CHAPTER 6:

103 3 0
                                    

"ANO ngayun ang plano mo eric?" Tanong sa kanya ni tristan "damn!, Yung gandang babae na yun tomboy pala!"

"Do you really love her?" Tanong ni eugene sa kanya nakapagpatingin sa kanya.

"I really love her bro, but I don't know what to do?" Sabi nya na napasabunot  sa sarili nyang buhok. "Tang ina, hindi ko man lang napansin sa kanya yun, cause everytime I'm with her it feels perfect!"

"Problema ba yun?" Kunot ang noong sabi ni eugene sa kanya. " Then turn her into a real woman, that would be not easy but if you really love her you'll do everything to get her!"

Napatango sya sa sinabi ng kaibigan. 'tama!. Dapat umpisahan ko na ngayun, hindi dapat ako nandito at nagmumukmok. I have to do something to get my baby.' anya sa sarili. Kaya naman dalidali syang tumayo para umalis.

"Where the hell are you going bro?" Gulat na tanong tristan.

"I'm going to get my baby," anya sa dalawa nakapagpangiti sa dalawa. "She's mine even if she's lesbian!...  At kahit sinong babae o lalake pa yan kukunin ko sa kanila si eve. Because she's mine, she's my eve." Anya na nagmamadaling umalis.

"Woah!.. he really is inlove with that lesbian!" Di makapaniwalang nasabi ni tristan.

"Kinakarma na yata ang loko dahil sa pambabae nya. Hahaha!" Natatawang sabi pa ni eugene.

"Wait!. Don't say that!, Baka pati tayo makahanap ng karma natin!.. kaya pwede ba itikom mo yang bibig mo!" Galit na sabi naman ni tristan na nakapagpahinto sa pagtawa ni eugene. Marahil naisip nya na hindi nga naman magandang biro ang nasabi nya.

"GOOD morning po!" Ani eric kay kuya max, nakapagpalingon sa kanya. Busy ito sa pag kalikot ng hood ng kotse ng makita nya. Pinuntahan nya kasi ang bahay nila eve kanina pero walang tao kaya naman naisipan nyang tawagan si grey para tanungin kung may alam sya kung nasaan si eve. Napag alaman nya kay grey na talyer pala ang business ng mga magkakapatid kaya naman dito na sya tumuloy. "Si eve po?"

"Nandun!. Halika nandun sa loob!" Sagot nito sa kanya. Sinundan nya ito papasok sa loob ng talyer. Nagulat pa sya ng tapikin nito ang paa ng taong nasa ilalim ng isang sasakyan. " Eve, my bisita ka si eric!"

Maya maya ay nakita nyang lumabas ang babae mula sa ilalim ng sasakyan. Nakasandong itim ito na hapit sa katawan nya at pantalong maong na puro grasa. Natulala sya dito ng makita nya. Madungis ito dahil sa grasa sa mga kamay at braso. 'what the... she's fuking hot' naisip nya. Sa sobrang tulala nya ay hindi nya namalayang nasa harap nya na pala si eve at kung hindi pa sya nito tinapik ay hindi sya mahihinto sa pagtitig sa dalaga.

"Huy!.. sabi ko ano ginagawa mo dito!" Anito sa kanya na nagulat dahil hindi nya akalaing pupuntahan sya nito sa talyer. Ang kuya max naman nya nakatingin kay eric na naiiling.

"Ha!.. Ano!.. kakamustahin lang sana kita!" Anya na hindi malaman kung ano ba talaga ang sasabihin. Nawala sya sa wisyo nya ng makita ang itsura ng dalaga.

"Aaahh!. Ganun ba?.. ok lang ako.. wag mo na ako alalahanin!" Anito na medyo alangan pa sa sinagot nya sa binata.

"Anong ginagawa mo dun sa ilalim ng sasakyan!" Curious na tanong nya sa dalaga.

"Edi nag aayus ng sasakyan!" Takang sagot nya dito. "Aaahhh!.. hindi ko pala nasabi sayo kapag wala akong pasok at rehearsal ng banda, nandito ako sa talyer namin tumutulong sa mga kuya ko!"

"Gumagawa ka ng mga sirang sasakyan?" Gulat na tanong nya sa babae na tinanguan naman sya. 'ano pa ba ang hindi kayang gawin ng babaeng to at pati ang pag mekaniko ay kaya nyang gawin' naisip nya.

"Sya kaya ang pinakamagaling na mekaniko dito saming magkakapatid!" Bida pa ng kuya max nya." Sige na maiwan ko na muna kayo at may ginagawa pa ako!"

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon