'To the bone'
Pagkatapos kong magpaalam kay Claire na may kakausapin lang mabilis akong pumunta sa table kung saan nakaupo si Ace at nakatingin sa labas ng bintana.
Pagkatapos kong umupo nakakunot na ang nuo kong tumingin sa kanya.
"Anong paguusapan natin?" Mabilis niya naman akong nilingon na may matapang ngunit may maluluha luha na mata.
"Break na kami" panunuya niya sakin habang nakatitig ng diritso sa mata ko.Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpakita ng reaksyon. Nanlalamig na ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
"Oh tapos?" parang walang ganang ani ko sa kanya at binigyan niya naman ako kaagad ng di makapaniwalang tingin.
"Nakipaghiwalay siya sakin kahapon" dagdag niya pa din at kahapon? Kaya ba di pumasok sa next na class si Riss?"Oorder ka ng break up cake? Cafe to hindi pastries" walang ganang sagot ko sa kaniya aaminin kong may parte sakin na masaya na naghiwalay sila pero mas malaki ang part na naguguilty at nasasaktan para sa kaniya.
"Ha at alam mo ba ano sinabi nya sakin" mariin na ani nya sakin habang nakatitig pa din ng diritso sa mata ko.
"He still loves you" sabi nya habang may tumulong luha sa mga mata niya. Ngayon klaro na sa mukha ko ang gulat at pagdududa."Anong he still loves me? Nung isang araw may kahalikan syang iba tapos kinabukasan ako na mahal niya. Gago ba siya?" Galit na tugon ko kahit ang lakas lakas na ng kabog sa dibdib ko.
"You saw that huh?" Nakangising ani nya sakin habang pinupunasan ang mga luha."Hindi ko alam kung anong nakita nya sayo" hindi makapaniwalang ani nya sakin at natahimik naman ako bigla.
"Mas maganda at matalino naman ako kaysa sayo.Talented din naman ako mayaman pa pabor din sakin pamilya niya kaya hindi ko maintindihan kong bakit handa syang iwan ang 2 years na relasyon namin para lang sayo na minahal lang sa screen" diretsang sabi nya sakin habang sinusuri ako ng mabuti. Kahit ayaw ko man pero bigla akong nanliit sa sarili ko."I can't believe this" napailing iling pang ani nya habang ako tahimik lang na nakatingin sa kaniya.
"You.. Will you make him happy for me" nahihirapang saad niya at di ko naman alam ang sasabihin ko o magiging reaksyon ko kaya nagiwas nalang ako ng tingin at tulala.Pero parehas kaming nagulat nang pumasok si Riss sa Cafe at mabilis na pumunta sa gawi namin.
"Ace.. Ano to?" Pagtatanong niya kay Ace at mabilis naman akong tumayo kahit naguguluhan pa para sana bigyan sila ng pagkakataong magusap ng pigilan ako ni Ace."I will go straight to the point, Aakto pa din tayong mag jowa sa harap ng pamilya natin Riss para di mawala ang ano mang meron sayo ngayon at para na din di mahirapan yang babaeng mahal mo. Saka na natin sabihin pagkatapos mong grumaduate ng college at wag kayong magpapahuli sa parents or relatives natin" mahabang sabi nya at sinusubukan ko pang isink in yon lahat ng isang bagsakan.
Aalis na sana siya nang pigilan sya ni Riss
"Thank you Ace at sorry, Im so sorry" madamdaming ani ni Riss sa kaniya at tinanguan lang siya nito at naglakad na palabas ng cafe habang ako nakatulala pa din sa baso sa harap ko."Fe" pagtawag ni Riss sakin
"Stop" sabi ko sa kanya.
"Fe"nanginginig na tawag niya sakin. Parang natatakot pa na hawakan ako.
"Ano yon Riss?" hindi pa din makapaniwalang tanong ko sa kaniya."Handa kang iwan ang 2 years na relasyon niyo at gulohin lahat? Pano kung malaman ng parents mo? Pano kung- at bakit?" Naguguluhan na talagang tanong ko sa kaniya.
"Mahal kita" sagot niya sakin habang hinawakan ang dalawang pisgi ko at pinatingin sa mga mata niya.
"Mahal pa rin kita" napapikit ako sa inis.

BINABASA MO ANG
It Started On Screen
RomantikaYou knew I was broken, yet you broke me more I'm a wall that you cracked I knew I was wrong, but you don't have to hurt me like that We knew we're happy We knew we're hurt Mistakes and tears are our pages, and pain is the ink of our book Will we e...