May's POV"Miss Tiff, sigurado po ba kayo na magpapalit tayo ng damit? Di po kasi ako sanay sa mga mamahaling damit, at baka magka rashes kayo sa damit ko , ukay ukay lang po kasi yan." Nag aalalang sabi ko kay Miss Tiffanny. Madaling dapuan ng sakit si Miss Tiff. She is being over protective by her parents kaya nga kahit saan siya mag punta ay nandoon talaga ako.
"Shh! Ano kaba May, oo lang. Never in my life akong naka suot ng mga ukay ukay. Just let me have this first time okay? . Alam kong malinis ka sa katawan kaya okay lang." Matamis na ngumiti si Miss sakin. Naaawa ako sa kanya dahil di niya nagagawa lahat nang gusto niya dahil napaka low ng immune system niya. Palagi naman siyang naka take vitamins, pero pag may nilalagnat talaga or sinisipon na malapit sa kanya ay nahahawa agad siya. Kahit gaano pa yan ka mild sa iba ay nagiging severe sa kanya.
"Now that we changed clothes, pwede bang palit din tayo? Ako naman mag sisilbi sayo at ikaw na muna amo ko. Hehe" inosenteng ngumiti si Miss sakin na animo parang ang dali lang ng lahat. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil alam kong pag tumanggi ako ay manimilit din yan.
" Miss Tiff-" atungal ko
"Opps! It is now Tiffanny, at ikaw ? You are now Miss May . So call me Tiffanny today okay? If you'll decline i will tell Dad that you are slacking with your job" she threatened while smiling.
Napa face palm nalang ako dahil alam kong talo na ako.
"Yeah yeah, Miss- I mean Tiffanny. Happy?" I sarcastically say.
Mabilis na tumango si Miss Tiff na nakangiti pa na animo'y batang nabigyan ng candy.
"Yes Miss May. I am much more happy. Now, give me the belongings because you are my Miss so you are not allowed to carry heavy things." Di pa ako nakakasagot ay inagaw na niya ang mga paperbags na dala ko at naglakad palayo.
" Aba't-" mabilis akong nang lakad para makaabot sa kanya.
"Tiff, walang alalay na Englishera" lumingon si Tiff sakin at nagbelat pa.
Napadaan kami sa isang coffee shop at pumasok siya doon. At talagang pinanindigan pa niya ang pagiging alalay dahil pinagbuksan pa talaga ako ng pinto.
"Pag yung tatay mo nalaman to , goodbye trabaho ako nito. After this coffee thingy we'll change clothes okay? "
She just pouted and nod. Pinakita pa niya talaga sakin ang sad face niya na may pa cute cute pang dagdag.
She is really like a little sister to me. I'm glad na sa kanila ako nag apply. Wala naman akong plano maging alalay, ang una ko talagang inapplayan ay part time yaya dahil nag-aaral pa ako sa college. Pero sadyang magaan ang loob nila sakin , una gusto nilang e adopt ako dahil sa background ko, pero ayaw ko namang ganun na kinakaawaan lang. I refused and they respected my decision. So as per Miss Tiffany's request, personal assistant nalang daw niya. But she never treated me as her assistant, instead she treated me as her older sister. Yung magulang naman niya ay tinuring akong anak. Bilang kabayaran nang pagiging mabuti nila sakin, so I am doing my job to the extent.
" here is your Choco Coffee Frapppe and A slice of strawberry cake" inilapag ni Tiff ang Pagkain sa lapag ko at umupo sa kabilang silya.
" thanks. Let's eat it fast para makapagpalit na tayo ng damit. I am not comfortable to this expensive clothing" sabi ko sabay subo ng cake.
"Tsk! Miss May, I am your presonal assistant 24/7. So , i will serve you 24/7 " magmamatigas niya.
Sa lahat ng sakitin ito ata ang may pinakamatigas na ulo.
" Miss Tiff-"
"Tiffany!" Pag tatama niya
" okay Tiffany, please don't make it hard for me okay? If something will happen to you by lifting thoses heavy paperbags ako ang mapapatay sa tatay mo. May tuition pa akong binabayaran, i need the job. Okay? Be a good boss" i sarcastically beg.
"Napaka KJ mo taga May, I am playing a role here and you kept on spoiling it. Yeah fine, i'll change after this coffee time. Happy?" Disappointed na sabi niya.
Napabuntong hininga nalang ako sa inaasta ng babaeng to.
Halos isang oras din kami sa coffee shop dahil ang dami niyang pinagsasabi. After namin sa coffee shop ay pumunta naagad kami sa parking lot. Ang parking lot ay nasa groundfloor nang mall kaya dun kami dumaan sa fire exit dahil mas malapit don ang parking lot.
May banyo naman sa may parking lot kaya doon na namin napag pasyahang magbihis.
Nasa stairway palang kami ng fire exit ay parang di ko na gusto ang ambiance nito. Di naman sa matatakutin ako sa multo, sadyang parang may mali lang talaga.
" Nandito kami sa fire exit" napatalon ako sa gulat nang makarinig ng boses sa likod ko.
Pag lingon ko may dalawang lalaki na nakaitim na naka face mask na itim din. Ayokong mag isip ng masama kaso iba ang awra nilang dalawa.
"Tiff, bilisan natin, sa bahay nalang tayo mag bihis " bulong ko kay Tiffany na walamg paki sa paligid dahil busy sa ka text.
" okay" parang walang sagot niya havang na tetext.
Nakahinga ako nang maluwag ng nakalabas kami sa parking lot. Nandoon na si Manong Edie ang driver ni Tiff. Nasa kotse nag aantay samin.
Biglang bumigay ang paperbag na habang ko dahil sa bigat nito kaya nahulog ang mga laman sa sahig.
"Tiff, mauna kana sa kotse , aayosin ko lang to" sabi ko sabay kuha ng nga nahulog na gamit.
"Okay bilisan mo nag text si Daddy, pinapauwi na tayo." Sabi niya at tumakbo papunta sa kotse.
Habang pinupulot ko ang mga nahulog ay biglang may humila sakin papalayo. Sisigaw na sana ako ng biglang tinakpan nila ang ilong at bibig ko ng panyo na may kakaibang amoy.
Gusto kong tawagin si Tiff kaso bigla akong nahilo at nawalan ng Malay.
Help me!