Kabanata 31

4.6K 98 1
                                    

Kabanata 31

Each other's arm

Nakakainis pero sino ba ko para magtampo? Uh! Naextend lang naman ng isang linggo si Xander doon. Miss ko na siya sa totoo lang. Tapos nakakainis! Hindi man lang siya tumawag! Si Xavier lang nagsabi sakin na maeextend daw siya. Ayaw niya ko kausapin? Then fine! Di ko rin siya kakausapin pagbalik niya dito.

Pagkatapos nung sa bar, pumunta dito si Vaughnn. Nagulat ako nung nasa baba siya. Pulang pula ang mata. Narinig ko pa silang nagaaway nung gabing iyon. Nasa kwarto lang ako pero syempre ginagabayan ko sila. Walang ginawa si Natalie kundi itaboy si Vaughnn. Kung ako rin naman yon ganun din gagawin ko. Oo may kasalanan ako pero pinahirapan niya ko ng sobra sobra. Kung baga, napakahirap magpatawad ng agad agaran. Bigyan mo muna ng time na maghilom yung sugat na naidulot ng isa't isa.

Gabi gabi, iyak ng iyak sakin si Natalie nung nangyari yung gabing umalis si Vaughnn. Para daw siyang pinapatay sa mga sariling salita niyang binitawan. Tulad ng sabi ko sa kanya, nasasaktan siya kasi may parte siya na nakay Vaughnn. It was like hitting yourself. She asked me what to do. I said, they love each other, yes, but give each other time to heal but not too long. Kasi alam naman nila parehas na sasaya sila sa piling ng isa't isa.

Sabi naman ni Natalie, gusto niya munang ibalik ang dating Vaughnn. Yung Vaughnn na minahal niya.

"Mitch, pumunta pala si Vaughnn sa unit mo?"

"Ah oo. Ayun, nagsosorry kay Natalie."

"Alam mo, di ko rin naimagine yon. Na nagkacancer pala si Natalie. She was so strong before! Even now. Walang sign na nagkacancer siya."

"Kaya nga siya nagpagaling eh. But that's a miracle. Oh sige na, uuwi na ko." Sabi ko habang nililigpit yung mga gamit ko.

"Want me to drive you home?"

"Wag na. Kaya ko na 'to." I smiled and went out. Napakagentle talaga nun.

Pasakay na sana ako ng taxi nung may humablot sakin.

"Can we talk?" Nagulat ako pero tumango ako.

Sumunod ako sa kanya. Pumunta kami sa restaurant.

"Order anything you want."

"Wag na. Busog ako eh." Bumuntong hinga siya. Nagorder siya sa waiter tapos tumukod sa mesa.

"Hindi na ko magpapaligoy-ligoy. Elle please help me. I want her back. I still love her. Nabulag lang ako ng galit. I know, I know malaki ang kasalanan ko sa kanya. Gusto kong makabawi." Ngumiti ako. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya.

"That's what I want too. Pero Vaughnn, seriously speaking, hindi maganda yung nagawa mo sa kanya. Pinahirapan mo siya ng sobra. Ikaw kaya ang hindi matulog at magstay sa opisina hanggang 3 ng madaling araw at kailangan mong pumasok ng 8?"

"Ano?"

"Diba? You told her to finish the task. Patong patong iyon. Hanggang 3 siya ng umaga sa opisina." Parang di siya makapaniwala.

"I never told her to stay late! Yes I asked her to finish the task but I didn't told her to stay late! She can take it home! Fvck! Damn!" Inihilamos niya ang kamay niya sa mukha niya. Mukha siyang frustrated.

"Vaughnn, she's hurt. Maybe give each other time to heal. And hirap magpatawad agad pagkatapos ng nangyare. I know maraming masasakit na salita ang nabitawan niyo sa isa't isa. Pero I know, someday maaayos niyo rin yan. When I know it's already okay, don't worry, I'll help you."

"Thank you Elle. I don't know kung ano nang mangyayare kung wala ka."

"Gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana kung kayo talaga." Ngumiti ako.

Lumipas ang mga araw, madalas ko pa ring nakakausap si Vaughnn. Lagi niyang kinakamusta si Natalie. I can really see na mahal niya si Natalie. But I can't blame Natalie. She's hurt. Ako kaya? Would it be the same kung... kung...wala, ayoko na lang isipin. There is no point on dwelling in the past.

"Natalie, how are you?" Tanong ko nung makahiga na ko para matulog.

"Hmm, ok naman."

"Paanong ok? Ok na walang problema or ok na sige na lang, kakayanin ko kasi nandito na?"

"Okay in a sense na, ewan ko. Di ko alam."

"Mahal mo pa ba si Vaughnn?" Napatigil siya bigla at tumingin sakin. She gave me a weak smile.

"Oo. Hindi naman nawala eh."

Ngumiti ako. I texted Vaughnn.

Hey, be ready for your efforts. Let's start this.

Maya maya lang ay naramdaman ko nang nagreply siya.

What? What am I going to do?

Napaface palm ako. Seryoso ba siya?

Sinong lalaki satin? You should know what to do.

Sana maayos nila to. Mission: Make them fall in to each other's arm again.

I'm Dating The President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon