kako tayo pupunta?" Tanong ni Lester.

"H-huh? Sa bar niyo"

"Sige"

Dara POV

"Aish. Ughhh." kanina pa ako paikot ikot dito sa kama ko. Hindi ako maka tulog, hindi kasi mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Takte! Ang bilis ng tibok ng puso ko nun. Grabe! Parang lalabas na. First Time kaya naging ganun kabilis yun Hearth Beat ko.

"Anak, bakit hindi ka pa natutulog? May pasok kapa bukas" tanong ni Mama. Hindi ko namalayan na nandito na pala si Mama si kwarto ko

"Ahh...ehhh.. Ma, may tanong po ako?" umupo naman si Mama sa kama ko.

"Ano ba yon anak?" naka ngiti niyang sabi. Takte! Baka ano pa kasi isipin ni Mama eh. Bahala na nga!

"Ahh...ano...po... P-pag bumilis po ba yung tibok mo sa isang lalaki, ano po ba ibig s-sabihin nun?" hindi makatinging tanong ko kay Mama.

Tinignan ko si Mama kasi ang tagal nang sagot niya eh!

Ohmy. Sobrang lapad ng ngiti niya!

Bakit?

~

Nandito ako ngaun sa room, wala pa Teacher. Tapos si Kylie. Nalate ata! Sila Nathan nandito nadin, tahimik nga lang. Tapos hindi ako kinakausap.

Akala ko ba Slave niya ako? Pero sabagay okay narin. Bwahaha.

'Ting'

Aish! Hindi ko maka limutan yung sabi ni Mama kagabi.

"Hoy, nerd" nakita ko naman na nakatayo sa harap ko si Clown ay este Aira, remember? Yung pinagsabihihan ako ng maid.

"Bakit?" bagot na sabi ko.

"Bilan mo ako ng coke sa Caf."  Abah. Sino ba siya para mag utos.

"Ayaw ko"

"At bakit ayaw mo?" Taat kilay na tanong nito.

"Eh sa ayaw ko eh. Bakit ba?" Nakaka inis. Epal!

"Abah! Sumasagot kapa"

"Shunga kaba! Syempre nagtanong ka, kaya sinagot ko lang, hay, Stupid"

"Anong sabi mo?" naiinis na sabi niya.

"Bawal nang ulitin"

"Argh. Akala mo kong sino ka, isa ka lang namang Nerd. Panget"

"Woww. Hiya naman ako sa mukha mong parang clown sa kapal ng make up" nag tawanan naman yung buong klase except kay Nathan.

"Arghhhh. Patay ka talaga sa akin, mapapa alis din kita sa school nato"

Nathan POV

Kanina pa nag sasagutan sila Dara at Aira. Hindi ko nalang pinansin, ang ingay eh.

"Arghhhh. Patay ka talaga sa akin, mapapa alis din kita sa school nato" naningkit yung mata ko nung marinig ko yung sinabi ni Aira.

"AT ANONG KARAPATAN MONG PAALISIN SIYA SA SCHOOL NATO, HUH?" sigaw ko. Kaya lahat sila tumahimik pati nadin sila Dara.

"H-huh? S-syempre! Ang p-panget niya kaya b-bawal siya d-dito" nauutal na sabi ni Aira

"Siya panget? Grabe ka naman mang lait, mas panget ka pa nga kaysa kay Dara eh"

"N-nathan?" sabi ni Dara halata din na gulat siya sa sinabi ko. Tsk! Feeler.

"Ano? Hoy nerd. Kung akala mo eh ipinag tatanggol kita. Asa ka! Ang ingay niyo kasi. Tsaka sa gwapo kong to pagtatanggol kita, yuck! Panget muna nayan" hindi ko alam kong bakit ko to sinasabi. Tinignan ko si Dara, at halata sa mata niya na disappointed siya. Well, i don't care. She's my Slave only.

"O-o-okay"

Dara POV

Grabe naman si Nathan! Maka pang lait huh. Nako, pag gumanda talaga ako. Mapapanganga nalang kayo' xD. Charot!

"Tahimik ka Best? Any problem?" tanong ni Kylie. Anyway, nandito kami sa parking lot. Pina cancel kasi yung class ngaun, may meeting daw kasi lahat ng teacher.

"Wala Best" malungkot na sabi ko. Tsk! Gutom na ako.

"HOY, PANGET! TARA SAMAHAN MO AKO" tinignan ko kung sino yung walang hiyang sumigaw ng malakas

"Bakit naman kita sasamahan?" bagot na sagot ko.

"You're my Slave, remember?" Tsk! Oo nga pala.

"Okay"

"Ano? Tara na bilis"

"Handali lang naman huh" tinignan ko naman si Kylie "Best, bukas nalang huh. Bwisit kasi si unggoy eh, wrong timing! Sige na. Bale, nandyan naman si  Myloves mo eh, hihihi" pinanlakihan lang ako ni Kylie ng mata at tumawa nalang ako. Kasama kasi  ni unggoy yung dalawa niyang barkada eh.

~

"San ba kasi tayo pupunta?" Inis na sabi ko kay Nathan. Nandito kami sa kotse niya. Pero hindi padin niya pinapaandar. Problema nito?

"Tsk! Ang ingay mo. Samahan mo ako sa Mall" sabi niya tska nito pinaandar yung kotse.

"T-teka! Bakit pati ako kasama eh—"

"Slave kita diba" putol niya sa sasabihin ko.

"Hayy. Okay! Okay." No choice eh.

"Love or Hate?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon