"Sean!" the little girl shouted as she waves her hand.
"What do you need?" I answered in an irritated voice.
"Wag mo kong ma-english eglish! Alam mo namang dyan ako mahina." -girl
"Ano ba kasing kelangan mo?!"
"Ang sunget mo naman! Sasabihin ko lang naman na may pera na ako. Hahaha!" tuwang tuwa niyang sagot habang tumatalon pa.
"Tapos? Anong gagawin ko?" I asked in a bored tone.
"Tsk.o2! Manlilibre ako. Tara na! Bilis! Saan mo ba gustong kumain?"
"Busog ako."
"Dali na! Minsan lang ako manlibre."
Tinitigan ko lang sya ng matagal.
"Oo na! Alam ko na." she said with a wide smile.
Ano bang pinagsasabi nito?
"Pinagsasabi mo?" -me
"Alam kong maganda ako! Kaya di mo na ako kelangang titigan. Tara! Gora na tayo!"
Napatawa nalang ako sa sinabi nya. Tsss. Confident talaga siyang maganda sya ahh ? XD
---------
Andito ako ngayon sa bahay. Nanonood ng tv nang biglang umeksena ang babaeng pinakahuling taong gugustuhin kong makita sa panahon ngayon.
"Seannnn~ Yuhoooo~ Andyan ka ba? Open the door! Naks! English yun. Galing ko noh?!"
She said while knocking. I just ignore her knocks at patuloy lang sa panonood.
"Seannnn! Lumabas ka dyan! Napapaligiran ka na namin! Sumuko ka na!" then I heard a loud knocks.
The heck! May plano ba siyang sirain ang pintuan ng bahay ko?!
No choice. Binuksan ko na ang pintuan at sumalubong sa akin ang boses niyang parang nakalunok ng 5 microphone.
"Sean!!! I need your help! Ohh, wag ka. English nanaman yan. Bwahehe!"
Childish right? Di ko nga alam kung paano ko naging bestfriend to ei. :3
"What now?"
"PATULONG AKO!! Please????"
"Patulong saan? Wag mong sabihing magpapatulong kang manligaw?" gulat na tanong ko.
"Shokla! O.A ka ahh ? Di ako manliligaw noh! Sa ganda kong to? Ako dapat ang nililigawan. BWAHAHAHA!"
"Ano NANAMAN ba kasi ang kelangan mo?"
Yes. NANAMAN. Pang-apat na beses niya ng pumunta dito sa bahay.
First, para gisingin ako kasi baka daw tanghaliin nanaman ako ng gising.
Second, para ipaalala na magluto ako kasi baka di daw ako kumain ng lunch.
Third, para makikain. Psh! Kaya niya pala ako pinapagluto para makikikain siya kasi wala daw ung mama nya nasa trabaho. Tinatamad din naman daw syang magluto. Irritating! Akala ko kasi concern lang sya sa akin. Well, maraming namamatay sa maling akala.
"Papatulong ako sa assignment sa English. Nasagutan mo na ba? Pakopya nman ohh ?!"
I glared at her.
"Please? Parang di nman tayo mag bespren nyan!" she added.
Hinagis ko sa kanya ung notes ko, bigla naman siyang ngumiti at niyakap ako.