Chapter 36

57 4 0
                                    



"June?!" takhang tanong ng lima at palipat-lipat ang tingin kay June at sa babaeng kasama nito

"At sino ka naman? Paepal ka ah! Baka wrong story ka te?" pagtataray ni Riva at pumamewang pa. Tinakpan naman ni Jayden ang kanyang bibig 

"Naku naman, hindi ito ang tamang panahon para ipalabas mo yang katarayan mo. Mapahamak ka--- este tayo eh" umirap si Riva at pinulupot ang kamay ni Jayden

Bumaling siya sa babae na blangko ang tingin sakanya "Aphrodite. Hindi kita agad nakilala, ah? Ang laki ng pinagbago mo" kumunot ang noo sa mga ibang tao habang si Jayden ay napanganga habang nakahawak sa kamay niya 

Ngumiti ang babae na nakakakilabot "Long time no see, Riva" 

"Balita ko ikaw daw ang nagbigay kay Myrtle sa tunay nitong magulang, bakit?" singit ni Suzy na ngayon ay nanggagalaiti na sa galit

"Gusto ko lang makumpleto sila. Bago may mamamatay sa kanila. Did you enjoyed to the games I've made? Matagal din akong nagpaplano nito. Kailangan ko pang magpanggap na kakampi nila" 

Riva snickered "Baliw ka Aphro. Bakit mo kailangang gawin ito?!" 

""Gusto mong malaman?!" nagbago ang ekspesyon ng babae. Lumabas ang tinatagong demonyo nito kaya napasipol si Caleb at Jayden "Dahil sa ina nila! Pinatay niya ako, Riviana! Wala siyang awa. Siya ang tunay na demonyo at hindi ako!" may luhang kumawala sa mata ng babae habang tinuturo ang sarili

"At sa tingin mo hindi ka na nagiging demonyo ngayon? Aphro, dinamay mo ang mga anak niyang wala namang ginawa sayo. Kung gusto mong maghiganti ay dun ka kay Mrs.Faust. Wag sa anak niya. Alam mo ba kung bakit hindi mo siya kayang saktan? Dahil duwag ka!" 

Sinampal ng babae si Riviana "Bakit? Totoo naman diba? Duwag ka kaya ang anak niya ang binubunton mo ng iyong galit. Hindi ka makagalaw kay Mrs.Faust dahil alam mong matatalo ka sakanya. Alam mo ba kung bakit? Dahil isa kang mahina!" 

"Shut up!" agad nilabas ng babae ang baril at itinutok iyon kay Riva "Hindi ako mahina. Bawiin mo iyon" umiling lamang si Riva at kasabay nun ay nakabulagta na siya sa sahig habang hawak-hawak ang tagiliran 

"Riviana!" agad pumunta si Jayden sa dalagita at niyakap ito "Stay awake, Riva. Please" pagmamakaawa ng binata 

Tinignan ni Harisse si June na may nag-aalab na tingin "Kaano-ano mo siya June?" 

Bahagyang pumungay ang mata ni June pagkakita sa binata na palihim niyang minamahal "She's my mom, Harisse. I'm a Martinez. At malaki ang kasalanan ng mga Faust samin" sambit ng dalaga 

"Dahil ba ito sa bangayan niyo palagi sa school?" iritado niyang tanong sa babae 

"Hindi---"

"Then what?! Dahil sa dahilan ng mommy mo?! Anong kinalaman ni Mich dito?" halos sakalin na ni Harisse ang babae dahil sa matinding inis. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang madawit ng kanyang pinakamamahal sa isang kasalanang hindi naman niya nagawa

"I'm sorry, Harisse. I was just---"

Hindi na pinatapos ni Harisse ang dalaga ng tinutukan niya ito ng baril 

"I'm sorry. But I'm not gonna let you do that" ani ng dalaga at kasabay nun ang pagpasok ng mga armadong lalaki 

Binaril ni Harisse ang iba ngunit masyado talaga silang marami. Tumulong si Caleb, Suzy, Jayden at Riva kahit na mahapdi parin ang gilid niyang natamaan ng bala

She's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon