Prologue

33 3 0
                                    

Elira

I pressed the accelerator as hard as I can. Hindi pwedeng magbagal dahil bawat segundo ay importante sa mga oras na ito. Halos hindi ko na mabasa ang mga nakasulat sa daan dahil sa sobrang bilis ng aking pagmamaneho dagdag mo pa ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata.

Ilang araw ko itong pinag-isipan. Ilang araw rin akong nagmuni-muni.

Tama ba itong gagawin ko? Hahayaan ko bang makasakit ng ibang tao para lang sa kaligayahan ko?

Pero sa huli, puso ko pa rin ang nanaig. Sya pa rin ang pinili ko.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa mansyon ng mga Valmorida ng ligtas. Tuwing bumibisita ako rito ay hindi ko nakakalimutan na mamangha sa luma ngunit marangyang mansyon ng pamilyang Valmorida. Everytime I walked in the hallways of this Spanish style mansion, I feel like a princess trapped in a large castle and the only way to get out is to beat a beast. 

But this time, I lost. I am forever trapped in this unwanted mansion. 

Pinalis ko ang mga luha sa aking pisngi ng makita kong papalapit na sa akin ang isa sa mga guard. Marahil ay nagtataka sa aking presensya.

"Ma'am Elira..." Bati sa akin ng guard ng ibaba ko ang aking bintana. Bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha.

"Kuya kakausapin ko lang po si Magnus." I said like it's not a big of a deal.

"Bawal daw po magpapasok ng bisita Ma'am." Kamo't ulo nyang tugon.

I bit my lip because of the frustration.

"Sige na kuya. May ibibigay lang po akong regalo." Sabay pakita ko sa paper bag na dala-dala ko. Pinilit ko pang ngumiti para patunayan na masaya ako ngayong araw.

Bumuntong hininga ang lalaking kausap ko bago niradyo ang pagdating ko.

"Pasok na po kayo." may pag-aalinlangan nya pa ring tugon.

Agad kong pinaandar ang aking sasakyan. Parang kanina lang ay desididong-desidido ako sa aking gagawin ngunit ng makita ko ang bukana ng mansyon ay gusto ko ng umurong.

What the fuck are you doing Elira? Nababaliw ka na!

I parked my car in front of the mansion. Wala ng pake kung mali ang pagkakaparada ko rito. Gaya ng sinabi ko kanina. Importante ang bawat segundong lumilipas.

Nakahinga ako ng maluwag ng walang kasambahay na sumalubong sa akin. Siguro ay abala silang lahat at walang nag-abalang salubungin ako.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na akong dumiretso sa pangalawang palapag. Parang kahapon lang noong una akong bumisita rito. Naaalala ko pa kung gaano ako kasaya dahil masyado akong nagpalunod sa aking imahinsayon. Ngunit ngayon, sakit at pighati lang ang aking nararamdaman. 

Napahinto ako sa pag-akyat ng makasalubong ko ang lalaking hinahanap ko.

He look so dashing in his suit. Madalas ko naman syang nakikita sa ganitong kasuotan ngunit kakaiba pa rin ang tindig nya ngayon.

His newly trimmed hair, his grey tuxedo that hides his beautiful tattoos and hugs his masculine body perfectly, and his dreamy hazel eyes. Everything is perfect. He looks like a prince charming in fairytales that I read when I was a child. Habang ako, para lang akong extra sa istorya nya. With my little black dress and puffy eyes.

"Magnus please talk to me." I saw his jaw clenched. Parang hindi nya narinig ang aking pagmamakaawa at dire-diretsong bumaba sa hagdanan. 

"Magnus please, kausapin mo naman ako. I-I deserve your explanation." Muli na namang tumulo ang aking mga luha. I feel so helpless. Para akong tutang niligaw ng sariling amo. Nagtataka, naguguluhan, at natutuliro.

Touch Me Please Me Love Me (Devil's Law #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon