UL - Chapter 14

25 0 0
                                    

Naging pala-isipan sa akin ang pagtanggi ni Anie sa halik ko pero kinalimutan ko na lang iyon para di makasira sa relasyon naming dalawa. Ayoko ding masira ang tiwala namin dahil alam ko mahirap na ibalik yun kapag nasira na.

Malapit na din ang semestral break nila Anie sa taong ito at balak daw niyang magbakasyon sa Batangas kasama ang pamilya niya. Si Tita, nauna nang bumalik sa Batangas kasama ang bunsong kapatid ni Anie.

"Hijo, kaw na muna bahala kay Anie ha? Ingatan mo siya", mensahe sa akin ng mama ni Anie. Sobrang nakakaproud lang na pinagkatiwalaan nila ako sa kanilang anak.

"Opo Tita, asahan niyo po yan. Hinding hindi ko po papabayaan si Anie, Tita".

Bago umalis si Anie ay nagkasama muna kami ng magdamag. Pinahiram sa akin ang motorsiklo ng kuya ko. Namasiyal lang kami ni Anie sa amin pagkatapos sa kanila. Habang nasa chowking kami ni Anie, nag-uusap. Nakapag-order na din kami ng Chinese Style Fried Chicken nila.

"Excuse me Sir, can you wait 10 minutes to your order?", tanong sa akin ng isang Crew nila habang nag-uusap kami ni Anie.

"Sure", gustong gusto ko naman yun para matagalan pa kaming magkasama ni Anie. Maya-maya lumapit na naman ang isang Crew nila.

"Sir, 5 more minutes please?", ngumiti na lang ako at tumango.

"Ang tagal naman", pagkasabi ko pagkaalis ng crew nila. Habang patuloy lang kaming nag-uusap ni Anie. Ayoko lang pag-usapan ang pag-alis niya dahil mamimiss ko siya. Matagal na kasi para sa akin ang dalawang linggong hindi siya makita.

Pagkatapos naming kumain, dumeretso na agad kami sa bahay nila. Pagdating namin dun, hindi ko muna siya pinapasok. Nag-usap muna kami sa labas.

"Hindi na ba talaga kita mapipigilang huwag umalis mhine?", nalulungkot kong tanong kay Anie habang nakawahawak ako sa kamay niya.

"Hindi na mhine, tyaka ilang linggo lang naman ako dun. Remember, mag-aaral pa ako next sem?", nalulungkot padin ako kahit na ilang linggo lang. Kung tutuusin, mahigit dalawang linggo lang yun.

"Pero hindi naman kita kasama sa birthday ko"

"Bawi na lang ako mhine",

"Sige na mhine, uwi ka na. Gabi na oh! Malayo pa babyahiin mo".

"Sige na nga", nakanguso kong sagot sa kanya. Binuka ko na ang aking mga kamay at alam naman na niyang ibig kong sabihin. Ang yakapin siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit na parang ayoko siyang umalis at parang ang tagal niyang mawawala sa akin.

"Oh sige na mhine. I love you", sabay haplos niya ang ilong ko.

"Sige na nga. I love you more", pinisil ko ang ilong niya at tumawa ako ng mahina. Pinaandar ko na rin ang motorsiklo para makaalis na din pero di ko magawang i-accelerate to.

"Sige na mhine. Ingat ka ha", pagkarinig ko sa kanya at umalis na din ako.

"I'm home mhine. Thanks for this day and I'm sorry sa inasal ko kanina. Mamimiss lang naman kita mhinecoh", mensahe ko sa kanya pagkauwi ko.

"Thanks din mhinecoh sa araw na to. Ayos lang yun mhine. Mamimiss din naman kita eh".

Ikatlong araw palang ni Anie sa Batangas pero pakiramdam ko miss na miss ko na siya. Gustong gusto ko na siyang makasama ulit.

"Mhine, may free time ka ba? Chat tayo sa YM". text ko sa kanya dahil miss na miss ko na talaga siya.

"Wala akong YM mhine"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon