Thirty-one

702 21 1
                                    

Thirty-one

NAGTATAKA KONG PINANOOD si France na dere-deretsong lumakad palabas ng mansion. What's going on? Ano ang pinag-usapan nito at ni kuya?

"France!" tawag ko sa lalaki.

"Papaaaa!" sigaw ni Hiraya. Ngunit tuluyan nang lumabas si France. Mabilis akong sumunod dito. Pero sinenyasan ko ang Yaya na bantayan muna ang mga bata.

"Franceeee! Sandali!" habol ko rito. Nakita ko ang takot sa expression ng mukha nito. Pero mabilis din naglaho at mas piniling sumakay na sa kotse nito. What's going on? Kinalampag ko ang bintana ng sasakyan nito. Ngunit mabilis na nitong pinausad iyon.

Anong nangyayari? Change of mind? Iiwan na ba n'ya kami?

"F-rance!" tawag kong muli, ngunit wala na ring nagawa pa. Napakagatlabi ako, upang pigilin ang umiyak. Tumatahip nang mabilis ang dibdib ko.

Si Kuya Thomas!

Dali-daling pumasok ako sa mansion, saka hinanap ang kapatid na huling nakausap ni France.

"K-uya?" sinalubong agad ako nito, at kinabig para yakapin.

"What's going on? Saan pupunta si France?" naluluhang tanong ko rito.

"K-ay Tanya."

"W-hat?" tuluyan nang tumulo ang luha ko. Babalik na naman ba ako sa panahong nasasaktan kasi nandyan si Tanya? Kailangan ko na naman bang mag-isang magdusa kasi maling tao na naman 'yong binigyan ko nang chance?

"Trust him!" bulong nito sa akin. Hindi ko nauunawaan ang nangyayari. Pero hindi sarili ko ang dapat iniisip ko. Kung 'di ang mga anak ko na tiyak na masasaktan ng labis.

"Uuwi na kayo sa Isla, ipinahahanda ko na ang pag-uwi n'yo mamayang gabi."

"Bakit agad-agad? Paano si F-rance?"

"Trust him, hindi n'ya man maipaliwanag sa'yo ngayon, pero kung magtitiwala ka sa kanya magiging okay ang lahat." Sabi nito. Kailangan kong magtiwala kay France, paano ko gagawin iyon kung alam kong ngayon ay patungo ito kay Tanya? Humigpit ang yakap ko sa kuya ko na patuloy na ibinubulong sa taenga ko na magtiwala ako sa lalaking iyon.

ILANG BESES NA BANG nagtanong ang mga anak ko? Simula nang pumasok ang mga ito sa silid at makita akong iniimpake na ang mga gamit nila, noong mag-dinner kami bago umalis. Hanggang makarating kami rito sa Isla.

Paulit-ulit silang nagtanong. Pero hindi ko sinagot, ayokong magsinungaling sa kanila. Kahit sinabi ng kapatid kong magtiwala ako, walang katiyakan iyon. Si Tanya ang dahilan kung bakit noon paulit-ulit akong naging second choice lang ni France. Ako rin naman ang may kasalanan.

Mahigpit ang seguridad ngayon sa Isla. Lahat ng pantalan, resorts na nag-o-offer ng tour patungo rito sa Isla namin ay pinagbawalan. Walang pwedeng lumabas, walang pwedeng pumasok na walang pirmiso ng head security ng Isla.

Bawal ang guests. Upang makatiyak na hindi kami mapapasok ng kalaban. Mas naging mahigpit si Kuya Thomas sa mga command nito sa mga tauhan.

Sinulyapan ko ang kambal na nakatulugan na lang ang pagtatanong. Gusto ko mang umiyak, pero pinigil ko. Ayoko kasing mag-alala ang mga ito sa nangyayari ngayon. Simula ng dumating kami rito walang tawag or text man lang si France.

Siguro hindi ako mapa-paranoid kung ipinaliwanag nila sa akin. Or baka kaya hindi nila ipinaliwanag dahil mas lalo akong mag-aalala.

"Lila!" tawag ni Nana Lora sa akin. Instinct, na kahit hindi ako iyon ay lumingon ako."Usap tayo!" maingat akong tumayo, at lumabas ng silid.

"Nana?" tawag ko rito.

"Ano ang problema? Bakit biglaan ang uwi n'yo?" tanong nito. Bumuntonghininga ako.

"Sa totoo lang, hindi ko rin po alam. Pero ang tiyak ko lang nasa panganib na naman ang buhay namin ng mga anak ko. Kaya pinauwi na kami agad ni Kuya Thomas dito."

"Buntis ka rin daw?" tanong ni Nana.

"Opo!" niyakap ako nito.

"Kung ano mang ang problema, narito lang ako para sa inyo ng mga anak mo."

"Thank you po!" naluluhang tugon ko. Buti na lang may mga taong handang tanggapin pa rin kami kahit magulo ang sitwasyon namin.

"Hindi ka dapat na-e-stress. Kailangan alagaan mong mabuti ang sarili mo." Sabi nito.

"Opo!"

"Sige na, magpahinga ka muna. Ako na ang bahala sa mga anak mo." Nagpasalamat ako kanina, saka pumasok na sa aking silid.

Humiga sa kama, dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gano'n talaga siguro kapag maraming tumatakbo sa aking isipan.

Nakakapagod mag-isip, lalo't kahit anong gawing isip ay wala namang nagiging sagot.

"F-rance, gago ka. Kung sasaktan mo na naman ako ulit, baka hindi na talaga kita tanggapin. M-asyado kang gwapo, kaya siguro habulin ka ng mga baliw na babae. Kung sobrang s-akit na siguro naman hindi masamang bumitaw. Kahit pa sabihin ni kuya na magtiwala ako sa'yo."

Sunod-sunod na umagos ang luha ko. Pero mas napahagulgol ako nang iyak ng maramdam ko ang pagpasok ng mga anak ko. Pagsampa sa kama at niyakap ako ng mga ito.

Iyak na ako nang iyak na hindi na rin kinaya ng umiyak na ang mga ito.

"I'm sorry!" 

"It's o--kay, Mama. I know s-usunod dito si Papa. M-akakasama natin s'ya ulit." Umiiyak na sabi ni Hiraya.

"Oo nga po, love na love ka po ni Papa. Love rin po kami ni Papa. Palagi n'ya pong binubulong sa amin iyon ni Papa kapag katabi n'ya kami." Sabi naman ni Halina.

Dapat ako ang nagpapalakas ng loob ng mga bulilit na ito. Pero kita n'yo naman, sila na ngayon ang nagpapalakas ng loob ko.

"Magtiwala po tayo sa love ni Papa sa atin." Sabi ni Hiraya. Niyakap ko ang mga ito saka tumango-tango.

"Hihintayin po natin si Papa, alam ko po mabilis lang po s'ya. Kasi sabi n'ya nakakabaliw raw po ang mangulila."

"S-ige, hihintayin natin ang Papa n'yo. H-ihintayin natin s'ya." Sabi ko sa mga ito. Pero hindi pa rin maiwasang mag-doubt.

The Memories of CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon