"Aalis ka pa rin ba?"
I let go of a deep breath before answering Raffa.
"Yes."
Even if my heart means no.
Gustong gusto kong manatili at damayan si Sayoko, pero mas kailangan kong damayan ang sarili ko. Kung mananatili ako dito, hindi pa rin mawawala ang sakit. Punong puno na nang awa ang puso ko para sa sarili ko.
Raffa again drove his car.
We arrived at the airport and I saw Chummy, Yummy and Josh waiting. Chummy ran toward us when she saw us coming. Agad na sinundan siya nina Yummy at Josh.
"Aki, may kailangan kang malaman," hinihingal at habol ang hininga na bungad ni Chummy.
"Alam ko na," putol ko sa kanya.
"Alam mo na?" ulit ni Yummy.
Tumango ako.
Siguradong tungkol kay Rachel ang gusto nilang sabihin.
"Pero aalis ka pa rin?" tanong ni Josh.
I smiled at them, "Yes."
Hindi na sila tumutol. Isa isa nila akong niyakap at nagpaalam.
"Hoy Aki! Don't forget us ha," paalala ni Yummy.
"Oo naman."
"Aki, thank you. Maybe if it's not also because of you hindi na kami magkikita ulit." Josh hugged me.
While Chummy started to cry, "Hihintayin kitang bumalik, wag mo akong bibiguin, umaasa ako," bulong niya. Natawa nalang ako sa sinabi niya.
"Tama na 'yang drama niyo, maiiwan na sila ng eroplano!" tawag ni Josh.
"Sige na nga, bye na. Umalis na kayo!" singhal ni Chummy habang nagpapahid ng luha sa mukha.
I waved at them. Pagkatalikod ko sa kanila ay agad na nag-unahan ang mga luha mula sa aking mga mata.
Habang papalayo kami nang papalayo, bumibigat ang kalooban ko. Pero kailangan ko ulit tumayo sa sarili kong paa, nang hindi iniaasa ang kaligayahan ko sa ibang tao.
May mga bagay na ayaw nating pakawalan, mga taong ayaw nating iwan.
But keep in mind that letting go isn't the end of the world, it can be a beginning of new life.
It's been ten years.
True indeed, 'time heals all wounds.'
"Mommy! I missed you, I missed you so much!" Evo shouted.
"Baby, don't shout. Baka mabingi si mommy," saway ko.
"Where is your dad?" I asked Evo.
"There he is!" Evo pointed Raffa who's just behind me.
"What brought you here?" tanong ko kay Raffa at kinarga ko si Evo.
"Ayan ka na naman Ka, kailangan palaging may dahilan? Tara na nga Evo, pinapauwi na tayo ni mommy, hindi niya tayo na-miss," drama nitong si Raffa. Loko talaga 'to.
Nataranta ako, Evo become teary eyed.
"No Evo, don't cry. I missed you too," pag-aalo ko sa kanya. At hinampas ko sa balikat si Raffa.
"Ang sama mo, sarili mong anak pinapaiyak mo."
Evo is Raffa's son, but I am not Evo's mom. Naturuan ni Raffa ang puso niya na magmahal ng iba pero sa kasamaang palad, Eve died when she gave birth to Evo. And Evo knows that I'm not her real mom.
"How's your work?" pag-iiba ni Raffa habang abala si Evo sa paglalaro sa iPad niya.
"Tinatanong mo kung kumusta ang trabaho ko, pero hindi mo tatanungin kung kumusta ako?" kunwari'y nagtatampo ako.
"E obvious naman na maayos ka," paliwanag nito.
"Ipapadala ako sa Pilipinas."
"Ano?"
"Ang sabi ko, ipapadala ako sa Pilipinas," I repeated.
I am living independently and currently working on a marketing firm based in US.
Before, I thought I need to take up a business course for me to take over of our company. Pero darating pala yung punto na gugustuhin mong may mapatunayan ka sa sarili mo at sa ibang tao.
"Narinig ko. Pero bakit dito pa sila kukuha, maraming marketing firms sa Pilipinas?"
"They said they want to work with someone who knows them well."
"I don't get it."
I shrugged my shoulders, "Me too."
I actually find it weird.
"Pumayag ka naman?"
"No choice, I need this for my promotion," I explained.
"Paano kung magkita kayo ulit?" I know Raffa is referring to Sayoko.
Hindi ako nakasagot agad.
"I honestly don't know," I admitted.
Ngumisi siya na tila ba nang-aasar.
"Ano?" I crossed my arms.
"Your client must be rich."
"I know."
Things change, but life doesn't stop for anybody.
BINABASA MO ANG
Three Kinds of Love (COMPLETED)
Lãng mạnIf A loves B, it's not logical to say that B loves A. But if conditional is true, this I will say; maybe someday, A and B are meant to be. ❤