Unang Kabanata

1.5K 26 1
                                    

---Ang Huling Aswang Sa Cansaya---
(AswangEngkanto Book 1)

Author: Carolina Barrios

"Leonora mangahoy ka na," sabi ng isang babae sabay abot ng isang sako sa dalaga na nagngangalang Leonora.

Si Leonora ay isang dalagang lumaki malayo sa kabihasnan, dahil siya ay lumaki sa bundok na tinatawag na bundok cansaya. Malalayo ang agwat ng mga bahay dito, kaya naman bibihira siyang may maka-usap na tao.
Madalas siyang mangahoy at pinupuno ang isang maliit na kubo sa tabinng kanilang bahay upang kahit umulan ay may magamit parin silang kahoy. Si Leonora ay napakaganda at marami ngang nagkakagusto sakaniya kapag nakita siya. Kaya naman hindi na pinag aral si Leonora dahil nga natatakot ang ina nito na isang araw ay mag asawa ito at iwan sila.

Habang nangangahoy ay may napansin si Leonorang paparating sa kaniya kaya agad siyang nagtago sa puno, upang magtago.

"Nasaan na kaya ako, naliligaw na yata ako," sabi ng isang lalake habang nangangamot ng ulo. Hindi niya alam na nagmamasid pala sakaniya si Leonora na nakatago lamang sa malaking puno. Habang sinisilip ni Leonora ang binata ay naapakan niya ang isang tuyong kahoy at tumunog ito."

"Huh may tao ba diyan," tanong ng binata. Habang si Leonora naman ay nagmamadaling naglakad pa-alis, ngunit nakita siya ng lalaki.

"Kailangan ko ng umuwe," sabi ni Leonora habang mabilis na naglakad pauwe.

"Sandali lang!" sigaw ng lalake habang hinahabol ang nagmamadaling si Leonora. Ngunit nahabol padin siya ng lalake at hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya sa pag alis.

"Sandali lang," sabi ng lalaki na nakita na ng malapitan ang si Leonora at nagmistulang natulala ng ilang saglit sa mukha ng dalaga. At wala ng lumabas sa bibig nito.

"Aalis na ako," sabi ni Leonora.

"Te-Teka pasensiya na, gusto ko lang sana itanong kung alam mo ba ang bahay ng mga Mallari?" tanong ng binata habang nakangiti kay Leonora. Tumango lang si Leonora at itinuto ang daan, tiningnan naman ng lalaki ang daan ngunit puro puno lang naman ang nakikita niya.

"Hindi ko padin alam, kung pwede sana samahan mo ako babayaran kita,"

Tumingin si Leonora sa kamay niya na hawak hawak ng lalaki dahil hindi padin ito binibitawan nito.

"Ay pasensiya na," sabi ng lalaki sabay bitaw sa kamay ni Leonora.

"Sumunod ka sa akin,"

Naglakad na si Leonora patungo sa bahay ng pamilyang Mallari. Tahimik lang si Leonora habang ang lalaki naman ay nakasunod sa kaniya, pinagmamasdan nito ang napakahabang buhok at tuwid ni Leonora at katawan niyang napakaganda ng hubog.

"Nga pala ako nga pala si James, James Mallari ikaw?"

"Ako si Leonora,"

"Leonora ang ganda ng pangalan mo," sabi ni James, pero hindi manlang nagsalita si Leonora kaya nagsalitang muli si James.

"Pasensiya ka na kung naabala kita, bago lang kasi ako dito kaya naman sa paglibot-libot ko ay naligaw ako. Huwag kang mag alala katulad ng sinabi ko kanina babayaran naman kita."

"Nandito na tayo, ayun nakikita mo bahay yun ng mga Mallari,"

"Oo nga noh, heheh salamat hah, heto nga pala bayad ko," sabi ni James sabay dukot ng isang daang pisong papel. Sabay abot kay Leonora.

"Hindi na ok lang, uuwe na ako," sabi ni Leonora sabay takbo nga pauwe. Naiwang nagtataka si James, dahil hindi manlang nito tinanggap ang pera niya.

"Ang ganda niya, ngayon lang ako nakakita ng ganoong kaganda at yung katawan ibang klase. Sana magkita ulit kami, ay hindi pala magkikita ulit kami dahil hahanapin kita Leonora," sabi ni James.

Ang Huling Aswang Sa Cansaya (AswangEngkanto) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon