Date: March 13 2015
Penname: DisenchantedNow (Wattpad and Booklat)
1. Introduce/describe yourself…
- Sheii. 20’s. Nakatira sa Antipolo na maraming suman, kasoy at mangga. Sa ngayon, inuubos ko ang oras ko sa pagbabasa at pagsusulat.
2. When did you start writing?
- At the age of 12. Nung grade 6 pa lang ako. Yung first story na naisulat ko nun eh, fantasy story. Ewan ko kung bakit hindi na ako marunong gumawa ng ganong genre ngayon.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- One time, nabasa ko yung word na ‘Disenchanted’ at nagandahan ako. Tapos narinig ko yung kanta ng My Chemical Romance na ‘Disenchanted’ na na-lss naman ako at paulit-ulit kong pinatugtog kaya, dun ko nahugot yung pen name ko. Yung ‘Now’, feel ko lang dugtungan ng ‘Now’ kaya naging DisenchantedNow.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Hindi ako naniwala nung una since sa wattpad lang naman ako kinontak ni Sir Jun. Tapos niresearch ko na lang sa google kung legit yung LIB. First time ko kasing narinig, eh. Tapos nag-try akong i-email si Ms. Agnes, sumagot naman siya at hindi daw sila scam. Pero yung feeling? Priceless. Hindi ko naman kasi in-aim na maipublish ang kwento ko kahit na nung mga panahong yon eh, trending na ang publication ng mga wattpad stories. Hindi ko na rin hiniling at nakakatuwa lang na basta na lang dumating yung opportunity. Gusto ko lang talagang magsulat at tumapos ng kwento. Nung kinontak ako ng LIB, I can say that, it’s one of the best opportunities that came into my life. And I’m grateful.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Wala. Sarili ko lang. Hilig ko talaga since nung bata ako. Inspiration? Syempre yung family ko. Gusto ko silang maging proud sa akin at sa tingin ko naman, nagagawa ko yun.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Routine? Wala naman akong specific routine. As long as nandun na yung ideas para sa kwentong yun, magta-type na ako sa laptop or cellphone. (Lately, sa cellphone ako nagtatype kasi masyadong masakit sa mata yung laptop.) Ang gusto ko lang, tahimik talaga yung environment kapag magsisimula na akong magsulat. Tsaka, kagaya ng ibang writers, madalas na madaling araw ako nagsusulat kasi mas nakakapag-focus ako dun, at syempre, tahimik ang paligid kaya hindi ako madi-distract.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- So far, ang mga negative comments na nareceive ko eh patungkol sa grammatical errors, na aminado naman akong may mga kamalian talaga. Hindi ko pa kasi nae-edit ang kwentong yun kaya meron pa talagang mga errors. Pero binabasa ko lang talaga yung mga comments nila tapos tinitingnan ko yung specific line or chapter na nirereklamo nila. Then itatake note ko na lang para sa editing. J Hindi naman kasi ako mapagpatol kasi hindi ako marunong makipag-away. Hahaha J
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Nung elementary and high school days ko, journalism na talaga ang gusto kong course. O kaya kahit ano’ng course na related sa pagsusulat. Kaso hindi ako pinayagan ng parents ko. So, all my life, dream ko na talaga ang maging writer, lalo na nung nabigyan ako ng chance na maging sports writer ng campus newspaper namin nung high school. Nakakatuwang experience lang. Pero I think, natupad ko na dahil sa wattpad. J
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Wala naman. Gusto ko kasi talaga na ako mismo yung writer ng kwento na talagang makakarelate ang bawat reader, at satisfied sila sa binasa nila kagaya nung mga novels na binabasa ko ngayon. Napapa-wow na lang ako kapag natapos ko nang basahin kasi, hindi ko akalaing ganon pala katindi yung twists.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Bob Ong. Hindi niya ako fan pero nabasa ko na ang ilan sa mga libro niya. Gustong-gusto ko yung way ng pag-touch niya sa reality through his writing. Ang astig lang ng mga kwento niya. As In! And lastly, si Ms. Genoveva Edroza Matute. Nung bata kasi ako, mahilig akong magbasa ng mga Filipino textbooks, tapos meron siyang mga short stories na tungkol sa family na gustong-gusto kong concept kasi nata-touch talaga ako. At gusto ko ring makagawa ng mga ganong plot, someday.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Kahit saan, kahit kanino. Basta interesting, go lang ako. J Nung college pa ako, meron akong ginawang one shot compilation tungkol sa love life ng mga close friends ko sa isang notebook. Pero nawala na yung notebook na yun kaya hindi ko na naipost sa Wattpad. Isa pa, weakness ko yung one shot, eh. Hindi talaga ako effective sumulat ng one shot, kaya hindi na lang din siguro. J
12. Titles of your published and to be published book…
- You Are Mine (Though Book 1 pa lang ang napublish)
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘to pero natawa ako. Seriously, bakit kailangang sisihin ang Wattpad eh wala namang kinalaman yung Wattpad sa kung ano mang desisyon ng mga kabataan ngayon. Kung gugustuhing magpabuntis ni Ate, kagustuhan niya yun, at hindi ni Wattpad.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Gusto ko yung plot na tungkol talaga sa family, yung may matinding moral lesson. Tapos, gusto ko ring i-try yung erotic romance. May isa akong kwento na naipost sa wattpad, erotic romance ang genre pero, hindi ko matuloy-tuloy kasi, parang hindi ko na kering ituloy. Hahaha. J Nag-iipon pa rin ako ng confidence para sa kwentong yon hanggang ngayon.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Huwag kang mapagod magbasa kung gusto mo talagang maging effective writer. Hindi ka naman kasi magiging isang magaling na manunulat kung hindi ka rin nagbabasa. Try it, and I’m sure marami kang matututunan! And don’t give up! Kung magsusulat ka sa Wattpad kung saan trending ang mapupulang number of votes and comments para masabing maganda ang isang kwento, remember na nagsisimula ka pa lang. Hindi naman minamadali ang success, pinaghihirapan yan. Kaya kung napapansin mong konti lang ang number of votes and comments ng kwento mo, isipin mong, walang Wattpad writer na hindi dumaan sa zero reads and comments.
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
DiversosKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^