CHAPTER 20

65 37 0
                                    

'Black box'

"Ano ha sabihin mo sakin ng diritso. Lahat ng kasamahan ko sa trabaho inaakala kabit mo ako." Matapang na sabi niya sakin.

"Tsk hindi na naman bago sakin yon. Palagi mo naman akong kabit diba, mapa Lyssa man o Ace" mapaklang ani niya sakin na malalim na ang paghinga.

Natatakot akong magsalita sa totoo lang.
"Ano?" Sigaw niya sakin at inilingan ko na lang siya saka hinila para yakapin.
"Hindi. Don't leave me again baka hindi ko kayanin" tanging nasabi ko sa kaniya habang yakap siya. Nadinig ko naman ang malakas na kabog ng dibdib niya at saka buntong hininga.

'Putangina mo Riss napakalambot mo, kaya ka madaling iwan sa ere e kasi alam niyang boses niya palang manginginig kana presensya palang niya kakabahan kana at halik niya pa lang maghahabol kana at iiyak siya sayo magkakandarapa ka na naman'

Mahigpit ang yakap ko sa kaniya na parang ayoko na siyang pakawalan, madaming taon na ang sinayang namin. Bat ba kasi ambobo ko pagdating sa kaniya? pag nandiyan ang luwag ko, gago tarantado pero pag wala iiyak iyak, Magdadrama at maghahabol.

Isang linggo na ang lumipas at masasabi kong medyo ayos na kami. Hindi ko naman masisisi ang issue na umiikot sa firm samin dahil nga pinakalat kong engage kami ni Lyssa. Tss nasa huli nga naman talaga ang pagsisisi.

Napabuntong hininga nalang ako.
'Gusto ko makita si Fe' nakangusong saad ko sa isip.
"Please call Prosecutor Arellano, I want to talk to her" panguutos ko sa secretary ko sa intercom.

Wala pang limang minuto nagsalita na si kriz na secretary ko.
"Im sorry Atty but Prosecutor Arellano has a client daw po, ayaw paisturbo" anunsyo ng secretary ko sa intercom parin.

Napakunot naman ang nuo ko at saka bumuntong hininga. Humilig nalang ako sa swivel chair ko at saka tinapos yung mga dapat tatapusin ko.

Hindi ko man lang namalayan ang oras at malapit na palang mag alas dose kaya napagdesisyonan kong lumabas ng office at yayain si Fe na lumabas para mag lunch. Naging routine na namin to everyday, kahit nagtataka ang ibang kasamahan namin dito sa firm hindi nalang sila nagsalita.

Binigyan ko pala ng sariling office at prosecution team si Fe total nag resign na din naman si Prosecutor Sanchez, siya nalang pinalit ko. Pagkadating ko sa office ng team nila agad kong hinanap si Fe.

"Where's Prosecutor Arellano?" Pagtatanong ko sa kanila at agad naman nanlaki ang mga mata nila at sandaling nagtaka.
"Uhm Atty may important client pa po sa loob eh ayaw paisturbo" nakangiting sabi ng isa sa team niya. Napatango naman ako at napagdesisyonang maghintay sa upuan nila dito.

"Sino ba daw ang client?" hindi mapigilang pagtatanong ko sa babaeng nagsalita kanina.
"Uh si Mr. Axel Roscoe po" pagbabasa niya pa sa folder na hawak niya at agad na kumunot naman ang nuo ko.
"Pakita nga" seryoso nang sabi ko dito at binigay niya naman agad sakin ang folder.

"Omygod nahawakan ko kamay niya" dinig kong mahinang bulong nito pero hindi ko na lang pinansin saka nagfocus sa pagbabasa nitong client form. Umigting naman ang panga ko pagkabasa palang na single ito at 30 yrs. Old.

"Domestic violence?" Mahinang bulong ko at saka sinubukang kumalma sa isiping sila lang dalawa ng lalake yon sa office.

'Kalma' pero hindi ko pa din mapigilang magtanong.
"Ilang oras na sila don?" Pagtatanong ko sa babae kanina.

"Mga tatlo na po attorney" magalang na sagot niya sakin. Hindi ko na napigilang tumayo at papasok na sana sa office. Pipigilan na sana ako ng babae nang marahas kung binuksan yung office, walang katok katok.

It Started On Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon