SIXTY EIGHT

647 14 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

"Sheena!"

Blanko ang mukha niya habang papalapit sa amin. At sa oras na nakalapit siya ay mabilis niyang hinigit ang isa kong kamay upang hilahin palapit sa kaniya at itago sa kaniyang likod.

Tuwid naman siyang humarap sa lalaking aking kausap. Hawak niya pa rin ang isa kong kamay na hinigit niya, sinilip ko ang kaniyang mukha. Taas-noo, diritso niyang tinitignan sa mata si Hash. Sa mukha pa lang ni Kenzie ay kita mo na ang angas, ang pagiging possessive niya ay lumalabas.

"I know you," sambit ni Hash, animo'y wala lang sa kaniya ang pag-aangas ni Kenzie. Nakuha pa nga niya itong ngitian.

Tss. Territorial.

"I don't know you," diritso namang sagot ni Kenzie.

Nangunot naman ang noo ko sa kaniyang inasta. Kaya bahagya kong tinampal ang balikat niya.

"Ano ka ba. Kilala ko siya-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko sapagkat nilingon niya ako at pinutol ang sasabihin.

"Hindi ko nga siya kilala."

Literal akong napa-iling sa inaasta niya. Sinusungitan na naman ako ng lalaking ito. Ano na naman kaya ang dahilan ng pagsusungit niya except sa halatang nagseselos siya.

"I'm sorry for being rude," hinging paumanhin ni Hash. Si Kenzie nagsusungit na sa harap niya pero nakuha pa rin niyang maging malumanay. "I'm Hashim Vallega, by the way. I am one of Sam's close friend." He then offered his hand for handshake, smiling still.

Bagaman blanko pa rin ang mukha, tinanggap naman niya ang pakikipag shake hands ni Hash nang walang kahit anong salita. Ngunit parang nakipag apir lang siya kay Hash, talagang makikita mo na napipilitan lang siyang gawin iyon.

Napansin ko naman ang naging reaksyon ni Hash, bahagya siyang natawa at pasimpling napa-iling, napatingin pa siya sa kamay na in-offer kay Kenzie.

Sinusumpong na naman ang lalaking 'to.

"You must be Sheena's boyfriend? I'm glad to meet you," wala kang maririnig sa boses niya na tinatapatan niya ang sumpong ni Kenzie ngayon, malumanay lang siya.

"Anyway, maiwan ko muna kayo," pagpapaalam niya saka tumingin sa akin. "Sheena, I'm glad na nakita kita ulit. See you later."

Ngiti lang ang naging tugon ko sa kaniya. Nang kaming dalawa na lang ni Kenzie. Pinangunotan ko siya ng noo. I was about to open my mouth to say a word pero naunahan niya ako.

"I'm glad na nakita kita ulit?" pag-uulit niya sa sinabi ni Hash kanina bago umalis, may bahid ng sarkasmo ang kaniyang boses. "Sino 'yon?"

Inismiran ko siya. "Sinosumpong ka naman."

"Bakit ka lumabas ng hotel?"

"Bakit parang galit ka?

"Hindi ako galit."

"Okay. Sinusumpong!"

"I was looking for you! I told you wait for me inside the room. Hindi ka na naman nakinig. At tignan mo nga ang suot mo!" Tinuro pa niya ang suot ko, napatingin naman ako sa katawan ko. "Hindi mo na lang sana tinakpan ang lower mo."

Nagugulohan akong tinignan siya. "Ano bang masama sa suot ko?"

"Dammit! Sheena, ang daming lalaking nakakalat dito. Tapos mag-isa ka lang?" Tumataas na 'yong boses
niya.

"Kenzie, nasa resort tayo. Alangan namang magsuot ako ng full body rush guard?"

"Much better for me! Hindi ka lang mabastos."

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon