Date: March 13, 2015
Penname: EMPriel
1. Introduce/describe yourself…
- Ang tunay kong pangalan ay Emmanuel Marquez Priel. Nakatira ako sa Pasig at kasalukuyang gumagawa ng kung ano anong bagay. Oo, kung ano-ano talaga. Pero madalas iniiisip nilang seryoso akong mag-trip dahil ang mga ginagawa ko ay ang mga sumusunod, photography, videography, video editing, events organizing, talent handling at iba pa. Bukod sa pagsusulat ay ginagawa ko ang mga bagay na iyan lahat. Hindi ko maipagkakailang isa din akong aktibista, may ipinaglalaban at alam kong tama ang aking mga desisyon. Isang masayahin ngunit seryosong tao. Friendly, approachable kahit hindi halata at mabait. I-try nyo akong kaibiganin at hindi kayo mabibigo.
2. When did you start writing?
- Nagsimula ako noong highschool pa lang. Nagsulat ng isang essay na trip lang sa kadahilanang ayoko ng math. Isinulat kong lahat iyon at dahil naimpluwensyahan ni Bob Ong sa pagsusulat ay naihalintulad ng mga kaklase ko ang sulat na iyon sa mga akda ni Bob Ong.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Ang pen name ko obviously ay galing sa initials ng pangalan ko. Binuo ko lang yung apelyido. Para malakas lang maka J.K.Rowling ganun. Sa ngayon wala naman akong problema. Baka ikaw ang may problema.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Hindi ko inaasahan na mapupublish ang gawa ko. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagsusulat ng Philippines: Year 2300 noon ay marami na kaagad nagkainteres. Maging ang mismong Wattpad Ambassador for Asia ay nagkaroon din ng interes sa kuwentong iyon. Ipinangako niya na kapag natapos ko ang akda na aking isinusulat ay isasama niya ito sa featured story. Hindi nga nabigo ang kuwentong iyon at pagka-complete na pagka-complete pa lang ay agad itong isinama sa featured story ng wattpad. Tuwang-tuwa ako noon. Mas lalo akong natuwa nang makatanggap ako ng mga emails at messages mula sa iba’t-ibang publishing company. Noong una ay hindi muna ako pumili kung saan ko gusting makipagtrabaho. Nagresearch muna ako sa mga kompanyang iyon at nang makitaan kong maganda ang material at may potensiyal ang LIB ay saka ko pinili ang LIB bilang aking publisher.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Ang inspirasyon ko sa pagsusulat ng kuwentong iyon ay ang gobyerno, mga kahibangan ng taong katulad mo at ang kalagayan ng bansa at buong mundo. Ang inspirasyon ko naman para sumulat ngayon ay ang aking pamilya at ang Diyos na gumagabay at siyempre ang aking idolong si Bob Ong.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Minsan umiinom ako ng alak kapag wala talagang mapiga. Minsan naglalaro ng games kaso hindi maiwasang maadik. Minsan naman nakikihang-out kasama ang mga kaibigan at katropa na katulad ni Bob Ong.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Madalas akong sumagot sa mga tanong ng mga bashers ko pero madalas naman kasing walang sense ang mga sinasabi nila. Sorry sila. Basher din ako at marunong akong magtrashtalk. Tipong sila pa ang umuuwing luhaan. Nangyari na ‘yan sa akin ng ilang beses. Sa ngayon wala nang pumapalag dahil alam na nila kung ano ang kaya kong gawin. Kung may napadaan ay siguradong sasampolan ko din ang isang ‘yon. Ikaw baka gusto mong maranasan. Biro lang din.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Maging Film Director. Sa ngayon ay unti-unti na naman siyang nagkakatotoo. Ilang kembot na lang siguradong makakapagdirek na rin ako ng sarili kong pelikula.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Mga libro ni Bob Ong. ‘Yon talaga ang paborito ko. Minsan nga inisip ko n asana siya na lang ako pero masyado akong magaling para sa kanya. Masyado pala siyang magaling kesa sa akin. Yun pala yun.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
-Bob Ong, Lualhati Bautista, Jose Rizal. Yan. Sila lang talaga.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Sa mga bagay bagay na napapansin ko. Yung tipong obvious naman eh ang daming taong nagbubulag-bulagan. Ang gusto pa nila nababasa sa print ads o sa libro. Kahit sa hugot sa pag-ibig. Yan din. Minsan naman inexperience ko. Ok lang na masaktan ako. Ang akin lang ay maramdaman ko ang pakiramdam ng bida at ng iba pang mga karakter.
12. Titles of your published and to be published book…
- Philippines: Year2300, Philippines: Year 2302 Helena’s Downfall, Philippines: Year 2303 A Game of War. At marami pang iba…
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Well...haha. Natawa ako excuse me. Pero possible na talaga ‘nu? Sabagay malawak kasi ang range ng edad ng mga gumagamit ng wattpad. Ang masaklap pa eh minsan hindi natin naiaayon ang sulat natin sa genre at ratings nito. Dapat tayo ding mga writers mismo maging maingat sa mga sinusulat natin. Sa mga babasa naman eh nasa kanila na ang sagot kung magpapaapekto sila. Trust me, iba ang mundo ng wattpad at realidad. Salamin lang ang lahat ng nakasulat sa literature pero ang salamin, minsan nagbibigay ng maling persepsyon.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Marami akong gusting i-try isulat. Pero naisulat ko na din ang sci-fi kung saan ako mas nakilala. Siguro gusto ko namang itry ang comedy. Nakagawa na din kasi ako ng horror na ginawa naming indie film noong college. Nakagawa na din ako ng love story at tragedy at drama. Siguro yung comedy na lang talaga. Lalo na yung pending kong comedy. Hindi ko maisulat-sulat.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Sa mga gusting magsulat. Sulat lang. Gusto mong maging writer diba? Sulat lang. May writer bang puro kain tulog gala lang? Malamang sa malamag hindi sila tatawaging writer kung hindi sila nagsusulat kaya ang payo ko…magsulat. At hindi lang basta magsulat, dapat may sense din.
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
AcakKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^