Nasa iisang room lang kami ni Asahi dahil inaayusan kami ng mga make up artist namin. Ngayon kami mag uumpisa sa pag iindorse ng mga damit.
Kanina pagkarating namin sa parking lot ay ang daming KyungSahi fans na nakatambay doon. Meron ding mga anti fan lalo na sa akin.
Ang iba ay binabato ako ng kung ano ano. Minsan ay bottled water at minsan bato. Pero buti nalang at madaming guard ang pinadala ng may ari ng 'Wear Me'.
'Wear Me' ay isa sa mga sikat na company kung saan madami silang binebentang mga damit. Kami ni Asahi ang napili nila mag indorse dahil daw sa nabasa nila sa social media na nag dedate kami. Panigurado daw ay makukuha namin ang atensyon ng mga fans at mahikayat na bumili sila ng mga damit.
Clinear naman ng mga manager namin na me and Asahi are dating as a friend. Maraming hindi naniwala at marami din ang tuwang tuwa.
Habang inaayusan ako ng babaeng nasa harap ko ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Soomin unnie. Tungkol sa kasal daw nila ng boyfriend niya.
Matagal naman na din silang nagsasama at alam na nila papa. Last week daw ay hiningi na ni Mr. Park ang kamay ni ate kina mama.
Sabi naman ni unnie ay ayos lang daw kahit di ako nakapunta. Pero sabi niya ay hindi daw ayos kung wala ako sa mismong kasal niya.
"Ay kasal!" tili ko kay Hyeonwoo dahil pinitik niya ang ilong ko. "Ang sakit naman non!" sigaw ko sakanya dahil masakit naman talaga.
"Ikaw ha kasal kasal kapang nalalaman. Patapusin mo muna ate mo." sabi niya sa akin at lumapit siya para bumulong. "Sabagay ayan na si Asahi oh naka ready na." pang aasar niya at tinignan pa ako ng nakakaloko.
Hihilain kona sana ang buhok ni Hyeonwoo pero umubo si Asahi. Napatingin kami sakanya ni Hyeonwoo.
Magsasalita sana siya pero pumasok ang may ari ng 'Wear Me'. Tinignan niya kami ni Asahi at nag smile. Ganon naba kami kaganda sa paningin? Hays.
"Nice, ang ganda niyo sa paningin." Sabi ni Mrs. Jung. Siya at si Mr. Jung ang may ari ng 'Wear Me.'
Napatagilid ako nang biglang tusukin nanaman ni Hyeonwoo ang bewang ko. May kiliti ako jan bwisit to.
Pinalo ko ang kamay niya at tinignan siya ng masama. Kung mapapansin niyo ang pag babago ni Hyeonwoo ay pinag usapan na namin yun.
We need to accept and move on. Sabi ko din sakanya noong nag usap kami ay acceptance is a must. Pero walang nagbago sa pagsasama namin. We still act like we're friends. Ngayon ay parang suportadong suportado na siya sa amin ni Asahi. Inamin din niya na nagseselos daw siya noon.
Tumayo kami ni Asahi sa may White background habang ang nga camera naman ay nakapalibot sa amin. May malaking ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa amin ni Asahi.
"Okay do some poses." Utos sa amin nung lalaking may hawak ng camera.
Inutusan akong humawak sa balikat ni Asahi. Hindi ko alam kung gagawin ko ba ang inutos nila o mag baback out nalang.
Pagkatapos kong mag isip ng poses na gagawin ko at pagpigil ng kilig ay natapos na din ang isang shoot sa isang damit palang. Dalawang damit ang ishoshoot namin ngayon. Umpisa palang ay sobrang sakit na sa mata ng nga flash ng camera. Pati panga ko ay nangalay na kakangiti.
Habang nag reretouch kami ng make up ay may nag abot sa akin ng tubig. Tinignan ko ito at si Asahi ang nakita ng nga mata ko.
Dahil yata sa sinabi niya sa may parking lot ay nagkakailangan kami. Pagkatanggap ko ng tubig ay umalis na siya. Ayan mahirap sainyo e mag coconfess kayo tapos bigla kayong maiilang. Parang tanga.
YOU ARE READING
Beautifully Disastered ₪ Asahi Hamada
FanfictionLee Kyung-Soon is just a simple girl with a simple dream, to be an idol. She wanted world peace, love, and unity for all mankind. Pero ng dahil sa isang bagay, she met a stranger. Stranger na gusto niyang makilala but, she don't have idea who's t...