Dear Blake,
Tanda mo pa ba nung una kitang nakilala? Field trip kasi natin nun, eh sa gubat tayo nagfield trip. Naglalakad lakad akong mag isa nun ng makasalubong ko ang grupo nila Rex, sila yung grupo na madalas mang trip sakin.
Wala kase ako palaging kasama. Si Mariel sana kaso may sakit siya kaya hindi siya nakasama sa field trip. Hinawakan nila ang dalawang kamay ko at sapilitang tinanggal ang sapatos ko, pagkatapos isinabit ito sa sanga ng puno.
Sabi ko sakanila na ibigay na saakin ang sapatos ko pero ayaw padin nila. Nagulat nalang ako bigla ng may pares ng kamay ang sumulpot at inabot ang sapatos ko na naksabit sa sanga. Ikaw pala yun Blake, schoolmate kita at taga Section A ka. Pinaupo mo ako at sinuot mo saakin ang sapatos ko tapos umalis ka na. Nabadtrip sila Rex kaya iniwan nalang ako dun.
Pagkatapos ng araw na iyon, nagpatulong ako kay Mariel, si Mariel ay bestfriend ko, nagpatulong ako sakanya na malaman ang lahat lahat tungkol sayo.
Blake Dizon, 16 years old. Favorite color ay color blue. Favorite cartoon character ay si Cookie Monster.
Lahat ng favorite mo alam ko, maging song or band man yan alam ko yan.
Name ng mother mo ay Beatrice, name naman ng father mo ay Aeron. May dalawa kang kapatid na sina Aeda at Bea. Ikaw ang pangalawa sainyong magkakapatid.
Naging crush kita at habang patagal ng patagal nahuhulog na ako sayo. Sinabi ko ito sa kaibigan kong si Mariel at ang sabi niya saakin "Wag kang mahulog, mahalin mo kung mamahalin mo pero wag kang mahuhulog dahil lahat ng mga nahuhulog nasisira."
Simula ng sinabi niya saakin ang mga katagang iyon inamin ko sa sarili ko na mahal na kita. Hindi ako nahulog kase kapag nahulog ako walang sasalo sakin.
Nag iiwan ako sa locker mo ng mga poems, or mga stanza ng kanta na linalagyan ko ng design. Nung valentines naman nagiwan ako ng isang box na may cookie monster na stufftoy sa loob tapos may marshmallow na heartshape. Nag iwan lang ako dun ng card na may greeting na " Happy Valentines" tapos sa baba niya eh may nakalagay na Secret Admirer.
Gumagawa din ako ng mga sarili kong tula at iniiwan iyon sa locker mo.
" I look at you from afar,
And I wonder when,
When will I hold you in my arms,
When will I call you mine?"
Isa yang stanza na yan na ginawa ko at iniwan sa locker mo. Palagi lang akong nakatanaw sayo sa malayo.
Wala akong lakas ng loob na lapitan ka. Hindi man lang ako nakapag pasalmat dahil sa ginawa mong tulong noong nasa gubat tayo.
___
Secret Admirer's POV
Isang araw, mag iiwan ulit sana ako ng sulat sa locker mo ng may makita akong papel na nakadikit sa locker mo. Agad ko iyong kinuha at tiningnan. Tingin sa kanan tingin sa kaliwa. Tingin sa likod tingin sa taas. Siempre kailangan kong makasiguro na wala ng tao noh. Nang mapagtanto ko na wala ng tao binasa ko agad ang sulat.
"Hi! Secret Admirer, I want to meet you. Pwede ka bang magpakilala?
- Blake"
Ayan ang nakasulat sa papel. Iniipit ko muna ang sulat ko sa locker ni Blake bago kumuha ng panibagong papel at isinulat doon ang sagot ko tapos siaka ito sunod na inipit sa locker ni Blake. Agad agad akong umalis dun at nag tungo na sa classroom dahil baka malate na ako
Blake's POV
Palaging may nag iiwan ng mga sulat sa may locker ko. Gusto kong makilala kung sino ang nag iiwan ng sulat kaya naman nag iwan ako ng message na kung pwede eh makipagkita saakin ang "secret admirer" ko.
Habang naglalakad may nakabunggo akong isang babae. Agad siyang yumuko at tumakbo na paalis. Familiar ang muka niya hindi ko lang matandaan kung saan ko siya unang nakita.
Magtutuloy na sana ako sa paglalakad ko ng mapansin ko na may naiwan yung babaeng nabunggo ko. Isang bracelet na may S.A na nakaukit. Teka, S.A?
Hindi naman siguro. Napailing nalang ako sa naisip ko. Dumaan muna ako sa locker ko at nakita ko may panibago na namang nakasuksok doon. Binasa ko muna ang letter ng secret admirer ko at siaka tiningnan ang reply niya sa tanong ko na kung pwede ba siyang makipag kita.
" Sige, bukas, sa park malapit sa school, yung pinakaunang bench na makikita mo andun ako maghihintay. Pagkatapos ng klase."
Agad naman akong napangiti kasi sa wakas makikilala ko na kung sino ang secret admirer ko. Kahit na sa sulat ko palang siya nakilala magaan na ang loob ko sakanya, para siyang si Secrecy. Si Secrecy ay yung babaeng tinulungan ko noon dahil napagtripan na naman siya ng grupo nila Rex. Matagal ko ng kilala si Secrecy at matagal nadin akong may lihim na pagtingin sakanya. Kababata ko si Secrecy, hindi ko nga alam kung bakit hindi niya ako maalala eh. Ayoko pa munang lumapit sakanya kase nahihiya ako. Malay ko nga ba kung bakit ako nahihiya eh.
Kinabukasan, pagkatapos ng klase namin agad agad akong nagtungo sa park na malapit sa school. Wala pa siya doon, siguro natagalan pa silang palabasin ng teacher nila. Habang wala pa siya magkwekwento muna ako ng tungkol kay Secrecy.
7 years old ako ng makilala ko si Secrecy. Magka business partners kase ang mga magulang namin kaya minsan nakakasama ko si Secrecy at naglalaro kami palagi. Nahiwalay lang ako sakanya kase nag migrate kami sa US para samahan si papa. Pero ngayon bumalik na ulit ako para makita ulet si Secrecy kase miss na miss ko na siya.
11 ako ng bumalik ako dito sa pinas kasama ang yaya ko. Sabi ko kasi gusto kong mag-aral sa Pinas, mabuti nalang at pumayag sila mama, anjan naman daw si yaya para alagaan ako. Naging stalker ako ni Secrecy, naiinis nga ako sa sarili ko kase hindi ko man lang siya natutulungan tuwing nabubully siya kase biglang dadating ang barkada ko at agad mag aaya sa kung saan.
Magaan ang loob ko sa secret admirer ko sa hindi ko alam na dahilan. Basta komportable ako sakanya kahit hindi ko pa siya nakikita.
"Blake"
napatingin agad ako sa likod dahi may nagsalita na nang galing dun
S-siya? Siya ang secret admirer ko?
"Secrecy Ethany Adia Mirerso"
"Ako nga pala Secret Admirer mo. Hi"