Chapter1

20 0 0
                                    

Turn into a twist

CEG's POV

"Pare chix ano pormanahan ko na ba?"

Nandito kami ng barkada ko sa tambayan namin. Tamang syesta lang

"Wag na yan pre nakita ko yan kanina na touch na ng iba" sabi ni Ethan isa sa mga barkada ko, gago talaga tong mga to.

"  pareng Ceg tahimik ata tayo ngayon? Wala ka bang ng pupuntiryang chix?" Tanong ni Ian at naggaling pa talaga sa kanya yan.

" Ewan ko sayo gago! iniisip ko kasi kung paano ako babalik sa amin " malumanay kong sagot. Iniisip ko kasi na dalawang taon napala akong wala sa amin.

" ano? Babalik ka sa inyo? Pano natong bar ko? Sino magmamanage nito?!" Histerikal na bungad ni Ian. Siya ang may ari ng bar na inistambayan namin.

Actually apat kami sa barkada ako,si Leo na makulit si Ethan na basagulero at si Ian na babaero kaya nga bar ang naisipan nyang negosyo dahil madali syang makabingwit ng babae. Pabor din naman samin. Mahilig din naman kami sa chix pero si Ian talaga yung mas pinakanahilig.

Oy baka sabihin nyo na pakboys kami ha. Di oy! Mga desente naman kami. Sadyang sinusulit lang namin ang aming pagkabinata.

"pre naawa na ko kina mama . Wala na daw silang pera" malungkot kong sabi

Kinuha ko ang isang bote ng beer at ininom ito. Mejo may tama narin ako kasi nga kanina pa kami dito nakatambay.

" diba nagpapadala ka dun?" Tanong ni Ethan

" nga eh pero di pa sapat yun. Yung trabaho ni papa bilang company driver sakto lang sa pangkain nilang apat sa bahay" nakanpanlulumo isipin na naghihirap ang pamilya ko pero eto ako at nagpakasasa dito, wala naman kasi akong magawa.

"diba yung dalawa mong kuya asan? Diba nila tinutulungan pamilya nyo?" Tanong ni Leo

" ewan ko. Basta ang alam ko lang nagaaral pa si kuya Keannu si kuya Kean huminto muna kasi nga diba may sakit sya sa puso"

" oo nga may sakit nga pala si Kean akala ko wala lang yung sakit niya nung bata palang tayo, pano yan pre kung babalik ka sa inyo babalik ka sa dati ganun?" Tanong ni Ian sabay kuha ng ice para sa inumin nya. 

" ewan ko. Nakasanayan ko yung ganito. Tanggap naman ako nila mama pero si papa hindi talaga "

Namimiss ko na din ang pamilya ko. 18 year old ako ng tinakwil ako sa pamilya namin. Alam nyo kung bakit?

Kasi naging lesbian yung unica ija nila tas bunso pa ako. Di matanggap ng ama ko na pusong lalaki rin ako katulad nila kaya ayun pinalayas ako. Mabuti nalang at nandiyan ang barkada ko at tinulungan nila ako. Hanggang sa ginawa akong manager ni Ian sa bar ngayong nag 20 ako, pero nagaaral parin naman ako. 2nd year college na nga ako ngayon magpapasukan.

"Sige na mga pre salamat . Balik lang muna ako sa condo natin" paalam ko sa kanila. Tumayo nako sa kinauupuan ko at pumunta na sa parking lot para kunin ang motor ko.

Ang totoo kung pangalan ay Charmie Gian Malabini. Ibig sabihin nyan mapangakit daw ako charming daw kung ba'ga  tsaka yung apilyedo ko masyadongobvious kung ano talaga ako. 

Nga pala isang condo unit lang kami nakatira kaming magbabarkada, actually silang tatlo lang talaga napasama lang ako kasi nga itinakwil ako. 

Sa loob ng dalawang taon kong sila yung kasama ko naging mas lalaki na akong manamit. Oo lalaking lalake na. Yung ngalang magnanapkin parin ako hahaha!

Turn Into A TwistWhere stories live. Discover now