CHAPTER 25:BICOL

53 1 0
                                    

(025)
Bicol

AXQUECIA POV

"Dad?"inis na tanong ko.

"Oh?It's Saturday and tomorrow is Sunday.Wala kayong pasok.Enjoy niyo muna kayo diyan dahil ipapasama ko kayo sa tauhan diyan papuntang Masbate."

"Dad.Hindi lang naman kami makakapahinga kung ipapagala mo kami."asik ko sa linya."Ang gusto kong pahinga Dad ay matulog hindi gumala"

Nakita ko namang matawa si Lux ng lingunin ko.Napasinghal ako dahil gustong gusto niya din.

"Kahit anong gawin mo ay hindi kayo makakauwi.Pinasara ko lahat ng daan pauwi galing sa bicol para sa inyong dalawa"natatawang sabi ni Dad na para bang ang ganda ng plano niya.

"Dad ba talaga kita?"inis na bulong ko.

"Ofcourse.You are Alvarez and that surename is come from me.Bye I'm busy.Enjoyyyyy"natatawang sabi ni dad tsaka pinutol ang linya.

Napalingon ako kay Lux na nakangiti ding iiling iling.

"I want to stay here.Dito ako magpapahinga"sabi ko tsaka nahiga sa kama.

Pinatay niya ang ilaw at binuksan ang lamp tsaka humiga sa tabi ko.Tumagilid siya paharap sa akin tsaka tinitigan ang mukha ko.

"Join me.Masaya do'n trust me"nakangiting sabi niya,kinukumbinsi ako.Napangiwi naman ako tsaka pumikit."Sige na tsk tsk.Alam mo bang maganda ang dagat do'n"sabi niya na iminamulat ng mata ko.Tumango tango naman siya na para bang kinukunbinsi talaga ako.Parang bata."Marami ring pagkain do'n"nakangiting sabi niya.Yun ang gusto ko!"Maraming seafoods do'n at masasarap."kwento niya na tumingin sa labi ko."Maganda ang tanawin do'n,relaxing"

"Paano mo naman nalaman 'yan?"kunot noong tanong ko,naninigurado.

Nanlaki naman ang mata niya habang nakataas ang isang kilay,nagtataray."Baka nakakalimutan mong pag mamay ari ng pamilya ko ang masbateng pupuntahan natin"nagmamayabang pa."Hindi man ako nakakapunta dito ay dinadalhan kami ng Dad ng seefoods kaya ganu'n na lang kasarap 'yun sa panlasa ko."

"Talaga?"paningurado ko.Tumango naman siya.Tumayo naman ako at binuksan ang ilaw."Maliligo na ako.pupunta tayo do'n"sabi ko tsaka patakbong pumasok ng comfort room.

LIXZELL POV

Gusto kong matawa sa reaksyon ni Ax at talagang dahilan ng pagpayag niya ay ang pagkain.Ganu'n kabilis nagbago ang desisyon niya ng sabihin kong may masarap na pagkain do'n.

Nasa byahe na kami sakay sa barkong pagmamaya ari ni dad.Tuwang tuwa pa ang mga tauhan na malaman na pupunta kami dahil hindi na daw nabibisita ang lugar nila ni dad dahil busy daw ito.

Makapigil hininga ang ganda ng dagat sa paglalayag namin at kahit hindi magsalita ni Ax ay kitang kita ang paghanga sa mga mata niya at sa ngiti sa labi niya.Napakasarap sa pakiramdam na makita siyang masaya.

Nang makarating kami sa harap ng hotel ay halos maglingunan ang mga tao dahil sa presensiya namin.Mga torista man o trabahador ng hotel.

"Ayan na ba ang anak ni Mr. Jeon?"
"Aba'y binata na ano"
"Napakagandang lalaki"

Rinig kong usapan ng matatanda sa gilid ng hotel,halatang taga rito.

Pagpasok pa lang ng hotel ay halos lingunin kami lahat ng empleyadong nando'n.May lumapit saming isang lalaki at nagpakilalang siya ang tauhan ni Dad na inutusan para asikasuhin kami.Pinakita niya ang Id niya na may pirma ni dad na nagpapatunay na personal asisstant siya ni dad sa masbate.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now