New Year's Eve
(December 31)
Nagising ako dahil sa araw galing sa bintana ko, chineck ko ang oras 9:25 am na kaya naman tumayo na ako para mag hilamos. Matapos mag ayos ay bumaba na ako para mag almusal.
Mamayang gabi ay mag sisimba kami ni Kurt. Kaya naman ay hinanda ko na ang susuotin ko para mamaya. Naglinis ako ng kwarto ko para may magawa, nag declutter na rin ako ng mga make up at damit ko. Nang matapos ay bumaba ako para kumain ng lunch, nagluluto na rin sila mama para mamaya sa salubong. May mga bilog na prutas na rin na nakahanda sa gitna ng table. Matapos kumain ay umakyat na ako para maligo. Matapos maligo ay nag ayos na ako ng sarili, nag highwasted maong pants lang ako then black turtle neck na sleeves and white sneakers. Bago bumaba ay nag chat na si Kurt sa akin na on the way na siya. Kinuha ko na ang sling bag at phone ko bago bumaba.
Pagkababa ko ay nandoon na si Kurt kaya naman ay nag paalam na kami kay mama at umalis na rin agad.
"Before salubong pumunta ka muna sa bahay, para ma meet mo na sila mama" ani ni kurt habang nag lalakad kami
"Okay love" nakangiting ani ko
Nang matapos ang misa ay kumain na muna kami sa isang fast food court.
"Sunduin kita mamaya love" nasa tapat na kami ng bahay, 10pm ay susunduin ako ni Kurt at after ng salubong ay pupunta naman siya dito uli to spend time with me
"Okay love" nakangiting ani ko
"Alis na ako, videocall na lang tayo" ani niya
"Sige love, ingat ka see you later" paalam ko at saka siya umalis at pumasok na ako sa bahay
1 hour pa para mag ready. Bigla akong kinabahan. First time kong ma memeet ang family niya, pwera kay tito since nakita ko na siya. Nag halfbath muna ako para mas fresh at nag hanap ng maisusuot. Need kong maging presentable sa harap ng family niya. Nag suot lang ako ng maong pants at t-shirt then white sneakers na suot ko kanina. Nag ayos na rin ako ng mukha ko, hindi ako masyadong nag lagay ng make up dahil ayokong mag mukha oa sa harap nila. Nag nude lipstick lang ako then mascara at konting blush on. Tinali ko na rin ang buhok ko at inayos. Maya maya ay nareceive ko na ang message ni Kurt na papunta na siya. Kaya naman ay tinapos ko na ang pag aayos at nag perfume. Matapos mag ayos ay kinuha ko na ang phone ko at saka bumaba.
"Kinakabahan ako" ani ko habang naglalakad kami
"Okay lang yan love. Mababait naman mga yon" nakangiting sabi ni Kurt
Naunang pumasok si Kurt, hinawakan nya ang kamay ko at saka hinila ako papasok ng bahay nila. Maraming pagkain ang naka handa sa lamesa. Umupo ako sa sala at hinintay si Kurt dahil tinawag niya na sila tita.
Maya maya pa ay unang lumabas si tita, sumunod naman si tito at ang ate nya."Good evening po" bati ko at saka nag mana sa kanila
"Hi, salamat" nakangiting sagot ni tita
Ngumiti naman ako sa ate ni Kurt. Nag kwentuhan lang kami at kumain. Since 11:30 na, naisipan ko ng umuwi.
"Tita tito, uuwi na po ako" nakangiting paalam ko
"Ah sige iha, ihatid mo na Kurt" ani ni tita
"Sige po bye po. Happy new year po" nakangiting bati ko sa kanila
"Happy new year din, ingat" ani ni tito
Habang pauwi ay naka hinga na ako ng maluwang.
"Okay ka lang?" tanong ni Kurt
"Yes" nakangiting sagot ko
Nang makauwi ay nagpaalam na rin si Kurt kila mama.
"Balik na lang po ako mamaya tita"
"Sige Kurt, ingat ka. Ihatid mo na si Kurt sa gate" ani ni mama
Nang mahatid ko si Kurt sa gate ay nagpaalam na rin sya agad at saka umalis. Mamaya ay narito naman siya ulit.
"5..4..3..2..1! Happy New Year!!!" sigaw naming lahat
Binati ko na rin si Kurt sa video call. Binati ko na rin sa chat sila tita.
Maraming fireworks. Sobrang ingay na mga torotot at iba pa. Binati na rin namin ang mga kapitbahay. Pagtapos ay masaya kaming nagsalo salo.
"Tara, inom na!" aya ng kaibigan ko na si Lily
"Game!" sigaw ko
Sa labas kami uminom dahil masarap ang simoy ng hangin. Maya maya pa ay nag chat na si Kurt na papunta na siya.
"Kurt! Tara!" sigaw ni Lily, kaya naman ay lumingon ako at nakita ko si Kurt at umupo na sa bakante upuan sa tabi ko.
Nang matapos kami mag saya ay umuwi na sila Lily. Tinulungan na ako ni Kurt magligpit ng mga kalat.
"Love, uuwi na ako" paalam nya ng matapos kami mag ayos.
"Hatid na kita sa gate"
"Wag na love, dito ka na lang" pinapasok na nya ako sa kwatro "Ako na lang ang mag lolock ng gate, happy new year, my love" ani niya at saka lumabas at binigyan ako ng halik sa labi
to be continued ...
━━·。° ☆:*.☽.*: ☆ 。° ━━
YOU ARE READING
CHASE YOUR DREAM
RomanceMasaya at simple lang ang buhay ni Athena, sa huling taon niya sa highschool ay dadating si Kurt Cedric Alcantara sa buhay niya. Isang bagong estudyante sa Bright Academy. Maraming humahanga sa kanya dahil sa kagwapuhan nito ngunit isang mahilig sa...