Why would I say to her?

1K 69 18
                                    


Why would I say to her?

Why would I say to her na gusto ko yung mga magaganda niyang mata?

Why would I say to her na nakakahawa ang mga ngiti niya?

Why would I say to her na gusto kong suklayan ang buhok niyang sobrang haba?

Why would I say to her na gusto ko yung labi niyang mapupula?

Why would I say to her na gusto ko siya?

Why would I say to her na nabubuo ang araw ko pag nandiyan siya?

Why would I say to her  na gusto ko siya ang lagi kong nakikita?

Why would I say to her na mahal ko siya?

Dahil ba karapatan niyang malaman? O karapatan kong ipaalam?

Dahil ba gusto kong malaman ang sagot niya? O dahil ako'y umaasa?

Maraming beses na binalak aminin ngunit maraming beses ding pinigil.

Bakit? Kailangan ba talagang sabihin?

Para sa akin, hindi eh.

Minsan naiisip ko, bakit ko pa sasabihin kung alam ko namang walang mangyayari?

Bakit ko pa sasabihin kung alam ko na hindi ako ang bumubuo ng araw niya?

Bakit ko pa sasabihin kung alam ko na hindi ako parte ng dahilan ng pagngiti niya?

Bakit ko pa sasabihin kung alam ko na hindi ako yung gusto niya?

Bakit ko pa sasabihin kung alam ko na hindi ako yung tinitibok ng puso niya?

Bakit ko pa sasabihin kung alam ko na hindi ako ang mahal niya?

Siguro ganito nalang talaga, hanggang tingin nalang.

Kahit gustong gusto ko ng lapitan at sabihan ng..

"Oy, babae mahal kita alam mo? Bakit ba kasi ganyan ka? Sa susunod wag ka ngang magpakita sa akin. Minsan nakakainis na kasi eh. Pag nakita lang kita, ayaw ng gumana ng mga mata ko. Sira ba ito o ano? Ikaw nalang kasi ang palaging tinititigan nito na para bang walang ibang tao. Wag mo rin akong kausapin, nabubwisit ako. Akalain mo yun, pati bibig ko ayaw na ring gumana?  Nabubulol to babae kundi ayaw talagang magsalita nito, at dahil yun sayo. Wag na wag kang ngingiti! Mas lalo akong nabubwisit! Kahit alam kong di yun para sa akin nasisira pa rin ang sistema ko sayo, hindi narin gumagana. Hindi ko makontrol ang mga labi ko, bakit ganun? Napapangiti na rin akong mag isa dahil sa iyo? Ang laki ng damage mo no? Eto pa, lumayo ka sa akin! Kahit isang metro palang ang layo mo sa akin, hindi na normal ang puso ko. Bakit? Nagkakasakit na talaga ako ng dahil sayo. Bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang may banda sa loob at ang drummer pinagpukpok ng napakalakas ang puso ko. Hindi na talaga to normal. Malala na talaga to. Wag mo rin akong titigan please. Alam kong minsan lang to mangyari pero sa minsan na yan, ang laki ng epekto niyan! Talagang sinira mo na ang takbo ng sistema ko. Tumitigil ang mundo ko. Wala akong ibang maisip kung di ikaw. Na bobo  na rin ba ang utak ko?  Bakit ikaw nalang ang laman? Bakit hindi na to gumagana at ayaw ng makaisip ng ibang bagay at hinahayaan niyang itigil ang oras at mundo? Baliw na ba ako? Siguro oo. At lahat ng ito ay dahil sayo babae. Pota! Ang bakla! Pero nasimulan ko na kaya tatapusin ko na. Bakit kita sinisisi eh wala ka namang alam sa nararamdaman ko diba? Di mo naman kasalanan pero bakit di ko mapigilang isipin na kasalanan mo dahil hinayaan mo akong mahulog ng walang ginagawa? Nakakalito diba? Nabobo na kasi ako. Kahit alam kong iba iyang laman ng puso mo, hinayaan ko pa ring mahulog sayo. Wala eh. Bumitaw ako sa kinakapitan ko. Hinayaan ko. Hinayaan kong tangayin ako. Gago ko talaga. Ngayon alam mo na?"

Pero hindi eh.

Di talaga pwede.

Kahit sabihin ko pa yan, wala siyang pakialam.

Bakit pa siya magsasayang ng oras sa akin diba? Sino ba ako? Wala lang sa kanya.

Diba may kasabihan na "May mga bagay kasing kahit anong pilit mo, hindi talaga pwede."

Pero iba tong sa akin, "May mga bagay talagang hindi pwede kaya hindi pinipilit."

Sabi rin nila, mabuti na yung nasabi mo sa kanya kahit alam mong wala kang pag-asa atleast alam niya at hindi ka nagluluksa dahil nanghihinayang kang di mo sinabi sa kanya.

Pero hindi talaga eh. Sa tingin niyo ba, hindi masakit pagsinabi mo pero alam mong walang pag-asa? Masakit pa rin diba? Naibsan ba? Hindi diba? Walangya. Mas sinampal mo lang sa iyong mukha ang katotohanan na di talaga pwede. Na walang pag asa. Mabuti na yung di mo sinabi, di ka pa napahiya, di mo pa nasampal ang sarili mo.

Minsan naiisip ko rin ng ganito.

Pero kung sasabihin ko nga, may mangyayari ba? Wala diba? Epal lang ako. Magugulo lang sila. Lalabas lang akong walang hiya. Masasaktan ko pa sarili ko. I have these doubts. Pag kayo ba sa posisyon ko, wala ba?

Ngayon, tama lang ang desisyon ko.

Ngayon alam niyo na.

Ngayon, sa tingin niyo..

Why would I say to her?

××××××××××××

A/N: Tinry kong maging ganito ang concept. Hahaha. Sorry di talaga ako marunong langya. HAHAHAHAHHAA. Pfft. Ayan jeje tuloy, sensya na. Sorry sa typos at sa pagiging oa dyan hahaha. Ieedit ko nalang sa susunod. Lalo na yung spacing.  Nakakahilo diba? Hahahahaha.

Why would I say to her?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon