CHAPTER 4:

119 2 0
                                    

NANG dahil sa pangyayaring iyon sa music club ay naging malapit na magkaibigan ang dalawa. Kapag vacant time nila ay kasama na nila si eric sa tambayan nila. Nakaagangan agad ng loob nya si eric gayun ang mga kaibigan nyang si grey at lesly. Pati sa mga rehearsals nila sumasama rin ito para makinig. Kung minsan napapansin ni eve na laging nakatitig sa kanya si eric na para bang may gustong sabihin pero binabaliwala nya nalang iniisip nya nalang na baka guni guni nya lang.

Madalas din syang tulungan nito sa mga subjects nya lalo na sa history kung saan hirap sya. Nakilala nya rin ito kahit papaano dahil minsan kapag dalawa lang sila ay madalas itong magkwento sa kanya tungkol sa pamilya at mga kaibigan.

Nang dahil kay eric hindi nya na rin masyadong napapansin na matagal na pala silang hindi nagkikita ni craig. Kung minsan namimiss nya si craig pero nawawala sa isip nya kapag nandyan na si eric. Mukhang nasasanay na sya na laging nasa tabi ang lalaki.

Hanggang sa isang araw nakatanggap ng masamang balita si eve tungkol sa boyfriend na si craig. Isa sa mga kaklase nya ang nakakita sa boyfriend nya at hindi nya nagustuhan ang kwento nito sa kanya. Kaya naman walang sabi sabing hinatak nya si eric at nagpahatid sa isang covered court na malapit sa university.

"Ano bang meron dun at bakit gusto mong pumunta dun?" Takang tanong ni eric. Dahil may dala pang baseball bat ang dalaga.

"Basta may kokompirmahin lang ako!" Sagot nya sa lalaki na walang emosyon.

Nang marating nila ang lugar nagulat si eve ng makita nya si craig na nakaupo sa motor nito habang may kahalikang babae. Nagulat pa sya ng makita kung sino ang kahalikan nitong babae.
Si Ate Marga yun! Ang girlfriend ni kuya mike. Natanga pa si eve saglit ng makita ang ginagawa nila. Ang isang kamay ng lalaki ay humihimas pa sa likod ni ate marga habang ang isang kamay nasa pisngi ng babae.
Hindi naman malaman ni eric kung anong gagawin dahil nagulat sya sa reaksyon Ni eve sa hindi nya malamang dahilan. Nagulat pa sya ng biglang makita ang galit sa mukha ng dalaga. Dali daling lumabas ito ng sasakyan nya dala dala ang baseball bat at dirediretso sa direksyon ng dalawang naghahalikan. Kaya nakakunot ang noong napalabas nya ng kotse pinanood ang mga susunod na ginawa nito.

"Mga walang hiya kayo!" Galit na sigaw ni eve. "Mga manloloko!"

Biglang napatayo ng tuwid ang dalawa na takot na takot na nakatingin kay eve. Nagulat sila ng biglang paghahampasin ni eve ang motor ni craig. Hanggang sa bumagsak ito sa pwesto nito.

"Eve wag yung motor ko!" Awat ni craig. Ngunit hindi nya napigilan ang dalaga dahil ambang ihahampas sa kanya ang baseball bat na dala nito kaya naman napalayo ang dalawa. Si marga naman ay iyak ng iyak.

"Sige lumapit ka sakin ng mabasag ko yang pagmumukha mo!" Anito kay craig. "Ikaw!" Baling nya kay marga. "Matapos ka naming pagkatiwalaan matapos kitang tanggapin sa buhay naming magkakapatid ganyan ang gagawin mo!" Galit na sigaw nya sa dalaga."bakit ha?.. maayus naman ang pagtrato namin sayo ah. Tapos malalaman ko na pinagpalit mo kami sa lalaking to!" Anito kay marga na itinutok pa kay craig ang baseball bat. "Tapos na tayo!.." anya naman kay craig. "Ayaw na kitang makikita sa bahay namin dahil kapag nagpunta ka pa sa amin babasagin ko yang mukha mo!" Sigaw nya naman kay marga.
Dalidali namang sumakay ng sasakyan ni eric si eve.

"Tara na!" Galit na sabi ni eve kay eric. Wala namang nagawa si eric kundi ang sumunod.
"Saan tayo pupunta?" Tanong nya sa dalaga.
"Diretso mo lang!"sagot nito sa kanya.

Umiiyak naman si eve sa loob ng sasakyan habang umaandar ito. Wala namang maisip na sabihin si eric sa kanya dahil kahit sya ay gulat pa rin.

"Niloko nya ako." Anito habang umiiyak. "Minahal ko naman sya pero ano ipagpapalit lang pala ako!.. kaya pala hindi na sya nagpapakita sakin.. at kaya rin pala hindi nagpapakita sa amin yung babaeng yun dahil gumagawa na pala ng milagro kasama ang ibang lalaki."

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon