I don't understand why this is happening to me. Kung sa ibang bagay makakaya ko pang harapin kahit gaano pa ka hirap, pero sa gantong pangyayari parang gusto ko na lang sumuko at umiyak lang ng umiyak.
Napapaisip na lang ako palagi kung tama ba yung naging desisyon ko sa huli. Kung makakabuti ba talaga yun sa akin lalong lalo na sa kanya. Bakit kasi kailangan pang may masaktan sa aming dalawa, hindi ba pwedeng palagi na lang masaya?... Pero kahit anong isip ko imposible ito dahil may masasaktan at masasaktan talaga pwede yung kasama niya o siya o silang dalawa.
Dahil sa pagmamahal hindi ito palaging masaya lang o perpekto, mararanasan din dito yung sakit, lungkot, at pighati mapa pamilya man kaibigan o karelasyon. Ito yung pagsubok na kailangan harapin, lutasan, at tanggapin natin.
Pero bakit nga ba hindi ko kinaya ang lahat ng yan? Sinubukan ko namang kayanin, tanggapin, at kalimutan na lang ang lahat...pero hindi e ang sakit sakit talaga.
"Besh..."
Lalong lalo na yung taong mahal mo ay harap harapang niloloko ka at parang wala lang yun sa kanya kahit aware naman siya na nandoon ka sa harapan nila...
"Beshy.."
Kahit na isang taon na yung lumipas hindi parin ito nawawala sa isip ko lalo na sa puso ko, mahal ko e..ano ba dapat mararamdaman ko dun..kahit ngayon pinipiga parin yung puso ko tuwing naaalala ko yung pangyayari...
"Hoyyy Beshyy!!!"
Nabalik ako bigla sa aking sarili dahil sa gulat ko sa sigaw nang kaibigan ko na kanina pa pala ako tinatawag at nakatingin na sa akin ng masama na akala mo papatayin niya ako sa titig niya...
"Huh?" Sagot ko
"Huh?! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo tapos isasagot mo lang sakin huh?!! na Daenerys Mackenzie?!"...
Ayan na galit na siya sinabi ba naman yung full name ko...ganyan talaga si Kayliegh pag galit o naiirita na siya.
"Sorry...ano ba kasi yun?"medyo irita kung saad... Nag eemo pa nga ako dito e epal naman itong isa.
Tinignan niya ulit ako nang masama.tumahimik na lang ako baka kasi kakainin ako nito nang buhay, medyo highblood kasi tong babaeng to.
"Ano ba kasi yang iniisip mo at hindi mo ako kayang pakinggan o lingunin man lang? Sumagot ka kung hindi papakain kita sa alaga kong buwaya..."pananakot niya sa akin.
Medyo na takot naman ako sa sinabi niya dahil meron talaga silang alagang buwaya.sa papa niya yun hindi ko nga alam sa daming pwedeng maging alaga yung buwaya pa talaga..saludo na talaga ako kay tito Keith napapaisip nga ako kung ano ba ang pumasok sa utak ni tito at nag alaga nang buwaya, haysss Daenerys bakit mo ba pinoproblema yan...
"Ahhh iniisip ko lang kung nakakain na ba si mochi.." parang timang na sagot ko..hindi naman naniwala yung kaibigan ko at tinaasan pa ako nang kilay na parang sinasabi kung nababaliw na ba ako...ano ba naman kasing klaseng sagot yun Daenerys e alam naman nang kaibigan mo na hindi nakakalimutang pakainin yung aso mo, ang bobo mo talaga...
"At sa tingin mo maniniwala ako diyan?hindi ako tanga beshy na isiping kaya ka hindi sumasagot o lumilingon sa akin ay dahil iniisip mo kung napakain na ba yung aso mo e hindi yon nalilipasan ng gutom"sabi pa niya
Ang bobo naman kasi nang sagot mo haysss...
"Ohhh ano na? hindi mo pa sasabihin?"mapilit talaga tong stick na to e ...tinatawag ko siyang stick kasi ang payat niya i mean masyado siyang skinny ewan ko ba dito sa kaibigan ko kung kumakain paba to...
"Atat na atat?"sabi ko sa kaniya pero sinamaan niya alng ako ng tingin..sungit talaga nito..
"Oo na eto na atat ka masyado e...pero wait lang bago ko sasabihin sayo wag kang magagalit haa"...paninigurado ko si Kayliegh kasi kapag tungkol ito sa ex ko nagagalit siya ka agad alam kasi nito ang ginawa ng ex ko noon sa akin kaya pumuputok yung butchi niya...
YOU ARE READING
Falling To You
Teen FictionDahil sa nangyari kay Daenerys sa kaniyang ex ay grabe yung sakit na dinaranas niya lalong lalo na kung yung mahal mo ay harap harapan kang niloloko. Kaya nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki dahil para sa kaniya mga manloloko ito, kaya hindi na...