'White tulips'
Nang naramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya tumingin din sya sakin. Hindi namin namalayang sabay kaming ngumiti. Bigla nalang lumakas ang kalabog sa dibdib ko habang nakatitig kami sa isa't isa this time wala nang pagaalinlangan. Wala nang nagiiwas ng tingin.
"Oh tama na tchansing kana" puna ko saka tinanggal pagkakayakap niya sakin. Nakita ko naman siyang sumimangot.
"Di pa nga tapos ang fire works. Isa pa ulit" aasta pa sana syang yayakap ulit sakin ng tapakan ko paa niya at hinila siya don papunta sa may stand ng ice cream."Manong dalawa po" ani ko kay manong at saka binigay ang isa kay Riss at bumalik sa pagkakaupo namin sa sea wall kanina.
"Ano?" Nakangusong sabi ko sa kaniya habang kumakain ng ice cream at nakatingin pa din sa fire works. Nang di sya sumagot nilingon ko siyang nakatingin lang sakin at seryosong tumitig."Hmm yong utos ko sayo" pa intense na panimula niya at naghihintay naman ako sa idudugtong niya.
"Puwede bang wag kang matakot na mahalin ako ulit" seryosong pakiusap niya. Dahan dahan naman akong tumingin ng diritso sa mata niya at parang hinihigop niya ako sa paraan ng pagtingin niya."Don't be scared to love me because I will accept your flaws, bad sides and angles"seryoso pa ding ani niya.
"I will respect your personal time and not gonna demand to talk to me the whole day" mahinang sambit niya."I'm freaking willing to make you happy for the rest of your life just let me share your happiness with me" dagdag niya pa. Matagal na nanatili ang katahimikan samin hanggang sa nagsalita ako.
"Takot lang akong masaktan mo pero hindi ako takot mahalin ka" ngayon ako naman ang tumitig sa kaniya ng seryoso.
"I also understand your time and everything. I will also understand your dreams kahit na mas piliin mo yon kesa sakin" ani ko pa sa kanya.
"If that day will come I will surely let you chase your dreams first before me kasi ganyan ako magmahal. Malaya. Malaya kang magloko, malaya kang magmahal ng iba at malaya kang saktan ako" dagdag na ani ko sa kanya at nakita ko namang nagbago ang reaction nya.
"Wag mo lang kakalimutan na once na sinaktan mo ako pagkatapos kitang mahalin ng todo. I will always love you still but you will never have me anymore" nakangiting ani ko habang nakatitig parin sa mga mata niya.
Is it weird if I see the entire universe in his eyes?
"I'll always be proud of you kahit ano pang piliin mo.... kahit di na ako" may matamis na ngiting dagdag ko.
"Your stare keep melting me like how the hell can you make me fall in love with you every second" ani niya habang tinatakpan ang mukha.
Nababaliw naba ito? Nasa moment na kami tapos bigla syang aarte ng ganyan. Pagkatapos ko syang batokan tinanggal niya yong mga kamay niya sa pisngi nya.
"Fe bat ka naging sweet ng ganon bigla dahil ba sa ice cream? Bibili ba ako ng ice cream parati? Magtatayo na ba ako ng-" Habang nagsasalita siya hindi ko maiwasang mapatingin sa labi niya. Sa sobrang putla niya tanging labi niya lang ang mapula.
Natigil sya sa pagsasalita ng dahan dahan akong lumapit sa kanya at siniil ng halik ang labi niya at naramdaman ko agad ang lambot non. Nabato siya sa kinauupuan niya. Hindi makagalaw sa gulat.
Maski ako nagulat sa sarili ko kaya nung na realize ko ang ginawa ko mabilis akong lumayo at tumakbo palayo."Fe" pagtawag nya sakin sa malayo nang tumakbo ako.
Madami na akong nababangga dahil sa pagtakbo ko.
"Sorry po"
"Excuse me" tanging naani ko na lang sa kanila habang tumatakbo.
BINABASA MO ANG
It Started On Screen
RomanceYou knew I was broken, yet you broke me more I'm a wall that you cracked I knew I was wrong, but you don't have to hurt me like that We knew we're happy We knew we're hurt Mistakes and tears are our pages, and pain is the ink of our book Will we e...