CHAPTER XV

7.2K 157 0
                                    

Kinagabihan ay kumain na muna sila sa labas bago tuluyan bumalik sa tinutuluyan na hotel pero makalipas lang ng ilang oras na hindi sila magkasama ay sabay din silang lumabas sa kani kanilang kwarto.


"Balak pa lang sana kitang katukin" Natatawa ngunit nahihiya ring sabi ni Aiah sa kaibigan, taka naman tumingin sa kaniya si Mikha. "Bakit? may problema ba?" Nag aalala na tanong nito. Agad naman umiling ang dalaga "Hindi lang ako makatulog ng mag isa. Yayain lang sana kita magpahangin at magpaantok sa labas" Nahihiya na sabi pa nito. "Kunin ko lang susi at wallet ko, doon tayo maglakad lakad sa session road" Nakangiting usap pa nito sa dalaga at pumasok ulit sa kwarto niya para kunin ang susi at wallet nito.



Nang maiparada ni Mikha ang sasakyan sa tabi ay agad din siyang bumaba para pagbuksan ng pinto si Aiah, nakangiti naman nagpasalamat sa kaniya ang dalaga kaya agad din hinawakan ni Mikha ang kamay nito. "Masyadong maraming tao rito, baka dito ka pa mawala" Seryosong usap ni Mikha at naglakad na habang hawak hawak pa rin ang kamay ng dalaga. Mikha, alam ko kung saan yung hotel na tinutuluyan natin pero sige

"Hindi naman halatang nilalamig ka" Napapailing na sabi ni Mikha tsaka binitawan ang kamay ni Aiah. "Masyado yata akong naexcite nakalimutan ko na magdala ng jacket" Natatawang sabi ni Aiah habang hinahaplos haplos ang kaniyang dalawang balikat. Hindi naman na nagdalawang isip si Mikha at hinubad ang suot suot nitong jacket tsaka sinuot kay Aiah. "Paano ka?" Tanong pa ni Aiah, hindi naman siya sinagot ni Mikha at hinawakan lang ulit nito ang kamay niya at muling naglakad.




"Okay lang ako, hawakan mo na lang ang kamay ko" Simpleng sagot ni Mikha. Nagulat naman si Aiah sa sinabi ng kaibigan pero hindi na lang niya ito pinahalata. "Coffee?" Nakangiting tanong ni Mikha sa dalaga, umiling naman si Aiah at ngumiti. "How about beer?" Nakangiting suhestiyon pa ni Aiah, agad din naman umiling si Mikha sa dalaga "No, ayokong magalit sa akin si Sheena" Di pag sang ayon ni Mikha sa dalaga "Edi wag natin sabihin" Todo ngiti pang sabi ni Aiah at hinila na lang si Mikha papasok ng isang restobar.


"Napatawag ka? Okay lang ba kayo diyan?" Bungad ni Sheena ng sagutin ang tawag ni Mikha sa kaniya

"Okay lang, nasa session road kami ngayon" Sagot ni Mikha

"Okay? hindi ba dapat na kay Aiah ang atensyon mo ngayon. Anong problema?" Tanong pa ni Sheena sa kaibigan

"Sa kaniya lang naman talaga atensyon ko, gusto ko lang ipapaalam ko lang sayo na nagyayang uminom tong kaibigan mo" Usap pa ni Mikha sa kaibigan

"So?" Kunwari pang tanong ni Sheena sa kaibigan

"Sheena naman" Nauubusan ng pasensya na sagot ni Mikha

"De, joke lang, okay lang naman, Mikha. May tiwala ako sayo pagdating kay Aiah, ikaw pa" Sagot nito, napatango na lang naman si Mikha bago sumagot

"Okay, thanks?" Patanong na sabi nito, natawa naman si Sheena sa kabilang linya kaya napangiti ang dalaga

"Tsaka hindi rin naman kayo makakabuo" Tawang tawang sabi ni Sheena

"Catacutan"

"Joke lang, Mikha?" Tawag pa ni Sheena sa kaibigan

"Talagang kay Aiah lang atensyon mo?" Tanong pa ng kaibigan nito, binabaan naman niya ito ng linya bago pa siya nitong tuluyan na asarin.


"May problema ka ba? Nakakatatlo ka na oh" Kunot noong sabi ni Mikha kay Aiah habang tinuturo ang tatlong boteng beer na naubos nito. Nang magsunod sunod ng inom ang dalaga ay napagdesisyunan ni Mikha na wag na uminom para mas maalagaan ang dalaga kung sakaling malasing ito.

"Alam mo, hindi naman totoong galit o ayoko sa mga piloto e" Natatawang sabi pa ng dalaga habang nilalaro ang bote ng beer. "Mommy ko lang naman talaga ang may ayaw kaya sinusunod ko na lang siya kasi ayoko siyang saktan at magalit sa akin" Dagdag pa ni Aiah. Napatango na lang naman si Mikha

"Tama lang yon, sundin mo lang ang mommy mo, mahirap kapag mismong magulang mo na ang magalit sayo" Seryosong usap na ni Mikha atsaka uminom. Napatitig naman sa kaniya si Aiah at hinawakan ang pisnge ng dalaga. "Piloto ka" Natatawang sabi ni Aiah at pabirong sinampal ang kaibigan. Napangiti naman si Mikha. "Hindi ako piloto sa ngayon kaya wag mo na munang isipin yan" Simpleng sagot ni Mikha kaya napatango si Aiah. "Ayoko rin naman layuan ka" Biglang sabi ni Aiah kaya napatitig na lang sa kaniya ang dalaga. Huwag natin pahirapan ang isa't isa, Aiah.


"Bakit kasi ang layo ng pinarkingan ko?" Reklamo ni Mikha sa sarili niya habang pasan pasan na ang lasing na lasing na si Aiah. "Bakit din kasi nagpakalasing ka?!" Sermon pa ni Mikha sa dalaga pero tinawanan lang siya nito at mas lalo pang siniksik ang mukha sa leeg ng dalaga. "Ano bang tumatakbo sa isip mo? Bakit mas pinili mong magpakalasing kaysa sabihin sa akin?" Tanong ni Mikha sa dalaga, hindi naman ito sumagot at mas humigpit lang ang pagkakayakap ng dalaga dito. Nang makarating na sa pinagparadahan ay agad din binaba ni Mikha si Aiah sa loob ng kotse at sinigurado munang komportable ito bago tuluyan sumakay sa driver seat at magmaneho.

Pagdating sa hotel ay kinuha na ni Mikha ang susi ng kwarto ng dalaga sa bag nito at doon maingat na hiniga ang dalaga sa higaan nito. Nang masigurong okay at komportableng natutulog na ang dalaga ay agad din niyan naisipan lumabas ng bigla naman tumawag sa kaniya si Sheena.

"Hello?" Bungad ni Mikha sa kaibigan

"Kamusta? Nakauwi na kayo sa hotel niyo?" Tanong nito sa dalaga

"Hmm kakauwi lang, tulog na rin tong si Queen, lasing na lasing kaibigan mo e, may problema ba to?" Sagot naman ni Mikha at takang tumingin sa dalagang mahimbing pa rin ang pagkakatulog.

"Bakit ako ang tinatanong mo? ikaw kaya ang kasama niya" Natatawang sagot ni Sheena, napailing na lang naman ang binata.

"Ikaw ba? san ka? bakit hindi ka pa natutulog?" Sunod-sunod na tanong ni Sheena sa kaibigan

"Dito pa sa kwarto ni Queen, kakahatid ko lang sa kaniya dito pero palabas na rin ako" Sagot ni Mikha

"Okay. Thanks Mikha" Pagpapasalamat ni Sheena at binaba na ang linya.

Chineck pa muna ni Mikha si Aiah bago tuluyan lumabas. "I miss you daddy" Biglang usap ni Aiah. Napangiti lang ng mapait si Mikha tsaka kinumutan si Aiah bago tuluyang lumabas at matulog na rin sa sarili niyang kwarto

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon