Chapter 59 - Just A GAME

132 5 0
                                    

MARK'S POV :

Agad akong hinila ni Bambam para kausapin .

''Mark , Ano nang plano ?'' Tanong niya sakin.

''Bambam , Tigilan na natin 'to'' Sabi ko.

''Bakit ?'' Tanong niya.

''Hindi ko na kaya Bambam , Nakokonsyensya ko sa ginagawa natin'' Sagot ko sa kanya.

''Bakit naman ? Wag !'' Sabi niya.

''Naku ! Enough Bambam . Sasabihin ko na'' Sabi ko.

''Tinotoo mo na ba talaga ??'' Tanong niya.

''Oo ! Totoo yung nararamdaman ko sa kanya !'' Sabi ko

''Bro , It's just a GAME'' Sabi niya.

''Bambam naman !! . Ayoko nang paglaruan si Andrea . May damdamin siya ! Masasaktan natin siya kapag nalaman niyang pinagpustahan natin siya.'' Sabi ko.

Maya-maya .....

''So ito pala yung ipinaparating ni Abie sakin noh ?! Huh ! Very Good ! Congratulations sa panloloko niyo ! Naniwala akong talagang mabait kayo'' Sabi ni Andrea na siyang nasa likuran na pala namin.

Bigla akong kinabahan at nalungkot.

''Ahh..ANDREA'' Sabi ko.

''Akala ko matino ka , MARK !'' Sabi niya

Lalapitan ko sana siya kaso sinampal niya ko bigla at nagtatakbo siya papunta sa silungan.

Napatingin ako kay BAMBAM na nagulat din.

Hindi ko alam ang gagawin ko kasi nagalit na si ANDREA .

OO ! Pinagpustahan namin si ANDREA . Nung una , Talagang trip ko lang 'to pero habang tumatagal mas napapalapit ako kay ANDREA . Tinotoo ko na yun ! Talagang nagugustuhan ko na siya . Si BAMBAM lang naman ata ang nantitrip parin eh kasi totoo na yung sakin.

''Pano 'to ?'' Tanong ni Bambam.

''BWISIT !'' Sabi ko sabay alis .

Ayan ! Hindi na ko pinapansin ni ANDREA . Mukhang galit siya sakin at kay BAMBAM . Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya . Kailangang malaman niya na totoo ang lahat para sakin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ABEGAIL'S POV :

Niyakap ko si ANDREA na siyang umiiyak ngayon sa tabi ko . Tiningnan ko ng masama sina BAMBAM at MARK . Heto na nga bang kinatatakutan ko eh . Nalaman na ni ANDREA . Ito yung matagal ko nang gustong sabihin kaso hindi ko magawa kasi nga hindi kami magkasundo noon . Nakakaawa si ANDREA .

Dati , Narinig ko ang pag-uusap ni BAMBAM at MARK . Nalaman kong pagpupustahan nila si ANDREA . Inaamin ko na nung una ay tuwang tuwa ako kasi nga masasaktan si ANDREA pero iba na ngayon ! Naaawa ako sa kapatid ko .

Hindi naman siya laruan para pagpustahan nung dalawang lalaki na yun . Malalagot sila sakin . Jusko !

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ANDREA'S POV :

Nagpakatanga ako ! Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nahalatang nantitrip na pala sila . Lalong lalo na si MARK . Akala ko matino siya , Baliw naman pala ! Akala ko kaibigan ko siya yun naman pala niloloko lang ako at pinagpupustahan kung kanino ko maiinlove . Siyempre ! WALA ! Masama ang ugali nilang dalawa . Hindi ko na sila papansinin dahil mga manloloko sila .

Iyak lang ako nang iyak sa tabi ng iba dahil nakakaiyak naman talaga eh .

Kung kailan nagugustuhan ko na siya , Saka pa siya nagkakaganito sakin . Kainis !

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon