Chapter 19
BMM
••••••••••••••••••••••••••••••••
Sa Sabado pa ang photoshoot ko. Ilang araw pa. Sa ngayon ay busy ako sa pag-aaral. Minsan nakakasama ko rin sila Reinee. Kahit laman ako ng bulung-bulungan sa campus kung bakit kami magkasama. Pero sabi nila Reinee ay hayaan ko lang raw ito. Ipagtatanggol nila ako kahit anung mangyari. Hayy ang saya lang na may kaibigan kang nariyan lagi.
Si Tanya naman ay minsan nagkukwento rin tungkol sa relasyon nila ni Flint. Oo sila na. Formal na ang relasyon nila. Nakakainggit naman. Ako? Eto nganga pa rin. Hindi pa rin nagpapakita sakin si Kevin, o kahit text o tawag man lang. Hindi ko naman maatim na magtanong kay Karen dahil baka anu pang magawa ko pag bumanat sya. Hinayaan ko nalang. Magpapakita rin iyon sakin, at pag dumating yung araw na iyon ay kokomprontahin ko sya sa sinabi ng kapatid nito.
Ang NZ ay madalang ko ring makita, siguro ay dahil sa busy din sila sa kani-kanilang pagaaral. Nag-aaral nga ba talaga? Ang sabi ni Reinee ay madalang lang naman daw sila pumasok dito sa school, madalas ay home study sila. Si David lang laging nasa school dahil maaral talaga daw ito. Si Travis at Jarred ay laging nakatambay kung saan maraming chicks particular sa mga bar. Si Flint ay busy kay eheemmm kanino pa ba? Edi kay Tanya. At si Brayden......... Nasan nga ba siya?
"Rein, si Bray?" tanong ko nang naglunch kami sa LA Department cafe.
"Ang alam ko out-of-town nanaman? Pero babalik daw sya bukas sabi ni David. Andami kasing business na inaasikaso yon eh. Mga business-chains nila. Business-minded talaga un." aniya.
Tumango lang ako. Ganyan talaga ang mayayaman, pulos business. business.. business...
Friday ngayon at ibig sabihin non ay...... photoshoot na bukas! Owowowow! Napapaheadbang ako nang makauwi na ako sa apartment. Napapasayaw pa ako dahil pera nanaman ang makukuha ko bukas. Maaga akong natulog. Napasarap ata ang tulog ko dahil mga alas 9 na ng umaga noong magising ako.
"Ahhh-hmmmm." unat ko ng kamay ko. Pagdilat ko ng mata ay........
WTF! Nakaupo si Kevin sa upuan ko sa may table. Nakatingin pa saakin.
"Ba-bakit ka nandito?" sabi ko. Biglang kumunot ang noo ko. Mag-iisang linggo na mula nung nangyari samin dito sa kwarto ko.
"Bakit? Boyfriend moko. Bawal na ba ako ngayon dito?" aniya. Seryoso ang mukha.
Langya! Boyfriend? Tapos anong tawag mo sakin? Kabit?
"I-I mean bakit ngayon ka lang nagpakita?" inayos ko na ang buhok ko. Tinali ko ito at inayos ang sarili.
"Sorry babe. I needed space kaya hindi muna ko nagpakita sayo. Anu yung nalaman ko kay Karen na may naghatid raw saiyo nung nakaraang araw?" tanong nya.
Aba! Sisiraan pa ata ako ni Karen ah.
"Oo, kaibigan ko lang yon. Galing kasi kami sa Bohol. Dinaan lang nya ako rito" sabi ko. Bahala ka! Wala kong paki kung magalit ka.
"Bohol Marionne? Nakaya mong pumunta dun ng hindi nagpapaalam sakin?" galit nyang untas.
Kumunot ang noo ko. Kevin, you got into my nerves! Arg!
"Why? Ikaw nga hindi nagpakita sakin ni text o tawag wala?" pagtataray ko. "Baka ikaw ang may masamang ginagawa? Nasan ka ng isang linggo? Nakay L-lyra?" napalunok pa ako sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤