----
Dara POV
Isang buwan nadin ang nakaraan ng maging slave ako ni Nathan.
Simula nung nasabi niya na 'I Love you Hanna' naging tahimik siya. Tinanong ko sa kanya kung sino yun pero kahit isang sagot mula sa kanya wala
Kaya hindi ko na pinilit.
Pinag tu-unan ko nalang yung pag aaral ko.
Pero ang nakaka inis! Bawat minuto panay utos. Hindi tuloy ako maka pag aral ng mabuti.
Pero okay narin yun, sine swelduhan niya naman ako eh
Ang nakakatuwa , may naipon na ako para sa pag aaral ko. Hindi ko kasi ako humihingi kay Mama, kahit bigyan niya ako. Hindi ko tinatanggap. Humihingi lang ako pag ubos na yung naiipon ko na tira sa baon ko.
"Uyy, bakit ka tahimik?" tanong ni Kylie
Nandito kasi kami ngayon sa Room, wala pa si Ma'am. Pati sila Nathan wala. Buti naman.
"Ahh..wala..." sabi ko.
Hindi na ako sinagot ni Kylie, nang dumating si Ma'am.
"Okay class, I hav--" naputol yung sasabihin ni ma'am nang may pumasok sa loob. Hindi naman nawawala ang mga tilian ng mga babae.
"Sorry I'm late" sabi ni Nathan tsaka umupo sa likod ko. Ganun din sila Jacob, at Lester.
Tumahimik nadin at nag patuloy na si Ma'am sa sasabihin niya
"Okay class I have announcement, next week may gaganaping Pageant dito sa SU. Kaya may sasali sa section niyo na isang babae at lalaki. Okay, Sino gusto?" sabi ni Ma'am.
Nag taas naman si Aira ng kamay.
"Ma'am ako" sabi niya.
Madami namang umangal sa sinabi ni Aira
"Ma'am wag po yan"
"Oo nga ma'am aarte lang yan "
"Baka matalo maam yung section namin pag sumali siya "
Yan yung sinasabi nila kay Aira.
"HOYYY!? Anong sabi niyo?" Hindi nalang nila pinansin si Aira.
"Okay mukang ayaw ng classmate mo na ikaw ang representative ng section kaya let's vote nalang" sabi ni Ma'am.
Padabog na umupo si Aira at nag cross arms pa. Tsk!
Nag simula na si Ma'am.
Buti nalang walang bumuboto sa akin, ehh t'sak naman na hindi mananalo yung section ,pag ako. Wahaha! Buti nalang tal-
"Ma'am si Sandara po" rinig kong sabi ni Kylie.
Tumingin naman lahat sa akin ang klase
Luhh! May problema ba?
"Uyy, Kylie! Bakit sila naka tingin sa akin?" bulong ko kay Kylie.
"Aish. Mino- minate kita sa sasali sa Pageant"
"Ahhh" hindi ko ma gets?
Pero nang mag sink in sa akin yung sinabi ni Kylie. Bago pa ako magsalita, nagsalita na si Ma'am
"Okay. Si Aira at si Sandara ang pag pipiliin natin? Let's vote" sabi ni Ma'am tsaka sinulat yung name namin ni Aira sa black board
"Aira Valdemar'" hindi ko alam kung ilan ang nag vote kasi naka pikit ako.
Alam kong siya mananalo, mas maganda siya.
Waaaahhh. Itigil niyo na yan ma'am
"Sandara Kate Mendoza"
Hindi ko padin binubuksan yung mata ko.
"Okay. Si Sandara ang ipanlalaban natin sa section niyo. Piniliin naman natin ang lalaki" masayang sabi ni Ma'am
Hindi ko alam kong ano ba irereact ko!
Ako? As in. Minulat ko ang mata ko.
O_______O
Ang daming nag vote sa akin.
Aira- 05
Sandara- 68
Uwaaahhh. Ang Galing. Akala ko hindi nila ako bo-bote eh.
"Ma'am ako" sigaw ni.......tinignan ko kung sino yung nag salita..
"Are you sure?" Hindi maka paniwalang sabi nito.
"Tsk! Yes I'm sure. Okay!"
"Kumpleto na. Si Sandara at Nathan ang ipanlalaban natin sa Section nato. Okay yun lang. Class dismissed" sabi ni Ma'am at lumabas na.
UWAAAAAATHHHHH?!?!